STIL10: Probability Theory

4.8K 114 36
                                        

Lub-Dub

LUb-Dub

     Nanghihinang napasandal si Chronos sa likod ng dingding bago ang naturang pintuan ng silid-aralan nila. Parang sirang hinihingal na pinakinggan niya ang lakas ng kabog sa dibdib niya.

Lub-Dub

Vi-da! Vi-da!

     Napailing nang mariin si Chronos sa takbo ng isip niya. Naihilamos niya ang palad sa muhkang di maipinta. Isang hakbang na lang at abot kamay na niya ang tagumpay!

     Naiangat ni Chronos ang paa ngunit tinungo nito ang kabilang direksyon.

     Pudpod na ang sapatos na leather ni Chronos sa pagiging aligaga niya.

     Parang replay button na paulit-ulit siyang nagtangkang pumasok sa loob ng silid aralan nila ngunit bago pa niya masilip ang loob ng classroom na bukas kusang umaatras ang paa niya.

     Nakailang 360 degrees na ba siya?!

     Kasalanan din naman niya.

     E malay ba niyang sasabihin niya iyon kay VIDA?!

     Bago pa niya napigilan ang NAPAKAGALING niyang bunganga nasabi na niya ang kinatatakutan niyang pangungusap bago pa iyon rumehistro sa isip niya. Hindi kagaya ni Vida.

     Natural! Faster than the speed of light na rumehistro agad sa utak ni Miss Henyo ang sinabi niya.

     Nabitawan niya si Vida noon ng wala sa oras.

     Mismong siya nagulat sa sinabi niya… Muntik na nga siyang himatayin kaya bago pa nakapagsalita si Vida dali-daling tinakbuhan niya ito na tulalang nakatingin sa kanya palayo.

     Pilit niyang pinapakalma ang sarili habang nag-ja-jumping-jack sa labas ng classroom.

     Ito lang naman kasi ang unang araw pagkatapos ng nakakahiyang insidenteng iyon.

     Hinaplos ulit ni Chronos ang harapan ng dibdib niya na ngayon ay doble na ang kabog kakatalon niya kanina pa. Takang tinitignan siya ng mga kapwa estudyanteng nadaan at nakatambay sa hallway na nakakasaksi sa kanya, lahat iniisip nab aka nasisiraan na siya.

     Bumuga si Chronos ng malakas pagkatapos ayusin ang buhok at uniporme at lakas loob na pumasok sa klase na parang walang nangyari sa labas ng silid-aralan. Automatikong nanlambot ang tuhod niya ng makita si Vida na nakaupo sa mesa nito. Hindi nito napansin ang pagdating niya. Gaya ng dati subsob na naman ang atensyon ni Vida sa nakabuklat na libro sa harapan nito, na parang walang ibang taong nandoon kundi ito lang at ang libro. Hindi nito alintana ang magulong mga ka-kalse nila sa paligid nito.

     Napangiti si Chronos ng wala sa oras habang palapit dito.

     Slowly he walked the aisle where he could walk past by her.

So this is LOVE! (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon