Nagising si Chronos dahil sa lamig na unti-unting umaakyat mula sa paa niya hangang sa kanyang hita. Kahit hirap pinilit niyang iminulat ang mga matang kanina pa nakapikit kasabay ng pag-unat ng natulog ding mga braso at binti niya.
Ang nananamlay niyang ulo ayaw pa ring humiwalay sa librong nagsilbing unan niya noong hapon na iyon. Patuloy pa rin at parang walang balak umalis ang nakatungkod ang baba niya sa unang pahina ng Physics Book na hiniram niya kanina pagkatapos ng klase.
“Umuulan pa din?” mahinang tanong niya sa sarili habang nakatingin sa naguunahang pila ng tubig na dumadaloy sa malaking bintana ng Library ng school nila. Mula doon kitang-kita ni Chronos kung gaano kalakas ang ulan na kanina niya pa pinapatila.
Tubig. Pinaka-ayaw niya ang tubig.
Ayaw na ayaw niya ang mga buwan ng taon kung kalian umuulan. Ayaw niya ng dagat, ilog. swimming pool, baha at lahat ng porma ng tubig. Ayaw na ayaw niyang nababasa at nalalamigan. Maalikabukan at madungisan na siya huwag lang mabasa ng malamig na tubig.
May payong naman siya kaya lang takot siyang mabasa.
Uulan ng buong lingo na iyon, ayon sa balita kaya naman naghanda siya pero habang palabas na siya kanina sa main hall papunta sa main ground nanlumo siya sa nakita.
Umuulan ng malakas.
Iyon bang ulan na animo hindi na maampat, iyong klase ng ulan na bumabagsak sa magkabilang banda. Ulan na hindi mo malaman kung saan mo ipwepwesto ang payong mo dahil mismong ikaw nalilito sa gusto niyang patunguhan.
Kaya naman humiram siya ng Physics Book hindi para basahin kundi para gawing unan na tulugan pamatay oras.
Ang adhikain niya sa pagpunta sa library noong araw na iyon ay hindi kagaya ng ibang nandoon particular na ang babaeng ilang lamesa lang ang layo sa kanya.
Chronos focused his lazy eyes on her exposed neck right above her red cardigan.
Mula sa kinauupuan niya pinagmasadan niya ang mga maliliit na buhok na kumawala sa buhok nitong ayos na ayos ang pagkakahatak at pagkakabilog. Her baby hair playfully went loose and kissed her lovely neck.
Napaatras ang sariling leeg ni Chronos at tuluyan na siyang nagising sa tinatakbo ng isip niya.
Napakamot siya sa ulo at nagdesisyon na tumayo na at umalis bago pa dapuan ng kung ano-ano ang utak niyang naapektuhan ng mauling hapon na iyon.
Chronos forced himself to walk past her so he could return the book on the counter. For a fleeting moment he glanced at her.
With her straight back stretched for hours, Vida didn’t look exhausted at all unlike him who slept with slouched back during the whole time. Her eyes gracefully skimmed every word the book had while her hand scribbled neatly on the notebook beside her from time to time. The girl seemed oblivious that they were the only ones left inside the library besides the librarian who was one by one turning off the lights on sections that didn’t need them.
BINABASA MO ANG
So this is LOVE! (ONGOING)
FanfictionHere's what I know: THIS IS SOMETHING THAT YOU HAVE TO READ EVEN IF YOU DON'T WANT TO. Today just read and do nothing. Today, just stay put and just like any other day, don't find him.
