napangiti naman si ethena sa narinig nito.
"oh talaga? patunayan mo!.. tadha simulan mo na!" sigaw ni ethena.tumakbo si tadha patungo sa kinaruru-unan ko, tinignan ko ito sa mata at parang bang nakiki-usap na patayin ko siya.
kaya naman pinagdaop ko ang aking palad at pinakiramdaman kung may dugo bang dumadaloy sa kanyang katawan. pero bigo ako, walang kahit isang tulo ng dugo o tubig sa katawan ngayon ni tadha.
hindi ko namalayan na nakarating na siya sa harap ko at sinipa ako sa tiyan, napa upo naman ako dahil sa sakit.
"ugh!..."
"yan ang nababagay sa mga katulad mo. matuto kang lumugar!" sigaw ni ethena at hinablot ang buhok ko. nakalapit na rin pala ito sa kinaruru-unan ko.
sinipa niya ang mga tuhod ko at sinampal. habang si tadha ay pinagpapalo ako sa likod ng sungkod nitong kanina lang nakalagay sa likod nito.
napaluha ako dahil sa sakit pero inis-inis ako dahil wala akong maisip na puwede kong gamitin laban kay ethena.
nanlaki ang mata ko ng naglabas ng dagger si ethena mula sa legs nito nakatago. napakatulis nito at halatang may gagawin itong masama sakin.
"dapat sayo nilalagyan ng marka! para sa kalapastangan at kapal ng mukhang lumaban sa reyna." at dahan dahan niyang nilagyan ng ekis ang likod ko.
"aaahhhhh!!! " napasigaw ako dahil sa sakit at hapdi. nanghihina natin ang aking katawan dahil sa natamong sugat.
"magtiwala ka sakin elle." bigla kong narinig. boses ng babae tama boses ko yun. nagsasalita ba ako sa sarili ko? walangya nasa peligro na ang buhay ko pero para yatang nagiging praning na rin ako.
hindi ko alam pero biglang nanumbalik ang lakas ko at hinawakan si ethena sa kanyang braso para pigilan kahit alam kong huli na dahil nagtagumpay na itong markahan ang likod ko.
"aba lumalaban ka pa.!"
"kakasabi ko lang kanina na hindi mo kilala ang nasa harapan mo" at malakas ko siyang hinawakan sa braso. nakipaaban naman ito sa palakasan pero hindi ako natinag.
mas hinigpitan ko ito at dahandahan nililiko ang kamay niya na parang nais kong baliin ang kanyang braso.
"aaaaahhhh"
sigaw niya dahilan para tumigil si tadha sa paghampas sakin. tama dahil hanggang wala sa konsentrasyon si ethena sa pagkontrol sa kanya ay di ito makakagalaw."ngayon ikaw naman ang sumigaw at dumanas kong gaano kasakit ito!" sigaw ko at ipinatong ang bakanteng kanang kamay sa kanyang ulo at ginamit ang liquidation. pero iba na ngayon dahil balak ko rin markahan ang likod nito.
"aaaaaahhhhhhh!"
pgsigaw niya at alam kong nag eenjoy ako. habang may ginagawa ang dalawa kong kamay ay tinignan ko si tadha at pinalutang ito sa ere at tsaka itinalsik sa salamin dahilan para magkabasagbasag ito at maglaho.
narinig ko ang sigawan ng lahat maging ang reyna.
tinigkan ko siya sa mata at gumanti rin ito.
habang nakatingin ako sa reyna ay napangiti ako habang hawak si ethena at dahan dahan kong nililo ang kamay.
"aaahhhh. ta-tama na ! ahhhhh Reynaaaaa! " sigaw niya.
napatayo ang reyna at sumigaw" ITIGIL!"
pero hindi ako nagpatinag. pinalutang ko si ethena at ibinalibag sa semento dahil para masuka ito ng dugo.
sumigaw na naman ito.
napangiting demonyo ako na napagtanto kong nahihirapan ito at nasasaktan sa may likod niya banda.
tama. dahil binalak kong sunugin ang likod niya. marka yan ekis na gawa sa sunog na balat!
"Reyyynnnaaaa. ahhhh!!!"
magkamayaw niyang sigaw.
lumipad ang reyna at tumungo sa aming kinaruru-unan at nagulat sa natunghayan.
----
to be continue...
BINABASA MO ANG
THE LOST UNIDENTIFIED HEIRESS [complete]
Fantasythe lost unidentified heiress present. MAGIC IS COOL MAGIC IS FAMILY MAGIC IS PAIN MAGIC IS LOVE AND ALSO MAGIC IS DEATH !!!