Chapter 10

4 1 0
                                    

Alex POV

Nanatili muna kaming nakaupo sa mga nakahilerang upuan sa loob ng victory ball.

Napapasabay sa tugtog ang ulo ko kaya di ko maiwasan e headbang 'to.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Dumako ang tingin ko kay Aesza at Lloyd na nagbabangayan na naman

"Wag ka ngang magulo! Saka wag mo ko lalapitan! Pagkamalan pang bf kita duh?!" At saka nag roll-eyes si Aesza

Nagkunwari naman na parang nagsusuka itong si Lloyd.

I chuckled

Inilibot ko ulit ang mata at dumako ito kay mokong. This time he look serious, biglang nag-init pisngi ko di ko naman ipagkakailang gwapo siya.

Nag iwas na lang ulit ako ng tingin.

Bigla ko napatalon nang bigla magsalita si Jipjip.

"Nakakatuwa 'yung mga kaibigan mo" nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa direksyon nila Iean.

"Oo nga e.." Tipid kong sagot

"Bakit nga pala kayo nandito? Tagal din ah Jipjip" nakangiti kong sabi habang iginagala ang mga mata ko. Nakakatuwa 'tong malilikot na party lights.

"Summer vacation" tipid nitong sabi

Tumango tango na lang ko.

Tumigil ang nakakaindak na kanta at napalitan ito nang sweet dance.

Naramdaman ko na tumayo si Jipjip di ko namalayang nasa harapan ko na siya

"May I have this dance?" saka siya ngumiti sa akin

Inabot ko ang kanyang kamay at saka kami nagtungo sa dance hall.

Zeke POV

Nabalot ng crowd ang dance hall. May kanya kanyang kapareha ang bawat isa.

Napako ang tingin ko sa dalawang nakangiti habang sumasayaw sa gitna. Kung iisipin parang sila yung highlight ng sweet dance na 'yun.

Si Haji sa hips ni flat, si flat sa balikat ni Haji. A beautiful picture it is.

"Tatayo ka na lang ba dito?" napatalon ako sa isang babae na nagsalita sa likod ko nakasuot siya ng simpleng dress na bumagay naman sa kanya

Tiningnan ko lang siya. Luminga linga ako nang matantong ako nga kausap niya

Ngumiti siya dahilan para lumabas nammang mga pantay pantay at magaganda nitong ngipin.

"Di mo ba ko aayain sumayaw?" mapanuksong tanong nito

Walang ano ano'y hinila na lang niya ako sa gitna ng dance hall.

Nilagay niya yung kamay ko sa hips niya at saka ipinulupot ang kamay nito sa leeg ko

Dahil sa gulat ay hinayaan ko na lang ito sa gusto nito.

Natapos ang kanta at nag aya na rin siyang umupo.

"By the way I'm Jordan" saka nito nilahad ang palad nito

Inabot ko 'yun.

"Z-Zeke" nautal na sagot ko.

Napahagikhik siya sa pagkakautal ko.

Man! Hindi ako 'to masiyado ata ako napagod sa araw na 'to

"See you around Zeke" saka na siya umalis

Napailing na lang ako.
Ang weird talaga ng maga babae dito

Tinapik ako ni red na halos kakarating lang.

"Man! Ang daming chicks dito grabe! Hoo ang ha hot pa shit!" Aniya

"Haji's right! Never failed to amazed us" dagdag nito na pinasadan ng kanyang kamay ang medyo magulo niyang buhok

Umiling-iling lang ako habang natatawa. Hinanap ng mata ko sila Flat.

Natigil ako nang nakita kong nasa gitna pa rin sila ng dance hall.

Sumipol si red dahilan para matigil sila. Napansin ko na napayuko si reign

Sweet couple it is.

"Drich! Sino ba 'yang katext mo huh? Kanina ka pa cp ng cp" malisyosong tanong ni red dito

He just tsk ed.

Tsk man with his celphone.

Nakalapit na sila reign kasama nito mga kaibigan niya.

"Tara sa bahay may hinanda si Mama" paanyaya nito

Sinenyasan naman kami ni Haji na sumunod na lang.

Di na mapaglayo si Flat at Haji. Siguro nga masiyado nilang namiss ang isa't isa.

Kasabay ko ngayon sa paglalakad si Jude, Red, Heinrich at yung mga lalaking kaibigan ni Flat.

Maingay silang nagkekwentuhan.

Hindi ko alam pero bigla ko nawawalan ng gana sa lahat. Maski magsalita di ko magawa kaya luro lang ako tango tuwing kakausapin ako ng mga kaibigan niya.

Di naman na nila ko kinulit.

Dumating kami sa bahay nila Flat.
Sumalubong agad sa amin si Tita Cynthia

Nagulat pa siya nong nakita niya ko, pero bahagya pa din siyang ngumiti.

Halos lahat ng kaibigan ni Flat ay kilala na ni tita Cynthia

Pinakilala ni Flat sila Red. Kilala din pala ni Tita Cynthia si hHaji

Nanatili kami sa sala.

Nagulat kami nang may biglang tumili. Galing sa labas

"Alexieeeee"

Di ako nag abalang tingnan kung sino 'yun. Abala kasi ako sa pagkain ko. Ang sarap pala magluto ni Tita Cynthia

Nagulat ako nang may dalawang pares ng doll shoes ang nasa harapan ko.

"Woops! Youre here" matining na sabi nito

Hay

A/N

One Another SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon