Triple A XV.
(Oni's Pov)
"Tss bakit ka nandito? May pinag-uusapan lang kame huwag kang magpakahero," mokong said to a monster.
"Tss magpakahero? Ano to drama?" masungit na sagot ni monster.
Bakit sya nandito? Teka..
bakit di ko sya gamitin for now! Hay ang panget naman ng 'gamitin' na term! Basta grab this opportunity ika nga..haha
"Ah kuya! tulungan mo ko! Hinaharass ako ng lalakeng to!"
Haha bahala na! Para matakot sya at lubayan na ko.
"Kuya? tss Oni wala kang kapatid yan ang sabi ni Lorine dati."
Sabi ko nga madaldal si Lorine (=_=")
"Tss kuya?" masungit na sabi ni Aero. Oo si Aero nga ang dumating. At ewan ko bakit nandito yan.
"Ah..pinsan ko sya! Di ba kuya?"
Binigyan ko sya ng..Aero "makisama-ka-na-lang-look-" Kahit ngayon lang sana naman.
"Weh? Di kayo magkamukha. Ikaw talaga puro ka pa rin kalokohan. Haha." Abat sira-ulo talaga tong lalaking to! Hmp kanina nya pa ko iniinis huh! ~_~
"Di lahat ng magpipinsan magkakamukha! Tse! Ano di mo pa ko lulubayan?! Uupakan ka nyan!" In your dream Oni. Si Aero mang-uupak for you?=_="
"Niloloko mo naman ako Oni. I know him. He's one of the bench model."
"Tae ka! Kilala mo pala di mo agad sinabi!"
Kainis pinagmukha pa kong tanga sa pagsisinungaling. Isa pa tong Aero na to di man lang nakisama!
"Hindi ka naman nagtanong eh," kakamot-kamot na sabi nito. Sarap ipalapa sa surot eh.
"Grrr! Kainis! Bitawan mo na ako dali! Bago ko pa tadyakan ang 'ano' mo!"
"Oni mag-usap muna tayo para sa-"
"Ayaw ko! A.yaw.ko! Gets mo?!"
"Hanggang anong oras pa kayo dyan? Tss"-Aero
Wow! Nandito pa pala si Aero. Kala ko napadaan lang para asarin ulit ako =_="
"Oh bitawan mo na ko! Lagot ka bubugbugin ka nyan!"
Asa ka talaga Oni. Si Aero makikipagbugbugan for you? Dream on!
"Tss halika na nga! Inaantok lalo ako sa drama nyo," masungit na sabi ni Aero at nagulat na lang ako ng biglang hilahin niya ang isang kamay ko matapos itulak palayo sa'kin si Jace. Oo Jace ang pangalan ng mokong na to. Tss
"Oni anak bakit ang tagal mo- Oh anong nangyayari dito? Oh Aero hijo nandito ka pala."
Hala si mommy! Tinanggal ko kaagad ang kamay ni Aero sa kamay ko.
"Good evening ma'am," bati ng masungit na si Aero. Infairness he smiled at my mom.
"And who is this guy?" baling ni mommy kay Jace.
"Ah mommy..ah eh nagtatanong lang po ng direction." Di na sya kailangang makilala ni mommy. Binalingan ko ang asar na si Jace .
"So kuya hayun nga lumiko ka lang dun dirediretso ka hanggang mabangga ka este..marating mo yung Kopung-Kopung St. Ok? Oh umalis ka na baka gabihin ka pa marami pa namang adik dito baka masalvage ka kuya. "
"Oni huwag mo nga syang takutin," saway sa'kin ni mommy.
"He-he joke lang yun mommy. O sige na lumayas ka na este..humayo ka na at magpakamatay..este mag-ingat."

BINABASA MO ANG
TRIPLE A's Witch In Disguise
ЮморShe's Ugly but definitely NOT. She's a REAL beauty but sinong may alam?