Chapter 29 : All of Me/Pranks of Miss L

147 5 0
                                    

Helloooo! I'm bck! Dahil sa nakakatawang pinagsasabi nung Prof ko sa FinMan kaya hayan na-inspire na naman akong mag-ud. Warning : This chapter is Half kilig. Pure Kabaliwan. Haha enjoooy! ^_^

------------------
XXIX : All of Me / Pranks of Miss L

(Oni's Pov)

"Babe.."

Napatingin ako sa nagsalita. Patay nakita nya. Nakita nya yung sinabi ni Aero? Ay mali narinig pala. Hala nahawa na talaga ako sa kabaliwan ni Lorine. Pero nakakahiya na may nakakita sa amin ni Aero at sana huwag na nyang narinig yung sinabi ni Aero.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko ng hindi man lang umaalis sa kinauupuan ko habang papalapit sya sa akin ng nakapamulsa. Oo na kahit sino matatakot sabihan to ng panget kase gwapo sya pero mas gwapo nga lang para sa kin si Aeropimonster. Ha? May sinabi ako? Wala ha. Wala as in wala.

"Susundiin sana kita para yayaing magbreak sa canteen but it seems like a sweet confession was happening here awhile ago. Is that part of the practice huh?" Sa tingin ko galit sya ang seryoso kasi ng mukha nya eh.

"Narinig mo sinabi ni Aero?" Tanong ko na lang. I just want to make sure kung narinig nya lahat.

"Yeah as in lahat. Mula sa panlalait nya sayo hanggang sa pag ko-confess nya na gusto ka nya. So he likes you as Oni and not as Nisha. Answeet nyo nga eh kulang na lang pop corn at para na akong nanonood ng Romantic movie, " sarcastic na sabi nya. Seryoso galit nga sya. Eh ano naman eh di naman talaga kami magboyfriend kaya di dapat ako makonsensya dahil wala din akong ginagawang masama. Magsasalita na sana ako pero naunahan nya na ako. At hinawakan nya ako bigla sa magkabilang balikat. Naalala ko tuloy si Aero sa ginawa nya kani-kanina lang.

"Para akong nanonood ng live romantic movie na imbes na kiligin ako sobrang nasasaktan pa ako. Nisha nagseselos ako kahit alam kong wala akong karapatan."

Para akong nakonsensya sa nakita kong emosyon ng mukha nya na sobrang malungkot. Bakit nag e-emote sya ng ganto sa akin? Hindi ko tuloy alam sasabihin ko dahil kahit papaano nag-aalala akong may mali sa masasabi ko.

"Naasar nga eh ampangit ng first impression mo sa akin. Isang kidnapper na babaero? Pero Nisha sorry nagawa ko lang yun dahil mahal ko ang kapatid ko at sorry muntik na kitang pagsamatalahan sorry na kase aminado ako babaero ako at maraming kalokohan pero dahil sayo gusto kong magbago at maging loyal sa babaeng mamahalin ko at ikaw yun Nisha..ikaw lang gusto ko. Gusto kitang maging totoong girlfriend."

Napalunok ako sa sinabi nya. Hindi ko alam sasabihin ko. Gusto kong sabihin na kalimutan na nya ang nararamdamn nya sa akin dahil aminin ko man o hindi iisang lalaki lang ang gusto ko. Yung lalaking ka ugali ni Cross Sandford. Yung lalaking mapanlait na yun. Yung Aeropimonster na yun. Pero pano ko sasabihin ng hindi nakakasakit?

"Pero Loui sorry kase.." di ko na natuloy sasabihin ko ng takpan nya ng dalawa nyang daliri ang labi ko.

"Shhh..don't say sorry please. Baka mabakla ako dito at umiyak ako sige ka. Huwag mo muna akong bustedin please bigyan mo ko ng pagkakataon ahm mga 10 taon pwede na yun. Kahit kaibigan muna. Hay hindi manliligaw na pala para medyo level up. Kapag sa loob ng sampang taon di mo pa ako nagustuhan pramis kikidnapin na ulit kita at ilalayo sa sungit na yun."

"Loui!" Suway ko sa kanya.

"Haha medyo joke lang. Pero seryoso huwag mo muna akong bustedin give me a chance pero pag wala pa rin di ka pa rin nahulog sa alindog ko sige pramis itatanan este tatanggapin ko ang desisyon mo ng kalahating puso. Give me 10 years.." nakangiting sabi nya to lighten up the mood.

TRIPLE A's Witch In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon