Chapter 7

112 1 0
                                    

"Nagawa niya..." Hindi ako makapaniwala na gawa niya ang fire chant.

"JungMin..!" Bigla siyang nabagsak kaya naman agad ko siyang sinalo.

"ShinMin nagawa ko. Salamat.." Sabi niya at agad niya kong niyakap.

"Hehe. Sabi ko sayo kaya mo eh. Halika. Tulungan na kitang tumayo.." Sabi ko at tinayo ko na siya agad ko kaming bumalik sa kinauupuan namin at nag simulang i-train ang mga powers namin. Buong araw kami nag sanay at ngayon papauwi na kami ni papa kasi walang kasam si mama sa bahay.

Mga ilang minuto lang nakapunta na kami sa bahay at nakita namin si mama sa kusina na nag luluto.

"Oh andiyan na pala kayo.." Sabi ni mama at agad niya kong niyakap.

"Anak balita ko nahimatay ka daw kanina.." Sabi ni mama.

"Opo. Pero ok lang po ako. Uhm. Kain na po tayo.." Sabi ko kay mama at umupo na kami sa daning table at kumain.

Lumipas ang limang minuto at tapos na kaming kumain. Dumiretso kagad ako sa bubong at doon muna tumambay. Nakatingin ako ngayon sa full moon.At biglang may umalulong. Dahil dun bigla akong kinilabutan at biglang may lumitaw sa present. Dahil dun agad akong napababa sa bubong at tinawag si papa.

"Papa..!"

"Ano iyon anak saka wag ka masiyadong maingay. Tulog na mama mo. Oh ano ba iyon..?" Sabi ni papa at hinila ko siya palabas ng bahay.

"Papa. May narinig ako kaninang alulong at biglang may lumitaw sa present. Nag mi-meeting ngayon sila XiMen at tito MinWo kasam na rin dun si tito Hye Seong. Puntahan natin sila.." Sabi ko at tumango si papa. Mga ilang segundo lang ay nasa meeting place na kami nila XiMen at tito MinWo. 

Nasa tuktok kami ngayon ng isang puno at dahil makapal ang mga dahon ay hindi kami kita. Nakikinig kami sa mga pinag uusapan nila XiMen. Habang tumatagal ang pakikinig namin mas lalong hindi gumaganda ang usapan. Pero bakit nila kailangan patayin si papa at ipamuka sa IV na si papa ang pumatay kay lolo. Bakit hindi nila ilabas ang katotohanan. Mga walang kwentang kapatid sila ni papa. Hindi ito maganda. At bigla silang may na banggit na matagal ko ng ikanatatakot pa. Mula sa pinaka simula ng gulo na ito. Ang malaman kung sino ang makakalimot.

"Si SoJung ang papatayin natin at si ShinMei ang makakalimot..." Sabi ni Xin at dahil dun nanikip ang puso ko at biglang tumulo ang luha ko at agad naman akong niyakap ni papa.

"Papa. Kailangan na nating puntahan sila tito ByunBeom. Para sa protektahan kayo ni mama..." Sabi ko at lumipad hindi ko na inintay si papa  at nag punta na ko sa IV. Dumiretso kagad ako sa Immortal Palace at pinuntahan si tito ByunBeom.

"Tito ByunBeom. May mahalaga po akong sasabihin. Kaya sumama po kayo sakin.." Sabi ko at nag punta kami sa bahay ni Jess at sakto naman na nadun si JungMin at ByunShi.

"Oh. ShinMin bakit ka andito..?" Tanong ni Jess.

"Kanina nag mi-meeting sila tito Hye Seong, MinWo, Xi Men, Xin, Chris, Jin at Aron. At narinig namin ni papa ang mga pinag uusapan nila.." Sabi ko at biglang nag taka si tito ByunBeom.

"Asan si SoJung..?" Tanong ni tito ByunBeom at biglang may nag salita sa likod.

"Eto na ko ByunBeom. Hay nako. ShinMin hindi mo man lang ako hinintay. Hingal na hingal tuloy ako. Oh, ano ba yung pinaguusapan niyo..?" Tanong ni papa at umupo siya sa tabi ni tito ByunBeom.

"Kailangan nating bantayan ang mama ko at pati na rin si papa. Dahil silang dalawa ang target nila XiMen at tito MinWo at tito Hye Seong. Papatayin nila si papa at pag namatay si papa makakalimutan ni mama ang lahat ng ala-ala niyang kasama kami. Kaya tulungan niyo ko dahil ayaw ko silang mawala.." Umiiyak na ko at nilapitan ako ni papa at niyakap.

Immortal LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon