Chapter 14

11 1 0
                                    

Alex POV

"Nandito din pala kayo" Aniya nang makalapit na siya sa akin

Napa kunot noo ako nang makita si mokong na kakalapit lang din.

"Uy flat! Dito ka din?" Ngising sabi nito

Napataas ako nang kilay sa sinabi niya. Lagi na lang siya sumusulpot. Kailan kaya siya mawawala sa paningin ko

"Oh. Taga dito kasi ako e, ikaw bat ka nandito?" Pagtataray ko dito

Ngumisi lang siya. Tsk ang mokong na 'to, sinasagad na niya talaga ako.

Dumako ang tingin ko kay Haji nakangiti siyang nakatitig sakin.
Kanina pa ba niya ko tinitingnan?

Ramdam ko ang biglang pag init nang pisngi ko dahilan para talikuran ko mga 'to.

"Tara dun sa shed namin nagbabarbecue sila Iean" aya ko sa mga 'to

"Nice" tingin ko ay si Red ang humiyaw nun.

~~

Nakipag high five si Haji sa mga kaibigan ko maging ang mga kaibigan niya'y nakipag high five rin sa mga kaibigan ko.

"Kaya pala e" mahinang bulong nung masungit na si Heinrich na ngayo'y nakatayo sa likod ko

Nilingon ko siya at binigyan nang nagtatakang tingin. At ang masungit na 'yun nagkibit balikat lang.

Hindi ko alam pero medyo naasar na din ako sa masungit na 'to. Pity for his girlfriend kung sakali ngang meron.

"Pano mo alam 'to Haji?" tanong ni Clein na ngayon ay nagpapaypay dun sa iniihaw nilang barbecue na binara naman agad ni Carmz

"Ano ka ba? Magkaibigan sila ni Alex malamang sa malamang alam niya din dito kasi dito din naman siya lumaki" si Carmz naman 'yung tagabaliktad nang mga iniihaw

Napahalakhak 'yung iba sa pagbabangayan ulit nang dalawa kong kaibigan.

Nilingon ko si Haji na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

Medyo naasiwa ako kaya iginala ko ulit ang mata ko. Nakita ko Iean na nag aayos ng pagkakainan namin kasama niya si Ice.

Tumutulong naman sa kanya si Aesza di kasi pumayag si Iean na tumulong ang mga lalaki. Mauubos labg daw 'yung mga ilalagay na pagkain dun sa boodle fight nilang sinasabi.

Si Heinrich nakaisip nun agad naman sinang ayunan ni Iean 'yun.

"Ano ba naman 'yan Gelo inuubos mo 'yung barbecue!" tinapik ni Aesza yung nagtatangkang kamay ni Gelo kakadampot nung barbecue

Bale kasi yung kanin na dala namin at dala nila Haji ay  inilagay sa dahon ng saging. May mga nakalagay dun na inihaw na okra, talong may mga inihaw din na isda ar itlog pula na dala nila Haji. May nakalagay ding tuyo

May mga naka prepare din na bagoong na may kalamansi at toyo na may kalamansi. Sabi kasi ni Heinrich ay kamay daw ang panlaban sa pagkain hindi ka magkukutsara

Nakakita na ko ng ganun kadalasan sa Tv ko yung nakikita.

May inihanda ding dessert. Hindi ko alam pero parang mas prepare sila Haji kesa sa amin sila kasi may dala nang leche flan saka buko salad. Bigla tuloy ako nahiya

"Woy Alex paabot nga nong natira pang marinade diyan last na 'to" nginuso niya sa akin 'yung container na pinagbabaran ng karne kanina.

Nilapit ko 'yun kay Carmz at saka pinanuod ko siya sa pagpahid niya nung pinang-marinade kanina dun sa iniihaw na karne

Nakakagutom 'yung amoy. Nagbabangayan na naman si Aesza at Lloyd kasi naman itong si Lloyd at Gelo sinisimot nila 'yung karne. Kita ko rin na namumula na kamay ni Gelo, dahil siguro sa kakatapik ni Aesza. Nakigulo na rin si Ice sa kanila

One Another SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon