XXI.
"Bheees!" sigaw na bungad sa'kin ni Lorine pagkapasok ko palang sa school main gate.
"Ingay mo Lorine. Tsaka bakit ganyan mata mo namumugto?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Eh ikaw bakit mukha kang zombie sa eyebags mo? Di ka nakatulog?" balik tanong nya sa akin. Nag-init bigla ang mukha ko ng maala ang dahilan ng pagkapuyat ko.
"Ah eh..wala sobrang puyat lang sa kakabasa ng wattpad. Eh ikaw bakit mugto mata mo?" nag-aalala kong tanong, at the same time para makaiwas sa tanong nya.
"Bhees!" umiiyak na sigaw niya sabay yakap sa akin na ikinabahala ko kaya niyakap ko din sya.
"Shh..huwag ka ng umiiyak ano bang problema?"
"Bhes..w-wala na si K-Kean..namatay sya kahapon huhuhu," humahagulgol na iyak nya. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. Alam ko sobrang nalulungkot sya sa pagkawala ng pinakamamahal nyang alaga. Napakaimportante ng asong yun sa kanya dahil bigay ito ng namayapa nyang lola. Kaya ramdam nya ang sakit na nararamdaman nito.
"Shh tama na huwag ka na umiyak..nasaan man si Kean isa na syang dog angel ngayon at babantayan ka nya."
"Bhes hindi ko kayang tanggapin ang pagkawala nya. Doon muna ako sa bahay at nagpaalam na di na muna papasok. Inilibing ko lang si Kean sa likod ng bahay ko para kasama ko pa rin sya."
"Ano? Di ka papasok isang linggo? Pero kailangan ka para sa foundation day next week."
"Sinabi ko na i-cancel muna at sa next 2 weeks na lang. Pasensya na..Aalis na ko."
"Lorine wait!" nag-aala ko tawag sa kanya humarap sya at ngitian lang ako sabay sabi ng mahinang "Don't worry bhes..I will be fine." at nagpatuloy lang ito sa paglalakad at sumakay na sa kotse nya.
Naaawa ako sa bestfriend ko. Eto na naman sya malungkot at mamimiss ko na naman ang mga ngiti nya..gusto ko syang mapasaya..
"Hey panget nakakaiyak ba ang gate?"
Napatingin ako sa lalakeng halimaw. Bigla nagmalfunction na naman ang heartbeat ko. Kaya para mapigilan ang ewan kong pakiramdam lalo na pag naaalala yung..aah basta! ok. Aawayin ko ang halimaw na nasa harap ko ngayon.
"Oo nakakaiyak. Ang panget kasi ng pintura nakakaiyak ang kulay kasi mas maganda sana kung purple!" Umalis na ko dahil wala ako sa mood makipag-away.
"Wait!" Napatigil ako ng hawakan nya ko at maalala bigla yung..aah erase! Erase! Tumakbo kaagad ako palayo sa kanya dahil hindi ko sya kayang harapin at naaalala ko nga yung..aah! Wala pala!
"Hoy bakit ka tumatakbo ha! Sandali!" tawag ng halimaw pero tumakbo ako ng mas mabilis para makalayo sa kanya..
Boogsh!
Dahil sa di ko pagtingin sa daraanan at pagmamadaling mapalayo mula sa Aeropimonster na yun may nakabangga ako at luckily nasapo nya ko bago pa ko matumba..kaso napayakap ako sa kanya..pag-angat ko ng mukha para makita kung sino sya.. 0_0
"Ok ka lang?"
"O-Oo. Salamat," nauutal kong sagot at lumayo kaagad sa kanya.
"Bakit ka tumatakbo? May humahabol ba sa'yo?"
"Ha? Ah..eh..oo halimaw!"
"A-Ano halimaw?" nauutal niyang tanong. Nagtaka ako at napansin kong namumutla sya. Bigla napangiti ako at di mapigilang mapatawa.
"Hahahahaha takot ka sa multo? Hahaha." Di ko mapigilang mapatawa sa nakita kong reaksyon nya ng banggitin ko ang word na multo.
"Oni stop laughing at me."
BINABASA MO ANG
TRIPLE A's Witch In Disguise
ЮморShe's Ugly but definitely NOT. She's a REAL beauty but sinong may alam?