Chapter 3

50 0 0
                                    

Author's Note: Mag switch ulit ako sa first person's POV. I was just trying kung ano ang mas maganda. I wrote a draft of Chapter 3 in Third person's POV and it was a mess kaya im switching back hehe. Kaya here goes! Sorry kung magulo :D

——
Haylee Gail

Agad akong lumapit kay nanay at tinulungan ko siya makatayo. Napaka demonya talaga ng ate ko. Sinasabi ko na nga ba kaya ito bumalik ay parang manggulo na naman.

"Ayos ka lang po ba 'nay?" paninigurado ko. Naabutan ko ang lahat, malakas ang pagkakatulak ni ate Hazel kaya alam kong nasaktan siya. Hindi ko na naantay ang sagot ni nanay at mabilis akong pumunta sa harapan at tinulak din siya "Ano bang probleman mo ha ate!!" sigaw ko sa kanya "Ganyang ka na ba talaga? Pati si nanay pinapatulan mo na! Wala kang respeto! Isa pa alam mong may sakit si nanay itutulak mo lang ng ganyan?!". Hindi na niya alam ang nangyayari sa ate niya, sobra na ang ate niya.

Hindi siya sumagot. Tiningnan at inirapan niya lang ako at pagkatapos ay lumuhod at tinipon ang mga pera na nagkalat sa sahig. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Talaga bang mas mahalaga sa kanya ang pera kaysa sa sarili niyang pamilya? Hindi na bali kung wala akong halaga sa kanya e, ang akin lang sana man lang magkaroon siya ng kaunting respeto at pagpapahalaga kay nanay o sa kapatid naming bunso. Matapos tipunin ni Hazel ang pera tumingin siya sa akin.

"Baka may naitatago ka pa Haylee, kulang pa 'to e." malamig niyang sabi.

I gasped, hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Sino ba itong taong kaharap ko ngayon, ibang-iba 'to sa ate ko. Ang ate Hazel ko mabait, maaruga, magalang at may respeto, at higit sa lahat walang halaga sa kanya ang pera. Sa nakikita ko ngayon, wala na ang ate Hazel ko. Ibang tao na ang kaharap ko. Noon kapag tinititigan ko siya makikita ko siya, isang masiyahing babae na mahal na mahal ang mga kapatid niya, pero ngayon? wala, wala akong ibang makita sa kanya kundi ang madilim na aura na pumapaligid sa kanya.

"Ate, hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa'yo. Hindi na kita kilala." halos mangiyak-ngiyak kong sabi. Sobrang sakit ng nakikita ko ngayon. Para bang sinasaksak ang puso ko. Oo galit ako sa kanya, pero kapatid ko siya sobra ko nang namimiss 'yong dating kami. Mahigit isang taon lang kasi ang agwat ng age namin sa isa't isa kaya naman simula noong bata pa kami ay daig pa namin ang kambal dahil hindi kami mapaghiwalay. Sa eskwelahan sagot namin ang isa't isa kapag may mga batang feelingera at inaaway ang isa sa amin, she was my best friend.

Umikot ang mga mata niya ang halatang inip na inip na siya sa mga nangyayari "Haylee wala akong oras para sa mga kadramahan niyo. May pera ba kayo o wala? Ang simple simple lang tinatanong ko." Hindi ako nakasagot agad dahil sa narinig ko. Pera na lang ba talaga ang mahalaga sa kanya? Hindi ko alam kung saan ba niya ginagastos ang pera, kasi honestly everytime na bumabalik siya dito which is every month lagi niyang kinakalis ang ipon ko at 'yong perang iniipon ni nanay.

"Hazel anak," paninimula ni nanay, and then next thing I knew she's hugging ate Hazel "Bumalik ka na sa amin. Miss na miss ka na ni nanay."

At eto na nga, tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko man alam ang eksaktong nararamdaman ni nanay pero alam ko sa aming dalawa mas higit siyang nasasaktan at nahihirapan. Kaya sana lang, sana bumalik na si Ate dahil kahit naman sobra 'yong ginawa niya sa amin ay willing naman ako tanggapin siya ulit dito sa bahay. If ever man na mapag-desisyunan niyang bumalik dito ay hindi ako makikipag-matigasan o makikipag-sagutan sa kanya, dahil higit sa lahat; mahalaga ang kaligayahan ni nanay.

Pero imbis na yakapin niya pabalik si nanay tinulak na naman niya ito sa pangalawang pagkakataon. Mahina lang naman ang pagkakatulak dahil napaatras lang si nanay, pero kahit na mahina 'yon, nanay niya 'yon at hindi niya dapat ginawa 'yon. Kaya naman sumugod ako at tinulak ko din siya "Sumosobra kana! Hindi ka pa nakutento na tinulak mo na si nanay aba inulit mo pa ulit? Napakasama mo!" sigaw ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband's Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon