Chapter 2

54 0 0
                                    

Note: Sorry if ngayon lang ako nakaupdate sa story, I was just so busy, and ngayon lang nagkaron ng free time to update. Nabago na nga yung original plot neto coz i forgot na, and i accidentally deleted yung draft na sinulat ko about sa plot, but hindi naman nagkakalayo yung bagong plot na naisip ko ngayon. So please bear with me kung meron man nagbabasa neto :) although, i am not gonna promise na magiging active ako katulad ng ibang authors dyan but i will try my best to update often. Thank you! ;) So here goes!

--------—-----------

Haylee Gail

Habang kumakaripas kami ni Coleen ng takbo ay bigla na lang nag-play sa isip ko kung ano ang pwedeng mangyari sa amin ni Coleen. Naiisip ko na what if kung magnanakaw 'yong humahabol sa amin? Wala akong pera o kahit ano na maibibigay sa kanya, ang kakaunting pera na laman ng wallet ko na bigay pa sa akin ng Papa ko noong nabubuhay pa siya sampung taon na ang nakakalipas ay sakto lamang pangbili ng kakainin namin ng mga kapatid at nanay ko para kinabukasan, kulang na kulang pa nga ang natatabi kong pera para sa project ko. Kaya hindi ko maisip kung saan kami pupulutin ng mga nanay ko kapag nanakawan ako, or worst, paano kung bigla na lamang kaming sasaksakin or barilin para makuha ang mga gamit namin? Diyos ko po 'wag naman sana.

"Hoy ate!" napatigil kami ni Coleen sa pagkaripas ng takbo ng mabosesan namin 'yong sumigaw. Nagkatinginan kami ni Coleen at sabay na lumingon sa likod.

Nang makumpirma ko na sya ngayo 'yon ay dali-dali akong naglakad papunta sa bunso kong kapatid at malakas ko siyang binatukan "Diyos ko po!" sigaw ko "Pambihira kang bata ka! Muntik na ako atakihin sa puso, hingal na hingal ako sa pagtakbo ikaw lang pala! Diyos ko! 'Wag na wag mo nang uulitin 'yon! Akala ko magnanakaw ka!" galit kong sigaw sa kanya.

Nilagay ko ang dalawang braso ko sa magkabilang bewang ko at sinubukan kong habulin ang hininga ko. Sa sobrang hingal ko sa pagtakbo ay baba't taas ang aking dibdib. I swear to god, nakikita ko na talaga ang buhay ko, naiisip ko lang 'eto na ba 'yon? kukuhanin na ba ako ni Lord?'. I know im overreacting, but you never know, especially sa panahon ngayon dito sa Pilipinas sobrang nakakatakot na. Katulad na lang ng mga napapanuod ko sa facebook, na mga naglalakad or nagmomotor lang pauwi na sa pamilya nila bigla na lang may lalapit na unknown guy and babarilin na lang sila sa ulo ng walang awa. Nagkalat na din ang mga adik ngayon sa paligid, mga rapist, sari-saring mga kriminal. There is nothing really wrong about being careful, so when you have chance to run, you better run like hell.

"Ang OA nyo naman kasi Ate," sagot ng kapatid ko. Napataas naman agad ang kilay ko sa sinabi pero bago pa ako makasingit ay naunahan na nya ako magsalita "May narinig lang kayo kumaluskos tumakbo na agad kayo!" singhal nya.

Aba! sumasagot pa. Kinurot ko sya sa singit "Hoy Arturo! Anong OA?! Syempre may kumaluskos tapos nasa madilim kaming kalsada natural iisipin namin magnanakaw 'yon!" sigaw ko. Kita ko sa muka niya na nasasaktan siya sa pagkakakurot ko sa singit nya, kaya mabilis nya itong tinanggal.

"Aray ko naman ate! Masakit ka kaya mangurot baka hindi mo alam!" padabog nyang singhal sa akin "Ang pogi ko namang magnanakaw," dagdag nya "So please ate call me Art." pagpapatuloy niya sabay kindat pa. Napaisnab naman ako. Pero sa isip ko natatawa ako, loko-loko din kasi itong kapatid ko. Mana-mana lang.

Napangiti ako at malambing ko siyang kinurot sa pisngi "Aysus! Itong Arturo namin!" sumimangot ang kapatid ko at marahas na tinanggal ang kamay ko mula sa pisngi nya.

"Ate naman e!" singhal niya.

Napahagikhik naman ako sa reaksyon niya."Sige hindi na," natatawang sabi ko "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Gabing-gabi na e nasa labas ka pa? 'Di ba sinabi ko sayo tulungan mo si nanay sa bahay?" sermon ko sa kanya.  Hindi naman sa masyado akong bossy na ate, talagang kailangan lang ni nanay ng lahat ng tulong na pwede, hindi siya pwedeng mapagod masyado o kahit hingalin, bukod kasi sa sinusustentuhan ko ang araw-araw naming panggastos ay kailangan ko din sustentuhan ang buwan-buwan na medication ni nanay. "Arturo naman, tulungan mo naman ako o! Alam mo naman ikaw lang makakatulong ko, 'wag ka naman gala ng gala bunso, please lang. Promise ko sayo, sa day off ko. Makakalabas ka na, kahit maghapon pa." frustrated kong sabi.

My Husband's Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon