Nasa Immortal Village nanaman ako at ngayon papunta na kami ni Jessica sa Immortal Palace. Nag tataka lang ako. Hindi naman na kasali ang papa ko sa royal empire pero bakit siya kasama sa meeting..?
"Jessica bakit nga pala kailangan sa meeting si papa eh hindi naman na siya kasama sa mga namumuno..?" Tinanong ko siya tapos hinila niya ko papunta sa likod ng Immortal palace.
"Hindi talaga kasama ang papa mo dito pero may gagawin silang masama.." Sabi niya at narinig na naming nag uusap yung nasa loob.
Ano naman kaya iyon..? Naririnig ko yung mga tito ko na nag uusap.
'Hindi maganda ito. Dapat itong malaman ni papa. Pero bakit namatay si Lolo..? At bakit si papa ang pinag bibintangan nila..? Hindi kaya dahil ito sa pag alis namin ng Immortal Village..?' yun ang umiikot sa isip ko kaya naman. Binasa ko ang future ni papa.
"Ahh..!" Bigla akong napa tumba sa kinatatayuan ko.
"ShinMin anong nang yari.?" Agad akong nilapitan ni Jess.
"Hindi maganda ang mangyayari. May mamamatay at may makakalimot. Pero hindi ko alam kung sino iyon. At may babalik na hindi nila inakala." Sabi ko at tumulo ang luha ko. Agad itong pinunasan ni Jess.
"Hush. Hush. Wag ka umiyak ShinMin. Magiging ok ang lahat. Dalin na kita sa bahay niyo.." Bubuhatin na niya sana ko.
"Jess ok lang ako. Mag hahating gabi na dapat ka nang maiwan dito sa IV. Sige mauna na lang ako." Sabi ko at lumipad na ko papunta sa bahay.
Kasalukuyan ako ngayong lumilipad papuntang bahay. Hindi parin maalis sa isip ko ang mangyayari. Dumating ako sa point na biglang lumitaw nanaman sa isip ko ang future at bigla akong nang hina ako at bigla akong nalaglag pero ginamit ko yung wind powers ko para hindi masakit ang pag kakabagsak ko.
Bakit ang gulo ng mang yayari. May mamatay at makakalimot at may babalik na hindi inakala..? Bakit ang gulo..? Hindi kaya. Si papa ang mamamatay at si mama ang makakalimot at si lolo ang babalik na di inakala..? Imposible yun. Pero kung ganun nga ang mangyayari. Gagawin ko lahat. Wag lang sila mawala sakin.
Tumakbo na lang ako at mga isang minuto lang nasa bahay na ko. Kumatok ako sa pintuan at binuksan ito ni papa.
"ShinMin. Kamusta ang meeting..?" Tanong niya sakin at pumasok na ko sa loob.
Sinarsado na ni papa ang pinto at umupo muna kami sa salasahan.
"Pa. Hindi talaga kayo kasama sa meeting dahil hindi ka naman na kasama sa royal empire. Ang pinag-meetingan nila ay ikaw.." Sabi ko sa kaniya at nakita ko na parang nag tataka si papa.
"Anak anong ibig sabihin mo..?" Tanong sakin ni papa at tumabi siya sakin.
"Ang pinag meetingan nila ay ikaw.." Sabi ko sa kaniya at naguguluhan parin siya.
"Bakit ako. Anak sabihin mo sakin may nakita ka ba..?" Alalang tanong sakin ni papa.
"Opo may nakita ako. Sa future mo papa. Nakita ko. May mamamatay at makakalimot at may babalik na hindi inakala. At papa. Namatay si lolo at ikaw ang pinag bibintangan nila at gusto ka nilang patayin. At papa may kutob ako na. Ang mamatay ay ikaw at si mama ang makakalimot habang si lolo naman ang babalik na hindi mo inakala. Papa. Dilekado na talaga tayo.." Sabi ko sa kaniya at agad niya kong niyakap.
"Anak. Ipakita mo sakin ang nakita mo so future..." Sabi niya sakin at hinawakan ko yung kamay niya at dun ko sa kaniya ipinakita ang mga mang yayari.
Mga ilang minuto lang ay bumitiw na siya.
"Anak. Wag ka mag alala. Walang mang yayari ha. Pumanik ka na sa kwarto mo. Inayos na yun ng mama mo.. Sige na ..." Sabi niya sakin.
"Pano ko matutulog eh. Hindi naman tayo natutulog..?" May kalas din si papa minsan eh.
"Haha. Binibiro lang kita sige pumanik ka na lang dun.." Sabi ni papa at pumanik na lang ako.
Nasa kwarto ko na ko at dahil nga hindi naman ako makatulog. Pumanik na lang ako sa bubong. Nakatingin ako sa fullmoon. Ang ganda talaga ng buwan.
"Ughh.." Hala nagugutom ako. Saan kaya ako hahanap ng pag kain ng ganitong oras..?
Lumipad ako papuntang gubat at nag hanap ng makakain. Nasa tuk-tok uli ako ng puno at bingo. Nakakita ko ng isang deer. Haha. Bumaba ako sa puno at nag tago. Hinihintay ko ang susunod na mang yayari bago ko siya kainin at sakto naman. May dumambang tigre kaya naman agad akong dumamaba sa tigre hanggat hindi pa niya kinakain yung deer kaya naman solve na ko kasi yung tigre na yung kinain ko. Sa totoo lang hindi ako sumisip-sip ng dugo ng tao or kumakain ng tao basta puro hayop lang ng mga carnivorous ang kinakain ko. Pero syempre dapat high quality. Hehe joke.
Sa ngayon lumilipad ako pauwi sa bahay at bigla akong nakakita ng isang vampire na tumatakbo kaya naman binaba ko at hinarang.
"ShinMin..?" Napahinto yung tumatakbo ng nakita ako.
"ByunShi..?" Nakita ko siya at niyakap ko siya agad.
"Gosh, ByunShi anong ginagawa mo dito..?" Tanong ko sa kaniya at umakyat muna kami sa puno.
"Tumakas ako sa Immortal Village kasi gusto kita makita.." Sadya ba talagang may kalas itong si ByunShi..?
"Bakit ka tumakas. Hayy nako dalin na nga kita sa IV mamaya may werewolf pa diyan alam mo naman na hating gabi ngayon at malalakas sila kaya dapat sa loob ka lang ng IV. Sabi ko sa kaniya at nag simula na kami mag lakad.
"Sorry ha.. Namiss lang talagakita.." Sabi niya sakin at nag pout pa ang luko.
"Oo na. Haha. Miss rin kita.." Sabi ko sa kaniya sabay akbay sa balikat niya.
"At namiss ko na ring kumain ng isang bampira.." Nagulat ako ng narinig ko yun.
Lumingon na ko at nakakita ako ng wolf at Lima sila. At hindi lang sila basta basta wolf sila ang mga leaders ng bawat pack.
"Long time no see ShinMin.." Sabi ni Aron leader ng fire pack.
"Kamusta ang mga vampire..?" Tanong sakin ni Jin, leader ng earth pack.
"Matagal na naming hindi nakita ang mga nasa royal family at namiss namin kayo ShinMin.." Si Chris ang nag sabi nun at siya ang leader ng thunder pack.
"Namiss na namin makipag laban sa inyo.." Sabi ni Xin. Leader ng water pack.
"Namiss na rin namin ang mga magagandang vampire na tulad mo.." Si XiMen kapatid ni Xin. At si XiMen ang leader ng buong wolf pack at bawat power na meron ang isang pack ay merun siya.
"Anong gusto niyo..?" Tanong ko sa kanila at tinago ko muna si ByunShi sa likod ko.
"Ikaw. Gusto kasi naming makalaban ang isang vampire ngayon at sakto naman at nakita ka namin. Kaya kung ako sayo tumakbo ka na..." Sabi ni XiMen.
"Hindi ako nag aaya ng laban kaya pwede ba layuan mo na lang ako.." sabi ko sa kaniya at dumating sa point na wala na kong aatrasan.
"Pfft. Pano kung ayaw namin..?" Sabi ni Xin at na corner na nila kong lima.
"Layuan niyo ko.." Sabi ko sa kanila pero mas lumalapit parin sila.
"Diba isa ka sa mga malalakas sa royal empire bakit hindi ka lumaban..?" Sabi sakin ni Chris.
"Ayoko ng away kaya layuan niyo ko.." Sabi ko sa kanila pero ayaw nila.
"Layuan niyo si ShinMin.." May lalaking nag sabi at tumingin ako sa tuk-tok ng puno dahil dun namin narinig yung tunog.
"Sino ka..?" Tanong ni Jin.
"Hindi na kailangang tanungin.." Bumaba na siya at nakita ko si...
"JungMIn.."

BINABASA MO ANG
Immortal Lovers
VampirosSi Park ShinMin ay isang vampire na nainlove sa isang tao. At lahat gagawin niya para lang mahalin din siya ng taong iyon. Dumating sa point na mag-kaibigan na sila at nainlove na yung tao sa kaniya pero nalaman niya na vampire pala si ShinMin kaya...