chapter 5

21.7K 448 18
                                    

ang bilis ng tibok ng puso ko, at nanlalamig ang mga kamay ko.

"sige kaya mo yan" bulong niya sakin.

mas nilangoy ko pa ang himapapawid ng aking kaisipan, kailangan ko siyang mahanap. ng makalampas ako sa isang bukid ay nawala ang presensya ng mga nasa paligid ko.

urg! namamanhid na ang aking mga paa, napaluha na ako dahil sa init at lamig na nararamdaman ko.

'sher sherina yuwashi, elle yana.' [ka-kayanin mo ang pagsubok na ito, elle, wag kang sumuko]  iyon na naman ulit ang narinig ko pero di ko maintimdihan. hanggang sa nahulog ako dahil sa sikat ng araw . napasigaw ako pero walang boses na lumalabas sa aking bibig.

'anong nangyayari?' tanong ko sa sarili.

bigla ay naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay sakin beywang.

'sunggapeyo, elle' nakangiti niyang sabi habang kami ay pababa, [congratulations, elle]

"nakakalipad ka? si-sino ka? at bakit kita naririnig sa isipan ko?" hindi mapakaling mga tanong ko.

"haha, ako ang iyong guardian, ikaw ang kailangan magpangalan sakin upang makuha mo ang aking command seal" saad niya. binaba niya ako sa bisig niya, matangkad ito, itim ang buhok at maputi, ang maa nito ay kasing itim pa katulad ng akin.

"kailangan paba niyon?" tanong ko. tumango ito.

"ako ay ipinadala upang maging gwardiya mo, yun lamang ang aking tungkulin wala ng iba pa"  malungkot nitong saad.

hindi ko alam pero parang nalungkot rin ako.

"pero kung yun nga ang gusto mo, bibigyan kita ng pangalan sa isang kondisyon" bigla siyang napatingin sakin at seryosong nakatitig. nakaramdam ako ng pagpapasalamat sa kaisipan ko hindi ko alam kung dahil ba iti sa itsura niya o dahil sa sinabi niyang connected kami.

"kahit ano po" nagbow siya sakin at tumango ako.

"kung mabibigyan kita ng pangalan ano ang mangyayari?"

"ikaw at ako ay magiging tied up sa isat-isa at ako ang magiging servant o subject mo at ikaw naman ay magiging master ko"

tumango ako.
"so ang pangalan mo kung ayos lang sayo ay saver, coz you just save my life" napangiti siya at biglang umilaw ang kamay niya at ako naman ay umilaw ang palad ko.

ng mawala ang ilaw ay may mga tattoo nakami at pareho ito.

isang diamond na pula.
lumuhod ito "kinararangal ko pong maging master ka, master"

"a-ah, pwede bang hindi master ang tawag mo sakin, balik nalang sa elle?" umiling ito.

"patawad pero hindi po maari," bigla akong napatingin sa command seal ko.

"kung hindi kita mapipilit, pwes, as your master..." napatingin siya sakin at napangiti ako ng manlaki ang mata nito. nakaramdam ako ng excitement.

"wag niyo pong..." hindi niya na natapos ang sasabihin ng biglang umilaw ang seal na nasa kamay  ko.

"i command you to call me in my name."

"e-elle" tila napipilitan niyang sambit. bigla siyang tumayo at inis na nakatingin sakin.

"ma-elle, hindi mo pa yata na alam, na kailangan mong ingatan ang command seal dahil pag ito ay nawala ay hindi na ikaw ang magiging master ko!" saad nito"maari akong maagaw ng iba" dagdag niya.

nakatitig lamang ako sa kanya, wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

"(sigh!) di bale, sa ngayon ay paki ingatan ang command seal, at kailangan na kitang gisingin dahil nasa panganib ang sarili mo" napataas ako ng kilay sa kanya, oo hanggang ngayon ramdam ko parin ang init at lamig sa katawan ko pero wala naman akong makitang sanhi nito.

pumikit ito ng mata.

"Elle!!!" bigla akong nakarinig ng isang napakalakas na sigaw saking tenga.

napamulat ako at nasa kwarto na ako, rinig ko ang mga katok sa labas ng kwarto ko.

"elle!" sabay na sabi sa labas ng kwarto ko, napatingin ako sa paligid ko at ganun nalang ang takot at tarantang naramdaman ko.

apoy at yelo ang pumapalibot sa kama ko, marami ng sunog sa gilid ko. at maingay rin sa labas ng room ko.

napatayo ako at dali dali pinatay ang apoy.

"kung di ako nag kakamali ako ang may gawa nito" bulong ko.

"tumpak!" napaliyad ako dahil sa gulat ngmay magsalita sa gilid ko.

"sa-saver?" ngumiti ito. at nagbow.

"akala ko panaginip ka lang" sabi ko at dali daling tumingin sa palad ko. may tattoo na ako.

"mamaya na natin pagusapan ang tungkol jan, sa ngayon buksan mo muna ang pintuan dahil kanina payan katok ng katok." utos nito. napataas ako ng kilay . pero ako narin ang nagbukas.

pagbukas ko ay bumungad sakin ang mukha nila, liza, jonathan, alexis, hermes at llurik.

"o-okay kalang?" nagaalalang tanong ni tiara. kakarating niya lang kasama sisteff at christian at may dalang mga martilyo?

"para saan yan?" tanong ko sa mga dala nilang pala, martilyo at bara.

"para mabuksan namin yang kwarto mo hindi kasi namin mabuksan kahit ang kapangyarihan namin..." tila nagtatanong siya kung bakit di nila mabuksan eh di ko rin naman alam.  tinignan pa nila ang kanilang mga palad na parang nagtataka.

"sino yan, elle?" tanong ni hermes at nakatingin sa likod ko, pagtingin ko, nakaupong senyorito ang nadatnan ng mata ko at ang matindi sa kama ko pa talaga.

"a-ah, si saver."

"saver?" nakataas kilay na tanong ni jonathan.

napangiti naman ako.

"oh my gee, ang gwapo niya" di mapigilang humali ni liza. bigla naman napasama ang itsura ni christian ng nag agree si tiara.

"tsk. mas gwapo pako jan." saad ni christian.

"push mo pa!" napatingin kami sa likod ng may magsalita at nasupresa ako ng makita namin si caroline na nakatingin din kay christian.

"hinahanap tayo ng officials, meeting" dagdag niya.
tumalikod na siya at nag lakad.
sumunod naman kami agad.

-------

A/N : may nagtanong kung ako ba daw ang nasa DP ko, well opo ako po yan at lalaki po ako wahhahah.
next update will be next 20days. siguro.

paki intini nasa MSU po kasi ako nag aaral.
add me in facebook.

THE LOST UNIDENTIFIED HEIRESS [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon