Chapter 1

316 8 0
                                    

"Papa. Bakit tayo aalis dito sa Immortal village. Pag sa labas ng Immortal village tayo tumira dilikado tayo..!" Sabi ko kay papa pero ayaw niyang makinig.

"Pa.! Alam niyo yung nang yari sa ibang vampire na tumira dun. Pare-Pareho lang silang namamatay. Papa..!" Sabi ko sa kaniya pero humarap lang siya sakin at..

"Alam ko iyon ShinMin pero para ito sa pag bubuntis ng mama mo. Tandaan mo ShinMin. Hindi bampira ang nanay mo. At para din sayo ito dahil para sa kinabukasan mo." Paliwanag sakin ni papa.

"Papa pano pag nalaman ng tao na hindi tayo mga tao. Baka mapahamak pa tayo at pati na rin ang immortal village.." Sabi ko sa kaniya pero..

"Anak sorry pero para sa inyo ito.." Sabi sakin ni papa at tumakbo na lang ako palayo sa kaniya.

Nasa tuktok ako ngayon ng bundok nakatitig sa lumulubog na araw. Habang naka upo ako sa isang sanga ng puno naramdaman ko na may nasa likod ko kaya naman tiningnan ko kung sino at nakita ko si ByunShi.

"ByunShi ikaw pala. Anong ginagawa mo dito..?" Tanong ko sa kaniya at hinatak niya ko pababa ng puno at hinila ko papunta sa Immortal Village.

"Uhmm.. ByunShi anong gagawin natin dito..?" Tinanong ko siya.

"Gusto kitang makasama kahit sa sandaling panahon lang. Dahil pag umalis na kayo sa Immortal Village. Mamimiss kita.." Sabi niya sakin at niyakap niya ko ng mahigpit.

"Mamimiss din kita ByunShi..." Niyakap ko rin siya at nag simula na kaming mag lakad lakad sa Immortal Village.

Hindi rin nag tagal ang paglilibot namin dahil tinawag na ko ng papa ko at aalis na daw kami. Hinatid na ko ni ByunShi sa sasakyan namin at dun na kami nag pa alam sa isa't isa. 

Nga pa ako si Park ShinMin. Isa kong bampira. At isa ako sa anak ng mga namumuno dun. Ang tatay ko nga pala ay si Park SoJung. Siya ay isa sa mga ruler ng Immortal Village pero binigay na niya ang trono niya sa isa pa niyang kapatid na si tito ByunBeom. Si Park ShinMei naman ang nanay ko. Isa siyang tao at siya ang dahilan kung bakit hindi na kami titira sa IV at kung bakit hindi na rin kasama sa namumuno si papa ng IV. Nga pala sa aming mag pipinsan isa ako sa mga elemental Vampires. Ang aking kapangyarihan ay Thunder and Lightning, Wind, Flight at kaya kong basahin ang future ng mga tao at kaya ko ring basahin ang kanilang mga isip. Kung tutuusin isa ako sa mga malalakas na anak ng nasa Royal Family pero hindi ko naman pinapahalagahan.

Sa ngayon kasalukuyan kaming papunta sa bago naming bahay. Huminto si papa sa isang gas station.

"Uhm.. Papa saan po ba yung bago nating bahay..?" Tanong ko sa kaniya.

"Malayo pa anak.." Sabi niya sakin.

Ayaw niyang sabihin ah. Binasa ko yung isip niya para malaman ko kung saan yung address. At kaboom.. Haha nakita ko na at alam ko na kung saan.

"Papa mauna na lang ako papunta sa bahay namin.." Sabi ko sa kaniya at pababa na sana ko sa van pero.

"Hindi pwede anak dilikado.." Sabi niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

Lumabas ako sa van at hinintay silang umalis. Alam ko namang hindi ako mapipigil niyan eh kaya naman lumakad na ko papunta dun sa gilid ng kalsada at hinintay na lumabas sila papa. Ng nakaalis na yung van namin. Nag simula na kong mag tumawid sa kabilang side ng kalsada at pumasok sa loob ng gubat. Umakyat ako sa isang puno at ng nasa tuktok na ko ng isang sanga nakita ko yung van namin na medyo malayo na kaya naman lumipad na ko. So ayun lumilipad lang ako at nakaantabay sa van pero ng bigla akong nakakitang isang werewolf agad akong bumaba at tiningnan kung ano yung nangyayari. Nagulat ako ng nakita ko na inaatake ng isang wolf ang isang vampire kaya naman dali akong tumulong. Nilapitan ko yung vampire at nakita ko Jessica. Si Jessica ay pinsan ko pero nag tataka lang ako bakit siya andito..

"Jessica anong ginagawa mo dito..?" Tanong ko sa kaniya.

"Tumakas ako sa Immortal Village. Dahil may gusto kong sabihin kay tito SoJung. Pero biglang may wolf na umataki sakin.." Sabi niya at nakita ko na tumayo nanaman yung werewolf.

"Jess. Ako na bahala dito ka muna.." Nilagay ko muna siya sa isang tabi at ako na yung lumaban sa werewolf.

Ginamit ko yung wind powers ko para mapatumba yung wolf. Pero hindi ito tumalab kaya naman tumayo si Jess at ginamit ang earth powers niya. Kaya napa-alis na namin yung wolf.

"Haha.. Ayos.." Sabi ko at ngumiti ako sa kaniya.

"Haha.. Nga pala sabay na tayo papunta sa bahay niyo. May mahalaga akong sasabihin sa papa mo.." Sabi niya.

"Uhm.. Sige. Napaka importante nga nun. Tara.." Sabi ko sa kaniya at parang nagukuhan siya sakin.

Binasa ko kasi yung isip niya. Kailangan daw si papa mamaya sa isang meeting sa Immortal Village.

"Baka naguluhan ka. Binasa ko na yung isip mo at alam ko na yung importante na yun. Tara.." Sabi ko sa kaniya at tumakbo na kami.

Mga ilang minuto lang nasa new house na kami at sakto naman na dumating yung van. Nilapitan kagad ni Jess si papa at sinabi na niya yung dapat niyang sabihin.

"ShinMin. Halika dito.." Sabi sakin ni papa at lumapit kagad ako.

"Ano po iyon papa..?" Tanong ko sa kaniya.

"Sumama ka kay Jessica sa Immortal Village at ikaw na lang ang mag punta sa meeting at aasikasuhin ko pa yung bahay natin at yung mama mo.." Sabi sakin ni papa.

"Uhmm.. Sige po. Dun na lang din po ako matutulog sa IV..." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka dun matutulog. Umuwi ka dito ha. Malapit lang ang IV dito kaya umuwi ka na ha. Oh sige pumunta na kayo dun.." Sabi ni papa.

"Sige po.. Ingat na lang po kayo ni mama. Bye.." Sabi ko at nag simula ng tumakbo si Jessica habang ako naman lumipad na lang. 

Immortal LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon