Chapter 33 : Flashlight

173 9 4
                                    

---------------

(Lorine's Pov)

"Where the hell is she?!" Aero asked for the nth times simula ng dumating sya sa school. Ngayon lang din sya biglang sumulpot at ewan ko saan chimneya sya nanggaling. Like that Loui na kinukulit din ako about Oni. My bestfriend has a very long hair.

"Hindi ko nga alam! Bakit ba paulit-ulit kayo? Unlimited ka rin noh?" Naiinis ko na ring sita sa kanya. Like him nagwoworry din ako kay bhes dahil 3 days na syang di pumapasok since parang bombang sumabog sa school ang true identity nya at kumalat na parang virus at nagtrending sa buong Pilipinas ang pagdidisguise nya. I was really shocked when I found out from others about her secret. Yeah it hurts at the same time na kelangan sa iba ko pa malaman at hindi sa kanya mismo. Oo may tampo ako sa kanya at kaunting hinanakit bakit di nya sinabi sa akin ang totoo. Gahd! 4 years kaming magbestfriend di man lang nya naisipang sabihin na ang iniidolo ko pala ay sya rin. Para nga pala akong tanga pag sinasabi ko sa kanya na gusto kong makita sa personal si Nisha yun pala nasa harap ko na. Bakit naman pati sa akin?

"Sh*t! I need to find her!" Frustrated na sabi nya. Di ko alam kung galit ba sya kay bhes o ano basta naiinis ang mukha nya. Di ko rin alam nasan si bhes sabi ni Aero na to wala daw sya sa bahay nila after nyang puntahan kanina. Di pa din ako nakakapunta sa kanila since nalaman ko ang totoo ewan ko pero nagtatampo talaga ako sa kanya eh.

"My Lorine!" Napatingin ako sa dumating. Tinignan ko nga ng masama kahit gwapo sya at ewan pero parang ansarap sa pandinig ng tawag hay hindi! Ano ba yan. What am I thinking?! Naiinis pa rin ako sa kanya kasi bakit ko sya katabi sa kwarto ko noong araw na malaman ko ang tungkol kay Bestfriend?! Two shocking revelations in one day!

"You tomjupips why are you here in my room?! Umalis ka na nga!" Naiinis kong taboy sa kanya.

"Hey are you still mad dahil sa nangyari?" Grabe sya makamangyari naman parang may nangyari talaga samin!

"Hoy anong nangyari! Walang nagyari sa tin noh!" Assuming sya!

"What I mean is yung nakatulog ako sa kwarto mo. Truth is nakatulog ako tas hinatid kita sa bahay mo and habang tinititigan kita di ko mapigilang mapatulog din. Kaya I'm sorry if naeskandalo ka dun. And huwag na tayong magtalo we need to find your bestfriend first. Alam mo na ba kung nasan sya?" Lahat hinahanap si bestfriend halos buong Pilipinas tinatanong kung nasan na sya.

"I don't know where she is. Hindi ko sya hahanapin dahil sya dapat ang humarap sa akin sa di nya pagsasabi ng totoo sa akin." Am I being maldita? I'm just hurt that's all.

"Hey galit ka ba sa kanya? She's your bestfriend."

"Yun na nga eh! She's my Bestfriend. Dapat wala kaming sikreto sa isa't-isa, she promised me. But..hindi nya tinupad. Nagmukha akong stupid sa pag-iidolo sa isang tao na bestfriend ko pala at lagi ko pang kasama." Yes she knows how I love Nisha Alquero so much. Kaya pala alam nya pag di darating si Nisha sa event kasi sya mismo yun.

"Hey My Lorine! Where are you going?!" Habol nya akin ng lumabas ako ng room.

"Sa lugar na di nila hinahanap si Nisha Alquero!"

"Lorine wait!" Habol nya sa akin. I know I'm beautiful but right ayaw kong me umaaligid sa'kin kahit gwapo pa sya.

"Huwag mo ko sundan kundi papalapa kita sa ipis!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Eeww! Ipis?! Naisip ko yun they are so yuckie kaya!

Oh anyway I just want to be alone right now. I'm hurt because my bestfriend did not trust me enough to tell everything about her secrets while I told her almost everything about me even my little secrets. Oo aamin na talaga ako. Nagtatampo o nagagalit ako sa kanya dahil di man lang sya nagsorry sa akin at pinili nyang maglaho na lang bigla. Nasan naman ang hustisya don di ba?

TRIPLE A's Witch In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon