Chapter 5

7 1 0
                                    

Alex POV

Diretso ang tingin ko sa daan. Kanina pa kami parang may nilalamayan dito sa sasakyan niya. Tsk

Napatalon ako nong bigalang tumunog celphone ko.

"What the! Answer that phone!" Sigaw sa akin ng mokong na 'to tsk.

Di ko siya pinansin. Si Gab kasi 'ying tumatawag. Tsk mamuti siya diyan kakatawag.

"Sagutin mo 'yang phone mo! Nadidistract ako!" Inis na sabi niya

Tsk. Nilahad ko sa kanya celphone kong 1208

"Kung gusto mo ikaw sumagot. Ikaw nakaisip e" pagtataray ko sa kanya

"Tanga ka ba?! I'm driving!" tsk pinindot ko 'yung answer at saka ni loudspeaker saka ko iniharap sa kanya

"Hello Alex? Helllo?" si Gab over the phone

Itinigil ni mokong tong sasakyan at saka inagaw 'yung phone

"Don't ever call again you son of a bull--" nanlaki ang mata ko sa pinagsasabi niya at agad pinatay yung tawag

Tinanggal ko na din ang baterya para di na ulit tumawag si Gab.

Aatakehin ata ako sa puso nito! Hoo

"Baliw ka ba?!! Bakit mo sinabi 'yun?! Sigaw ko ulit sa kanya

Inandar niya ulit ang sasakyan saka nagmaneho na ulit

Aba. Di ako pinansin? Ano to? Hangin lang ako dito? Hangin? Aba lang huh?!

"Bakit mo ginawa 'yun?!!!" Sigaw ko ulit sa kanya

"Shit! You're too loud! Can you just shut the fvck up?!!" Nag igting ang kanyang mga bagang matapos niyang sabihin yun.

He's damn serious. Kaya nanahimik na lang ako

~~

Zeke POV

Maingat akong nagparking sa garahe nila Haji. Nilibot ko ang buong kabuuan ng lugar.

So relaxing ang tema. The surroundings here were almost green.

"Alis na ko" sambit nitong si flat at akma ng aalis

"Stay here. Ihahatid na lang kita mamaya" tipid na sagot ko

"Wag na baka rape-in mo pa ko" saka siya humalukipkip

Tsk! Hindi na ba siya titigil? Nabibingi na ko sa kanya

Akma na siyang lalabas pero hinablot ko kamay niya. Dahil sa lakas nang pagkakahablot ko nahila ko siya pabalik at nauntog na naman siya sa dibdib ko. Kung iisipin para kaming nagyayakapan sa posisyon namin ngayon.

Agad ko naman siyang binitawan nong kumalas siya. Baka kasi isipin ng mga nakakita na may relasyon kami ng apat na bunganga na 'to.

~~
Ring ring

Napatalon siya dahil sa lakas ng ringtone ko. Tsk baliw

I tap the answer button

"Oh?" Haji is on the line

"Home safe bro?" tanong niya na sa tingin ko'y nakangisi ngayon

I tsk ed makes him laugh.

"Chill dude! Madaming chicks diyan, fresh at magaganda! You know? Probinsyana?" tuloy tuloy na sabi niya

Napadako ang tingin ko kay flat na ngayon ay nakaupo at ginagala ang tingin sa lugar. Naka tshirt siya na hindi naman ganun kaluwang saka naka tukong lang siya naka tali ang buhok. Ang simple niya tingnan pero ang ganda niya

"-----wfajagafa-hey Bro?!" panandalian pala akong natulala

"What?!" iritang sabi ko

"Sabi ko maraming magaganda diyan. Trust me" aniya

"Yeah. You're right, ge bro i'll hang up antayin ko na lang kayo dito" then I ended the call

~~

Sinalubong kami ng mga caretaker dito sa resthouse.

"Mabuti naman po ag nakarating po kayo ng ligtas sir Andrei. Kagabi pa po kasi nagtatanong si sir Haji kung nakadating na daw po ba kayo" abot langit na alalang tanong ni Manang Ebing na siyang tagapamahala dito sa resthouse

Tumango na lang ako. Ayoko naman g sabihin sa kanila na pumalpak ako ng isang gabi, tatawanan at kakantyawan lang ako nila Haji.

Pumasok na kami at andaming nakahandang pagkain sa hapag. Natakam ako bigla

Kita ko sa mata ni Flat ang pagkatakam. Pfft natutuwa talaga ko sa babaing 'to.

"Kain ka muna tapos ihahatid na kita" sabi ko sa kanya na nagpalawak ng ngiti niya

Napapailing na lang ako habang natatawa.

Tahimik lang kaming kumain. Sakto lang din naman dating namin dito at magtatanghalian na.

~~

"Uwi na ko hoy. Walang kasama si Mama sa bahay" paalam ni Flat na kanina pa din tingin ng tingin sa celphone niya

Naalala ko na di pa pala lubos na magaling si tita cynthia.

Napansin ko na madami namang tanim na prutas at gulay dito sa resthouse kaya nagpakuha ako sa mga caretaker di to ng sapat. Ibibigay ko lang kela tita cynthia

~~

"Huy, andami naman ata nito para kanino?" Usisa ni flat sa mga nakikita niyang mga gulay at prutas na pinapasok sa sasakyan ko

"Enough with that huy! Magkakasakit ka ba kung tatawagin mo ko sa panglan ko?" Inis na sabi ko na ikinatawa naman ng mga taong nakarinig nun

"Zecharias Andrei Almonte" saka ko nilahad palad ko. Aminado naman akong pangit ang pagkakakilala namin sa isa't isa

Humalukipkip siya pero tinanggap niya pa din palad ko.

"Alexandria Evangelista" nakahalukipkip niyang sabi tsk

"Teka bakit Alex tawag nila sayo? Sabagay mas hamak na bagay mo naman 'yang Alex kesa sa Alexandria. Masiyadong nagkamali si tita na yan piniling ipangalan sayo. Ang angas mo, eh" pang aasar ko na nagpatahimik sa kanya

"Daming satsat, dinaig pa babae" bulong neto na rinig naman

Ibang-iba nga talaga babae dito kesa sa mga babae sa syudad.

"Tara na nga" saka ko siya kinaladkad papasok ng sasakyan di naman na siya nagsalita

A/N:

One Another SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon