Chapter 3

20 3 0
                                    

dalawang araw din akong hindi nakapasok dahil sa nangyari sakin. may balak pa ata siyang sirain ang napakaganda kong muka.

"heather! ok ka na ba?. ginawan kita ng mga notes sa mga subject na namissed mo huh." pag magkaroon ka nga naman ng bestfriend na ganito.

"oo sige salamat. papasok ako tapos wala naman tayong pasok bukas patawa lang, dapat sinagad ko na hahaha.tara daan lang akong locker may ilalagay lang ako"

naglalakad na kami papuntang locker. nang makasalubong namin si trevor nagiisa lang siya at parang tulala binati ko siya ng may ngiti sa muka.

"hi trevor" medyo nagaalinlangan pa kong batiin siya. pero nag smile lang siya ng bahagya at derederetso pa din siya sa pag lalakad

nakadating na kami sa locker ko, pagbukas ko nito may bumungad na sulat sakin.

*letter

sa rooftop 5:00pm don't be late.

"what?! ang creepy sino kaya to?. hindi magandang biro to" kinabahan ako pero parang sabi ng utak ko pumunta ka para malaman mo kung sino yan.

"Uy may admirer siya kinikilig ako" kantyaw sakin ni Carina.

"kinikilig ka? oh ayan yung sulat ikaw pumunta" tinapon ko kay carina ang sulat.

waiting for the bells ring.

tik.tok.tik.tok the click is ticking 4:00 I have still an hour to decide wether to go or not to go.

pero parang gusto kong pumunta. pero pano pag pinagtritripan lang ako? tss bahala na nga.

4:30 tik tok tik tok tik tok

"heather, bakit parang hindi ka mapakali at tingin ka ng tingin sa relos mo?" biglang tanong ni Carina medyo nagulat ako.

"aha! alam ko na, pupunta ka sa rooftop mamayang 5, uy curious. kung sino ang admirer niya hahaha baka stalker" kantyaw niya sakin

"baliw ka? pinagiisipan ko maya rapin lang ako doon kawawa yung maganda kong katawan"

"bahala ka nga, kung ako sayo pupunta ko malay mo guwapong lalaki ayeee"

wala pang 5 dinismiss na kami. pinauna ko na si Carina umuwi.

"Carina una ka na hindi muna ako sasaby"

"sabi na nga ba eh, pupuntahan mo yun eh. sige goodluck sayo, tawagan mo na lang pag. sos na hahaha"

I have 5 mins more. papalakad na ako papintang rooftop, nagaalinlangan pero desidido na ako. bahala na kung pinagtritripan ako or what pero oo curious ako kung sino siya, parang iba ang nararamdaman ko. kung may mangyari sakin sige ako na tanga sa pagsulpot ko dun.

pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papaakyat ako ng papaakyat sa hagdanan papuntang rooftop. andyan na ito na to wala ng urungan.

pagdating ko sa rooftop wala namang tao, lumingon-lingon sa paligid. nilibot ang buong taas pero walang tao. 5 o'clock na , vaka napagtripan lang talaga ako. haist heather ang tanga tanga mo talaga.

umupo na lang ako sa isang gilid at nakayuko namay pagkainis dahil sa disisyon na ginawa ko.

"akala ko hindi ka pupunta." itinaas ko ang ulo ko para tignan kung sino ang nagsalita, baka siya na yung taong nagpapunta sakin dito.

"IKAW NANAMAN JOSE INIEGO COJUANCO?!" sabi ko na nga ba pinagttripan ako eh, ang tanga tanga ko talaga dapat hindi na ako tumuloy dito kung alam kong ikaw lang ang makikita ko, goodbye bahala ka na" buwisit siya lang pala makaalis na nga.

papaalis na ako ng bigla niyang hinwakan ang braso ko.

"saglit lang, mag sosorry lang ako sa nagawa ko nung nakaraang araw" habang nakahawak siya sa braso ko.

"sapat na nagsorry ka na nun kaya puwede ba tigilan mo na ko, ano pa bang gusto mo?"

"gusto ko lang maging memorable ang pag sosorry ko sayo"

"aba at bakit? dami mong alam tapos na yun goodbye na."

aalis na dapat ulit ako ng biglang hinatak niya ako papalapit sakanya. at sa pagkakataong ito malapit sa muka niya, matangkad siya ako tama lang ang taas kaya medyo naka tiptoe ako.

I can already smell his breathe sa sobrang lapit namin sa isa't isa, his eyes looking in my eyes na parang may gustong sabihin, his arms around my waist na parang ayaw na akong pakawalan. oh my, ano tong nararamdaman ko sa katawan ko, ang bilis ng tibok ng puso ko ilang minuto na kaming nakaganito, pero parang ayaw kumawala ng katawan ko sa pagkakaakap niya dito.

he whispered "sorry". isang kakaivang sorry ang ibinigay niya sakin bakit? anong meron?

hindi ko na mapigilan pa,para matapos na to tinulak ko siya papalayo, hindi ko alam anong nangyayari.

"ok na tama na ang sorry mo" ito lang ang nabigkas ng mga labi ko, ata agad ako umalis sa kinatatayuan ko tumakbo papalayo para makauwi na, at iniwan siyang nag iisa.

nakauwi na ko sa bahay, nakapag ayos na ko ng sarili ko at humiga na sa kama. pero parang lutang ang isip ko, hindi ko makalimutan ang mga nangyari ngayon, bakit? bakit niya gianawa yun? hindi ko siya maintindihan, pero parang gusto ng katawan ko ang nangyaring yun. grrrrr ano ba heather matulog ka na baliw lang yung lalaking yun kaya itigil mo na yan.

Unexpected Love (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon