Chapter 1

15 1 0
                                    

Alex's Pov

"---so 'yun na nga 'yung hinihingi ni Maam as our finals" paliwanag nang aming mayor sa amin. Don't get me wrong, mayor po sa block namin

Siniko ako ni Aesza dahilan para mapukaw ang atensyon ko sa taong ininguso niya

Kumaway naman itong si Aesza nong kumaway siya sa kanya.

Tinatraydor ako nang kaibigan ko.
Naging palaisipan din sa mga kaibigan ko ang biglaang paghihiwalay namin ni Gab.

~~

"Uuwi ka na mamaya?" malamig na tanong niya

Tumango lang ako

Nandito kami ngayon sa isang malapit na coffee shop.

Medyo naiirita na din ako sa tingin niya at sa katotohanang tinutunaw kami sa kakatitig ng mga taong nandito

Siguro nga nagtataka sila bakit may nagawing taga ibang eskwelahan dito.

Sa University of Pangasinan siya nag aaral, isang sikat na unibersidad dito sa probinsya namin. Samantalang ako ay nag aaral naman sa state university

Kung tutuusin mas malapit ang bahay namin sa Upang, gawa na din ng di namin kaya ang tuition dun ay dito ako nag-aral.

"Are you that serious when you broke up with me?" medyo basag ang boses niya sa tanong na 'yun

"Wag dito Gab" malamig na pakiusap ko

"Baby please, balik ka na sakin" pinagsiklop niya ang mga palad namin at saka niya 'yon hinalikan

Maging ako ay nasasaktan din. Pero ano namang laban ko sa pamilya niya? Blood is thicker than water. Sinunod ko lang ang sa tingin ko ay tama. Ayokong maging miserable ang pakikitungo ng mga magulang niya sa kanya dahil lang sakin.

Nag-aantay siya sa sagot ko. At bago pa man din umambang bumagsak ang mga nagbabadyang luha ko ay tumayo na ako at niliasan siya dun.

~~

Zeke's Pov

Ilang oras na akong nakatingala sa arko na may naka ukit na Welcome to Mangaldan.

Hays! Nandito na nga ako, nagpatuloy ako sa pagdadrive sabi kasi ng google map ko ilang kilometro na lang at nasa mismong bayan na ko.

Huminto ako sa isang fast food chain at mukhang iilan lang naman ang restaurant dito di gaya sa Manila.

"No choice" busangot na usal ko sa sarili ko

Dumaan muna ako sa katabing supermarket na katabi nitong fast food chain na napasukan ko. Di ko naman kasi alam kung may aabutan akong pagkain dun sa Rest house nila Haji. Or kung makakauwi ba ako agad? Hays

Kumuha ako ng push cart. Pero hindi ata tama na mag grocery ang isang taong pagod at walang tulog

Basta lang ako nagdampot ng kung ano anong madampot ko.

Lahat ng babaeng madaanan ko humahagikhik pag nakikita ako.

Mali ba na mag grocery ang tulad ko? Tsk

Naramdaman kong nagvibrate celphone ko. Huminto ako sandali at saka sinagot 'yung tawag

"Zeke? Baby? where are you?" Nag aalalang tanong ni Mommy hays

"Somewhere, away from Dad" she then chuckle

Saka nagpatuloy pa din ako sa pagdampot ng kung ano pwede kong makuha

"Okay. Okay, so take care of yourself baby" napapakunot noo na lang ako tsk

"Enough with that baby!" Na lalo ulit nagpatawa sa kanya

Nag paalam na din si Mommy at saka. Okay lang naman 'to kay Mommy. Si dad lang naman talaga ang Kj sa lahat.

Kaya lang naman ako tumakas kasi  bubulukin na naman niya ako para lang itrain sa business business na 'yan. Im only 19 for pete's sake! Di na lang niya antaying mag 21 ako. Tsk

Bagot ko na lang na binulsa ang celphone ko.

Akma na kong liliko para pumunta sa beverages nang biglang may babaeng nasa 40s na biglang dumaan may dala siyang basket at dahil medyo malakas pagkakatulak ko sa pushcart ko ay napaupo ang ginang.

Agad ko naman itong tinulungang makatayo.

"Sorry po. Nasaktan po ba kayo? Sorry po tala---" walang prenong paghingi ko nang paumanhin

Ngumiti 'yung ginang.

"Ayos lang" saka na siya lumisan napakamot na lang ako ng ulo

~~

Pagkatapos ko magbayad nang bill ng mga pinamili ko nilagay ko na lahat sa likod ng sasakyan yung mga plastic

Ini-On ko ulit yung google map para makarating na ako sa rest house nila Haji.

Dahil abala ang mata ko sa kakascroll ay di ko namalayang may nagkakagulo pala sa gitna ng daan. Dahilan para mapatigil ako sa pagmamaneho

Nagkagulo na din 'yung mga tao sa labas

"Kawawa 'yung babae!"

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

Ito yung ginang sa supermarket kanina!

Nagpanic ang lahat. Halos nalikigo na din sa dugo ang ginang

"Ano pang hinihintay niyo?!! Isakay niyo siya sa sasakyan ko!" Sigaw ko na nagpataranta sa mga taong nakasaksi ng aksidente

Nainis ako sapagkat halos di pa rin kumikilos ang mga pulis na nandoon.

"Ano pang ginagawa niyo?! Habulin niyo yung nakasagasa sa kanya!" Sigaw ko at agad naman kumaripas nang takbo ang mga pulis na 'yun.

Di na din ako nag-abala ng oras at itinakbo ko sa ospital ang ginang. Mabuti na lang at may isang tumulong para madala ko ang ginang sa ospital.

~~

Alex's Pov

Pagkababa ko nang bus na sinakyan ko ay patungo na ko sa paradahan ng jeep na biyaheng dadaan sa mangaldan nang biglang tumunog celphone ko.

Bigla ako kinabahan nang matantong unregisterd number 'to.

Sinagot ko iyon.

Halos matumba ako sa binalita ng kapatid ko.

A/N: 

Halos nakalimutan ko na 'to. Haha! So busy sched. Sana matapos ko 'to. It reminds me of someone I should forget anw. Haysss anw vacation is real. Ang dami ko palang draft neto. Konting edit lang. Sana may nagbabasa.

One Another SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon