Chapter 3

9 1 0
                                    

Alex POV

Tahimik naming binabagtas ang daan sakay nang tricycle nang may matanawa ako sa di kalayuan na isang sasakyan na mukhang tumirik.

Sa daan ba naman na ganito? Di na ako magtataka.

Nadaanan namin ang isang lalaki na mukhang dayo. Kita sa mukha niya ang pagkabanas at ilang beses niyang sinipa ang gulong ng kanyang sasakyan.

Nunga nakalagpas na kami ay bigla naman nagsalita si Jude.

"Ate, Ma, si kuyang pogi po 'yung lalaki" medyo maingay ang pagkakasabi niya kasi maingay ang tunog ng tricycle.

Agad namang pinahinto ni Mama 'yung sasakyan.

"Pero Ma" pagpigil ko dito

"Di mo ba narinig kapatid mo?" napayuko ako sa sinabi ni Mama

Bumaba kaming dalaw ni Jude para lapitan 'yung lalaki.

Tumikhim ako. Nakataliko kasi sa amin 'yung lalaki

"Ah-- ahh ano-" nangangapa ako nga salita at sumisilip silip sa kany kahit nakatalikod ito't abala sa pag sipa sa tire ng sasakyan niya.

Napatalon kami ni Jude nang bigla siya sumigaw.

"Umalis na kayo! Wala kayong makukuha sa akin!" Sigaw niya kahit nakatalikod pa din siya sa akin

Uminit bigla pakiramdam ko sa sinabi niya

"Mawalang galang na po pero pwede bang humarap ka?" Nanggigigil na utos ko

Humarap siya at dali ko naman siya sinunggaban ng suntok sa mata.

Halos mapatumba siya sa lakas ng suntok ko.

"Aba lang ha! Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa amin 'yan!" saka ako namaywang

"Ate naman bat mo ginawa 'yun?" Si Jude na nag aawat sa akin kasi handa na naman ang kamao ko para manuntok

Naghihimutok ang loob ko dahil sa walang modong to! Lakas ng apog!

"Anong problema mo ha?! Argh shit" hawak niya pa dun yung mata niya na natamaan ng kamao ko

Hah! At nagtanong pa

"Aba lang ha?! Hoy!" Saka ko siya tinulak dahilan para mapasandal siya sa pintuan ng sasakyan niya

"Para sabihin ko sayo! Sayong sayo na yang pera mo! Ganyan talaga kayong mga mayayaman? Aba lang ha?! Kung tutuusin masahol pa ugali niyo sa mga hayop!" Sigaw ko ulit sa sobrang jnis na tipong isang kalabit na lang maiiyak na ko

"Will you please shut up babaing pinaglihi sa megaphone?! At ikaw pa may ganang manakit?! Kung tutuusin kayang kaya kitang ipakulong sa ginawa mo! Ikaw ang nanakit!" diretsong sabi niya

Susuntukin ko pa sanay siya nang biglang magsalita si Mama

"ALEX! San mo ba natutunan 'yan ha bata ka?"

Alex POV

"AKEX! San mo.ba natutunan 'yan ha bata ka?" mahinahon pero maotoridad na tanong ng ginang na sa pagkakatanda ko ay yung tinulungan ko kanina

Bumaling ang tingin sa akin ng ginang.

"Okay lang ba Hijo?" tumango lang ako

Nanghihina pa siya bakit na siya lumabas?

"Maayos na po ba kayo? Bakit na kayo lumabas? Dapat ay nagpapahinga pa po kayo" nag aalalang tanong ko

"Wag mo ko alalahanin. Okay na ako. Ikaw okay ka lang ba? Mukhang naplatan ka ng gulong" tumuon ang mga mata niya sa sasakyan

One Another SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon