Sa ngayon hindi ko talaga alam kung nasan ako at hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari samin ni JungMin. Dinilat ko na ang mga mata ko at nakita ko na wala na kami sa gubat. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si JungMin habang si Jessica at si ByunShi naman sa kanan. Si JungMin nakahiga pa habang ako naman tumayo na.
"ShinMin ok ka lang ba..?" Lumapit kagad sakin sila ByunShi at Jessica.
"Oo ok lang ako. Si JungMin ok ba..?" Tanong ko at bigla silang nanahimik. Binasa ko yung isip ni Jessica at..
"Kumalat ang fire chant sa kaniya..?" Sabi ko at liningon ko si JungMin which is nasa higaan.
"Oo pero sabi ni Papa ok na tito ByunBeom okay na daw siya intayin lang daw natin siya gumising pero hindi naman ganung kasama ang fire chant na kumalat sa kaniya dahil may halo ito ng storm chant mo. Kaya naman hindi ito delikado.." Sabi ni Jess at tumango na lang ako.
"Uhm.. ByunShi pwede lumabas ka muna mag uusap lang kami ni Jessica.." Sabi ko sa kaniya at lumabas na si ByunShi at umupo na kami ni Jess.
"Paanong kumalat ang fire at storm chant sa kaniya..?" Tinanong ko siya.
"Dahil masiyadong malakas ang storm chant mo natamaan si JungMin ng both chants at yung onti naman sayo kaya kung ano yung ok na nararamdaman mo ngayon magiging ganun din ang kalagayan ni JungMin kaya wag ka mag alala. Nga pala sabi rin ng papa mo dito ka muna sa IV matutulog kasi baka daw hindi mo kayanin at medyo nang hihina ka pa.." Sabi niya at ngumiti na lang ako.
"Uhm.. Andito ba si tito MinWo..?" Tanong ko sa kaniya. Nga pala si tito MinWo ay ang tatay ni Jessica at si tito ByunBeom ang tatay ni JungMin kung naguguluhan kayo kung bakit mag kapatid silang dalawa at iba ang magulang nila. Talagang tatay ni JungMin si tito MinWo pero kinuha siya ni tito ByunBeom.
"Oo bakit mo na tanong..?" Tanong niya sakin at sinabi ko sa kaniya na hinahanap ko lang siya kasi miss ko na siya.
"Uhm.. ShinMin ikaw muna mag bantay kay JungMin. Pupunta lang muna ko sa Immortal Palace. Bye muna.." Sabi niya at umalis na siya.
"Bye.." Sabi ko at lumapit ako kay JungMin.
Ng malapit na ko sa kaniya bigla siyang nagising at agad ko naman siyang nilapitan.
"Nako JungMin buti naman at gising ka na. Alalang-alala ko sayo.." Sabi ko at niyakap ko siya.
"Sorry nga. Dahil sakin pareho patayong nakalatan ng Fire at Storm Chant.." Sabi niya sakin.
"Ok lang yun basta ang mahalaga ok ka na.." Sabi ko at bumitiw na ko sa yakap.
"Ahh.. ShinMin pwede paabot ako ng isang basong tubig tas' patakan mo ng ontik dugo tapos pakihalo na din. Salamat.." Sabi niya at agad naman akong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig na may halong dugo. Ng na sakin na yung iinomin niya pumasok na ko ulit sa kwarto at ibinigay ito sa kaniya.
"Salamat.." Sabi niya at umupo ako sa tabi niya.
"Uhm.. JungMin gusto mo pag ok ka na punta tayo sa gubat para kumain. Nabitin kasi ako sa nilibre kanina ni Danielle.." Sabi ko at yumuko kasi naman nakakahiya.
"Haha. Sige ba. Na gugutom din kasi ako eh.." Sabi niya at nag tawanan lang kami. Inubos na niya yung inumin niya at lumabas na kami sa bahay nila Jess.
"Oh ano unahan tayo papunta sa gubat..?" Sabi ko pero umiling siya.
"Sabay na lang tayo..." Sabi niya at tumango na lang ako.
Mga ilang minuto lang nasa gubat na kami. Naka-hanap kami ng baka kaya kinatay namin ito at kinain na namin. Sa onting ganun lang busog na ko. Kaya naman nag aya na ko na bumalik sa IV.
BINABASA MO ANG
Immortal Lovers
VampirosSi Park ShinMin ay isang vampire na nainlove sa isang tao. At lahat gagawin niya para lang mahalin din siya ng taong iyon. Dumating sa point na mag-kaibigan na sila at nainlove na yung tao sa kaniya pero nalaman niya na vampire pala si ShinMin kaya...