STIL20: The Mermaid, The Prince and The Elephant

5.4K 141 92
                                    

Mabigat ang katawang umupo si Vida sa upuan hawak ang isang librong aminado naman siyang pang ilang ulit na niyang nabasa. Noong mga oras na iyon props lang iyon. Lakas loob na nilapitan si Hezekiah ng tanghaling iyon sa library kung saan naabutan niya ito na nagbabasa ng libro.


Hindi nag-angat ng tingin ang katabi ni Vida ng mga oras na iyon na si Hezekiah. Patuloy pa rin itong nagbabasa ng librong hawak nito.


"Are you here to ask for an advice?" mayamaya sabi nito ng walang gana ng tuluyan ng akalain ni Vida na muhkang wala siyang makukuha dito. Mabilis pa pala sa alas-kwatro na nalaman nito ang pakay niya ngunit nagmamaang-maangan lang ito.


Nagulat na lang kasi siya ng umagang iyon ng sabihin ni Chronos na baka ituloy nito ang pag-aaral sa ibang bansa dahil na rin sa utos ng mga magulang nitong naroon na. Chronos explained well the reason why he needed to go there sincerely. Malaki kasi ang mamanahin nitong kompanya sa hinaharap kaya dapat lang na maging responsable siyang tagapagmana. He expressed that he had a long way to go and his conviction to become deserving when that time comes will not waver. Malungkot ngunit nakangiting sinabi naman sa kanya ni Chronos na hindi matatapos doon ang relasyon nilang dalawa. He immediately promised that he would come and visit her always and that their communication won't stop. Nakailang peksman ito sa kanya habang hawak ang kamay niyang akala mo hindi kalian man bibitaw. Takot na takot ito na baka sabihin ni Vida ditong tapusin na lang ang relasyon nila kaya panay ang pangako nito sa kanya na magiging the best boyfriend ito kahit malayo ito sa kanya.


Vida didn't utter a single protest and just like an ace of a girlfriend she encouraged, complimented and congratulated him for his maturity as a person. She even swore in turn that she'll support him all the way. Vida took the whole thing positively... with a smile... at least it was what Chronos thought.


Just by looking at him Vida knew that he was destined to greatness in the future...


She was sure of that... just like how she was sure that Chronos would never back down and keeps his word.

Ang hindi pinapaniwalaan ni Vida ay ang sarili niya.


Hindi pa niya nasasabi kay Chronos na may sakit siya. Just like the news of his departure, the news about her sickness came crashing down on her unexpectedly. Wala naman siyang balak itago iyon kay Chronos pero kung aalis ito naisip niya na baka maging pabigat lang siya kung sasabihin niya dito ang problema niya.

Isa pa... hindi naman nakakamatay ang sakit niya...

Nakakatakot lang. Hindi pa kasi alam kung gaano kadalas pero paano kung tama yung sabi ng Doctor sa kanya na may posibilidad na may mga makalimutan siya ng tuluyan... bagay... lugar... pangyayari... tao...

Paano kung magising siya isang araw at makalimutan niya si Chronos? The possibilities were endless and Chronos including her memories with him was no exception. This selfish little voice inside of her that didn't want to let Chronos go feared that the most, waking up one day oblivious of how special that one person is to her. Ngunit kapag pinahintulutan niya ang boses na iyon na mangibabaw baka dumating ang araw na masira at maging hadlang lang siya sa magandang kinabukasan ni Chronos. He might even get hurt in the long run.


"Pwede namang makinig ka lang kung ayaw mong magpayo. Aalis na si Chronos. Sa ibang bansa na siya mag-aaral." Mabilis ngunit mahina na sabi niya kay Hezzekiah. She fixed her glasses in place. Tumango lang si Hezekiah habang nililipat ang pahina. "Ok lang naman na mag-aral siya sa ibang bansa. Maganda nga iyon." She lied. Her chain of thought unorganized. "I'm happy to see him determined to become a greater person."

So this is LOVE! (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon