chapter 6

20.3K 398 11
                                    

"kailan siya darating?" tanong ni liza.

hindi ko alam kong bakit gaito ang mga reaksyon nila ng marinig nilang papauwi na si ethena galing sa misyon nito.

"baka mamayang hapon..." maiksing sagot ng head, siya ang nagpatawag sa amin ng meeting. at gusto niyang maghanda ng isang bonggang selebrasyon para sa pag balik ng anak ni queen. "...and mamayang gabi ay aalis rin kayo patungong H-Division." may binusak siyang isang envelope. "..at hanapin ito, nasa night market ito ibebenta," isa siyang parang singsing na may blue pearl sa gitna.

"bakit naman po kailangan namin hanapin yan?" hindi ko mapigilang tanong, nacucurious lang ako sa singsing nato, hindi ito kagandahan sa halip ay halatang may kabigatan ito...

"hindi ko rin alam kay queen, yan yung gusto niya kaya wala tayong magagawa. sige na bumalik na kayo sa room, at ikaw llurik maiwan ka." napatingin ako kay llurik na nakatingin rin pala sakin. 

umalis nalang ako at dali-daling bumalik sa dorm ko, kinakabahan ako, di ko alam kung bakit pero iba ang pakiramdam ko sa tingin sakin ni head kanina. may tinitignan siya o di kaya imahinasyon ko lang yun?

pagbalik ko sa room ko ay nakita ko saver na nakaluhod at nakapikit. pinabayaan ko nalang muna baka nagdadasal.

nilock ko ang pintuan at kinuha ang isang maliit na pocket book.

pagbukas ko ay nakita ko muli ang panglan niya.

Cassandra U. sûlat d' Memõrīæ.

ito yung pocket book na pagbukas ko ay biglang umilaw na naging sanhi umano kung bakit ako naging witch, pero hindi ako naniniwala kay gramps, ramdam ko may itinatago siya sakin

El se pantos ßo dreki ni tagos man.
no tebreno
palyån ø pægan~

ang sentence na ito ang una kong nabasa sa ikalawang pahina ng papel. hindi ko ito maintindihan pero parang instinct na bigla ko itong nabasa at naiintindihan.

'isang lalaki ang magsisimula ng kaguluhan hanggang sa pusod ng kadiliman. walang makakatalo kahit na ang mga relihiyosong taga-utos.~'

hindi ko maintindihan ang sinasabi nito kaya naman naisipan kong ilipat sa sunod na pahina.

su krimentos ibig na liyok, tipad na karrava

'o aking irog na mahal ng lubos, bakit ikaw ay lumiko'

"tarantado ba ang kapanahunan ni cassandra?" di ko mapigilang mapatawa dahil parang humuhugot siya sa sulat niya, kaya nawalan ako ng interes at binuksan pa ang s pinakagitanang pahina.

kinabahan ako ng binasa ko ito.

nâmatmagatam ya nahïraygnapak ãn niihtim gnapú åwåsa Gna okolin ,namikasak ta nahūtsugak gniliras as kana agm gnilìras gna yatanip ,namikasak gn irah gn kana gna ayis ,tahal gn natukatakak gna oat gnaßI.

kahit anong gawin kong baliktad sa libro ay di ko siya maintindiham.

"anong binabasa mo?" napatingin ako sa likod ko at nakita ko si saver.

"ah saver, pwede ba pakibasa nito." pinakita ko sa kanya ang libro at ang lamang sulat dito.

tumingin siya sa PB at napakunot noo.

tumingin siya sakin at nagsalita.
'' niloloko mo ba ako, elle?" kunot noong tanong niya.

"ha? anong niloloko pakibasa lang nito eh"

napaseryoso siya at dalidaling tumayo, hinawakan ang leeg ko at ang noo ko"hindi ka naman nilalagnat, o di kaya-naka drugs ka-araay!!" hindi ko na siya pinatapos dahil sinapak ko siya ng pocketbook na hawak ko. "panong?" nagtatakang tinignan niya ang kamay ko. "may hawak ka bang maliit na libro ba yun" hindi isang tanong kundi statement, habang hawak niya ang ulo niyang pinalo ko.

"oo, ito ohh" sabay taas ng pocketbook.

"hin-hindi ko nakikita" napataas kilay ako sa sinabi niya. "pangako, wala talaga akong nakikita" sinsiridad na itinaas niya ang dalawang kamay.

nagtaka naman ako kung bakit.

"paanong?- kung hindi mo nakikita bakit ko nakikita?" umiling lang siya. tinignan ko ang pb ko, maari kayang ako lang ang nakakakita nito o mga witches lang ?

---
inayos ko nalang ang kwarto ko dahil sobrang gulo, nilipat ko ang napakalaking flatscreen sa harap ng bed ko. ↓↓ (see picture)



at natulog nalang muna dala-dala ang maraming katanungan,.
kailangan ko muna ng pahinga dahil kulang ako sa tulog, gigising nalang akong mamayang hapon. para maghanda.

pero bago ako napapikit ay narinig kong parang may sinarang libro at nagsalita. "hayy, buti nalang talaga at nakaligtas ako dun..."

---

short-update lang muna tayo dahil nilalagnat ako. geh tenks.
To Be Continued.

THE LOST UNIDENTIFIED HEIRESS [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon