Early in the morning palang ay nagising na ako. niligpit ko ang higaan ko at ang gramour na bigay pa ni gramps ay itinago ko rin.
muli kong tinignan ang bago kong kwarto. sa headboard ko ay may nakalagay na Legends, at may image ng purple angel na may dragon. huminga ako ng malalim ng maalala ko ang pamama-alam ko sa mga taga myth guild kahapon ng hapon ng maka recover ako sa labanan namin ni llurik. siya ang nanalo kaya naman nasunod ang gusto niya, at ako ay dinala sa klinik upang magpagaling.
maraming taga myth ang nagpasalamat at naghatid sakin papunta dito, nagpasalamat dahil ipinaglaban ko ang pagiging myth, at iba pa.
ang mga taga guild naman ng legends ay tahimik lamang nila akong tinignan.
"sigh, this is it, simulaa na ng klase ko." sabi ko sa sarili, at dahil nasa legends ako ay pinalitan ang schedule ko dahil kailangan palaging magkaklase ang bawat member, at dahil legends ay special ang bawat itinuturo sa kanila.
biglang umilaw ang badge ko.
"8:22 am, meeting at the legendary fun house" pagsasalita ni liza, na para bang napipilitan."yun lang, bye!" atnawala na ang ilaw ng badge ko. ngayon ko lang nalaman ang use ng badge, ito pala ay maaring maging wireless telemedia namin, pero may naisip akong magandang paraan pero hindi ko alam kung kaya ba nila.
nagready nalang ako ng sarili ko at sakto 8:15 ay lumabas ako ng room ko at nakita ko ang kagandahan ng hallway. ang hallway ay napapaligiran ng ibat ibang frame, at vase may mga statue at may fountain angel sa gitna. kinuha ko ang map ko at hinanap ang fun house nila, namin.
ng makarating ako sa place ay nakita ko silang lahat na para bang hinihintay ako.
tinignan ko si liza ng mapansin kung naka taas kilay siya sakin. tinignan ko ang relo ko. "oh shit!! sorry Im late" 8:35 na , ganun katagal ko hinanap ang funhouse? pero kasi ang ganda ng paligid dito sa powerhouse ng legends.
"it's okay, as long as you're aware of it" maarteng sabi ni christian. gwapo siya pero parang strict.
"psh! tumahimik ka nga!" kinurot naman siya ni tiara, at umaray lang siya at nag peace sign.
"wag munang intindihin tong ugok na to" sabi ni tiara,"so come here, join with us" at hinila niya ako paupo sa isang vacant seats, napansin ko naman na may isang vacant seat pa pero isiniwalang tabi ko nalang muna iyon.
"so, first, welcome to our Guild" naka ngiting sigaw ni steff. ngumiti naman ako sa kanya.
"yeah, and welcome to the choosens" dagdag ni alexis.
"so let me discus to you why we gather here," sambit ni henry." una ay nais namin humingi ng sorry for miss marmalade actions..." tumingin kami kay liza, pero naka tingin lang ito sa bintana at namumula ang mukha. pfft.
"liza" warning ni henry.
"what?!" sigaw ni liza, at di ko na napigilan pang matawa.
"pfft, wahahah, ano ba kayo okay lang yun, ako nga dapat ang magsorry dahil nasaktan ko siya eh" naka ngiting sabi ko. lahat ay natulala habang nakatingin sakin kaya tumigil ako sa pagtawa, kasi naman ang reaction ni liza, epic ehh halatang nagpipigil at nagtatapangtapangan.
"waah. ang ganda mo po, ate" masayang sabi ni jonathan. ngumiti ako at sinabing
"ang gwapo mo rin jon." namula siya at tumahimik. hahha epic tong mga taong to, akala ko puro seryoso lang.
"so wala ng problema," sabat ni henry "wag na natin idiscuss ang pangalawa dahil para narin naman wala ng problema. " tumayo siya at humangin ng malakas sa loob" again, Welcome!" at lahat sila ay naglapitan at sumigaw ng "group hug"
BINABASA MO ANG
THE LOST UNIDENTIFIED HEIRESS [complete]
Fantasythe lost unidentified heiress present. MAGIC IS COOL MAGIC IS FAMILY MAGIC IS PAIN MAGIC IS LOVE AND ALSO MAGIC IS DEATH !!!