Chapter 4

156 3 0
                                    

"JungMin/ShinMin..?!" 

"Dito ka nag aaral..?" Tanong ko sa kaniya.

"Oh yes. Haha ikaw..?" Tanong niya sakin.

"Oo. Uhm.. Sino nag pasok sayo dito diba bawal ka lumabas ng IV..?" Sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya sakin. Lumingon siya sa mga kasama niya at..

"Guys. Mauna na muna ko. Kakausapin ko lang siya.." Sabi niya at nag simula na kami mag lakad.

"Balik tayo sa tanong ko sino nag pasok sayo dito..?" Tanong ko sa kaniya.

"Si lolo ang nag pasok sakin dito. At mag kabatch tayo. At mag kasection tayo dahil nakita ko kanina sa board kung ano ang section mo at mag kaklase tayo." Sabi niya. 

"Ikaw lang..?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi. Si Jess din inenroll ni lolo pero sa ibang school siya dahil ayaw daw niya makita yung pag mumuka ko.." Eto talagang si Jessica.

"Haha... Ok lang yan. Masanay ka na sa kaniya.." Sabi ko sa kaniya t bigla niyang hinawakan yung muka ko at nakatitig siya sa mata ko. Creepy.

"Bakit hindi ka nag contact lense. Tingnan mo nga yang kulay ng mata mo color red....." Sabi niya sakin at agad kong kinuha yung phone ko para mag salamin.

"Oo nga. Kaya pala nakatingin silang lahat sakin kanina.." Sabi ko at nag chuckle si JungMin at hinila ko papunta sa likod ng campus.

"Eto oh.. Hiramin mo muna yung contact lense ni Jessica. Kabibili lang niya nan kahapon at pinalagay niya sa bag ko pero hindi naman na niya kinuha. Eto oh. Suot mo na.." Sabi niya at kinuha ko yung contact lense.

"Uhm.. ShinMin alam mo mahihirapan ka mag lagay. Akin na ako na lang yung mag lalagay.." Kinuha niya ulit yung contact lense at nilagay ito sa mata ko.

"Wag kang pipikit..." Sabi niya at ngumiti lang ako. Kinakabit na niya yung pangalawa.

"Ayan ok na. Ipikit mo lang yung mata mo at idilat mo rin kagad.." Sabi niya at ginawa ko naman yung sinabi niya.

"Nakakapanibago pero ok lang.." Sabi ko at ngumiti siya.

"Haha. Masasanay ka din. Ang ganda nga ng mata mo eh. Tara na..." Sabi niya at nag lakad na kami.

Nasa classroom na kami at umupo muna ko sa isang vacant sit. Habang nakaupo ako nag do-drawing ako at bigla na lang may pumasok na isang lalaki. Grabe ang pogi niya. Papalapit siya sakin at umupo siya sa tabi ng table ko. Buti na lang at katabi ko yung bintana kaya naman dun na lang ako tumingin. Biniling ko na lang uli yung atensyon ko sa drawing ko at bigla naman may kumalabit sakin at si kuyang pogi yun.. *0*

"Hi bago ka dito..?" Tanong niya sakin. Kinakausap niya ko. Haha grabe ang sarap pakinggan ng boses niya at ang gwapo niya pa sana maging kami. Haha chos. Ang ganda ng mga mata niya at ang pogi niya talaga..*0*

"Huy... Bago ka dito..?" Ay oo nga pala kinakausap niya nga pala ko.

"Oo hehe. Ako nga pala si Park ShinMin.." Sabi ko at nakipag shake hands sa kaniya. Ang lambot ng kamay niya..! >.<

"Danielle Kim. Nice to meet you.." Sabi niya at bumitiw na siya sa kamay ko. Aw.. Nakakabitin...!

"Uhm. Gusto mo sabay na tayo mag lunch mamaya..?" Tanong niya sakin. Ala naman sigurong masama eh diba..?

"Ah.. Sige hehe.." Sabi ko at ngumiti nanaman siya.

Mga ilang sigundo lang pumasok na yung prof namin at nag simula ng mag  salita.

"Hi class. Ngayon may bago kayong classmate at andito na siya. Iha halika dito..." Turo sakin ng prof namin at lumapit naman ako sa kaniya sa harap.

Immortal LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon