Chapter 32 : Love Me Like You Do

112 7 6
                                    

XXXII. Love Me Like You Do

(ONI'S POV)

Kyaaaaaah! Kinikilig pa rin lahat ng cells ko kapag naalala yung sa perya!

Si Aero yung mapanlait na yun sya pa lang nagdala sa akin don at sya pa lang nagparamdam sa akin ng ganto.

Sya nagpatibok ng puso ko ng super bilis. Hay ang corni naman pero seryoso kakakilig sya!

Yung seryosong masungit na yun kinantahan ako!

Di pa nga ako nakamove on doon sa Thinking Out Loud nya na ginawa kong ringtone na lss na naman ako sa Gusto Kita nya na ginawa ko namang message ringtone!

Gosh Aero I think I'm falling deeply in love with you..

He said gusto nya ako. At gusto ko rin sya!

But..something's wrong. I lied to him. He didn't know yet my true identity.

Gosh what if sinabi ko sa kanya ang totoo? Will he hates me for lying? Ayoko..ayos na nga kami eh..

Nagulat ako sa biglang umakbay sa akin.

"Hey what's with that poutie lips huh? Sang planeta na nakarating ang utak mo Ms. Nisha?" Nakangising tanong nya sabay kiss sa cheek ko. "Stop pouting or else I'll kiss you."

Namula ako bigla sa huli nyang sinabi at ginawa. "Loui! Layo ka nga nakakahiya." Tinulak ko sya pero lalo pa nya akong hinila pasiksik sa kanya. Aist pilyo talaga! Nakakahiya kaya pinagtitinginan na kami.

"Kinakahiya mo ang gwapong to? Nakakalimutan mo ata alam nila girlfriend kita babe," nakangisi na naman nyang sabi sabay gulo sa buhok ko.

Ano ba yan buhaghag na nga guguluhin nya pa lalo. Nasan ang hustisya para sa buhok kong pang bruha?

"Hay ewan ko sayo Loui ang kulet mo. Maiwan na nga kita," naiinis kong taboy sa kanya. Eh kasi naiinis ako sa isiping Aero might get angry pag nalaman nya yung secret ko. No. Ayoko.

"Ups! Pikon mo naman I was just kidding. Halika ka nga dito." Hinila nya ako pabalik at pinaupo sa may bench doon under the tree. Naku ako na naman ang kontrabida kase kasama ko sya. Haler mangkukulam nga daw ako.

"So what's your problem huh? Parang sampung bundok na ang nalakbay ng utak mo at aabot na sa mars ang nguso mo my dear famous girlfriend," natatawa nyang tanong. Tinignan ko nga ng masama. Tatayo na sana ako pero hinila na naman nya ako paupo.

"Hey pikon mo. Dali na kwento ka na. I'm willing to listen you know how much I love hearing your angel's voice. Now relax and tell me what is your problem?" Nakangiti nyang tanong habang magkatabi kami at sya nakaharap sa akin.

Sasabihin ko na sa kanya tutal alam naman din nya at sa tingin ko nga pati si Cael. Kelangan ko ng mapagsasabihan.

"Kase si Aero-"

"Tss wala na bang ibang topic sakit sa tenga ng pangalan na binanggit mo eh." Pag-iinterupt nya sa akin. Tinignan ko nga masama.

"Bahala ka nga ayaw mo naman makinig eh."

"Fine. Sige na makikinig na ako. Ikaw pa ba matitiis ko." Muli hinila nya ako ng tatayo na sana ako. "Napano si menopausal baby este si Aero alam ko problema ko yun sayo eh ikaw pano mo sya naging problema?"

"Kase si Aero ang sabi nya gusto nya ako..at ako naman gustong gusto ko na nga rin sya."

"Ouch it really hurts. Pwede bang isa na lang na gusto at ako na lang love mo?''

TRIPLE A's Witch In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon