Chapter 12

6 1 0
                                    

Alex POV

"Tama na! Aysssh" reklamo ni Aesza na napuno na ng bula na nanggaling sa pinaglinisan ng plato

Kakatapos lang kasi namin kumain.
Ilang minuto rin ako nakipagtalo para pigilan si Aesza sa ginagawa niya. Pero sumuko din ako

Kasalukuyan na naman sila nagbabangayan ni Lloyd sa harap ng lababo namin.

Napapaiing na lang ako.

Tumutulong din 'yung iba sa paglilinis sa bahay. Tatlong araw pa bago ang mismong pista sa barangay namin kaya tatlong araw la sila mamamalagi dito

Nakikita ko na napapakamot na lang ng ulo si Mama dahil sa katigasan ng ulo ng mga kaibigan ko. Ayaw nila papigil sa mga ginagawa nila e

Nilapitan ko si Clein na nagsisibak ng kahoy. Natawa ko nung una, may kaya kasi 'to e. Dahil sa adventurous daw ay ayaw paawat sa ginagawa.

Si Jang at saka Gelo naman may kanya kanyang bitbit na timba. Nag iigib kasi sila ng tubig habang taga bomba naman si Iean. Dahil sa kalayuan nang barangay namin sa mismong bayan ay poso ang pinagkukuhanan namin nang tubig.

Kita ko naman si Carmz na ngayon ay nakikipagkulitan kay Aesza at Lloyd.

Habang si Ice naman ay nasa terrace kasama si Jude. Na sa tingin ko ay nagpapaturo mag gitara

Si Camz na hawak ang DSLR neto at saka kinukuhanan ng picture ang lugar.

Dumako ang dslr neto sa akin. Dahilan para mapangiti ako

Nag okay sign siya. Saka itinuon ulit ang dslr nito sa mga nag iigib na sina Jang na ngayon ay nagbabasaan na

Nakaramdam ako ng biglang pagtapik na nanggagaling sa likod ko

"Piknik tayo" nakangiting sabi ni Iean sa akin

Sa aming magkakaibigan si Iean ang talagang may kaya. Bukod sa sila ang may ari ng mga nagkalat na coffee shop sa pangasinan ay share holder ang pamilya nila sa isang sikat na mall dito sa pangasinan.

Kung nagtataka kayo at kung bakit nag aaral sa public at hindi private si Iean ay dahil na rin sa kagustuhan ng magulang nito na mamuhay ng simple maging independent kung baga

Tumango na lang ako

~~

"Talaga? Sige! Kami na lang ni Carmz mag grocery" masayang sabi ni Aesza

Nandito kami ngayon sa terrace at pinag uusapan ang mangyayaring piknik namin sa malapit na ilog dito sa amin.

Bale lalakarin lang naman 'yun siguro aabot din ng 15 minutes bago makarating 'dun.

"----'yun nga pagkabalik niyo aalis na din agad tayo" ani Iean

Sasakyan ni Clein ang ginamit nila Aesza at Carmz para mag grocery siempre si Clein nagmaneho nun. Sabado ngayon at baka may LTO pa daw sabi ni Mama

"Camz" tawag ni Iean dito

Nag angat lang ng kilay si Camz at nagtuloy sa pangangalikot sa laptop nito.

Siguro in-upload na niya yung mga pictures kagabi at kanina sabi ko sa isip ko

"Don't forget your dslr" ani Iean na nag patango kay Camz

Biglang tumunog notification ng celphone ko

Gaya nga ng nasa isip ko. Inupload na ni Camz yung mga pictures kagabi at kanina.
-----------------------------------------------------------------
Samantha Camille Pimentel tagged you and 9 others in a post
-----------------------------------------------------------------
Having fun with my for keeps.
Happy Fiesta Barangay Buenlag
-----------------------------------------------------------------
Naka tag din pala si Jude.

Iniscan ko 'yung mga pictures. Medyo nagulat ako kasi inupload din pala niya 'yung mga pictures namin nila Haji. Dumako yung tingin ko kay mokong.

Dug dug

Tumunog ulit 'yung notification ko.
-----------------------------------------------------------------
Jordan Gwyneth Evangelista commented on a photo that you are tagged in
-----------------------------------------------------------------
Jordan Gwyneth Evangelista Awww. Inggit is me
-----------------------------------------------------------------
Dun siya mismo nag comment sa picture na nakatitig si mokong sa akin.

Napaka kunot noo ako.

Hanggang sa na flood ang notification ko sa mga likes at comment sa post ni Camz

Pinatay ko na lang 'yung data ko saka nilapag sa mesa 'yung celphone ko na namana ko lang 'kay kuya Jb

~~
Pagkadating nila Aesza ay naghanda na din kami patungo sa ilog. Mag aalas otso na nang naka alis kami mataas na din ang araw.

Tanaw namin ang malinis at nangingintab na tubig. Napaliligiran ito nang mga nagtatayugang puno kaya. May mga nakatayong shed malapit dito

Dahil sa dayuhin din ang lugar na 'to ay nagpasya ang kapitan namin na pagawan 'to nang ilang kubo para may mapagsisilungan ang mga pupunta dito.

Napansin ko na hindi lang pala kami ang nandito

May isang matangkad na lalaki na kumakaway sa akin sa di kalayuan nitong shed na pinagsisilongan namin.

Lumingon ako sa likuran ko sa pag aakalang baka may tao sa likod ko.

Inaninag ko kung sino 'yun.

Hanggang sa napangisi na lang ako.

"Haji"

A/N:

One Another SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon