Which do you prefer Ongoing or Complete?
Ako depende kung busy or hindi, pag pasukan Ongoing Anime ang pinapanuod ko bakit? kasi ang ongoing anime ay once a week lang nag lalabas ng isang episode so parang mas fit ito sa schedule ng mga studyante na busy sa pag-aaral or sa mga school activities. Pag ako kasi nanuod ng complete series/anime ep. may chance na hindi ko matapos kasi nga hindi kaya ng oras.
Ang pinaka ayaw ko lang sa Ongoing ay yung episode na bitin >.< i know na ongoing s'ya oo nga't may kasunod pa yung episode na yun but still mararamdaman mo yung excitement o yung inis kasi sobrang pangit ng pagkakaputol ng scene ("THE HELL WITH THIS EPISODE!!!") but for me ito yung isang factor na manunuod na ang bahala kung bibitawan n'ya yung anime kasi bitin or mas aabangan ang mga susunod na pangyayari because of its interesting plot.
Pag Bakasyon, katulad ngayon bakasyon wala masyadong ginagawa sa bahay nga-nga ka pag wala ka talagang plano, syempre mas prefer ko yung Complete kasi bakasyon naman eh wala kang masyadong ginagawa at ito din yung time kung saan ako mangyan pag dating ng ARAW yung tipong walang paki alam kung anong date o oras na XD.
Ang pinaka gusto ko sa complete ay yung hindi siya bitin, well it's still depend kung may season pang susunod. May mga tao talagang mas prefer ang complete yung hindi talaga sila nanunuod ng Ongoing anime hindi ko alam kung bakit pero siguro ayaw nilang nabibitin o gusto nila isang upuan lang tapos na. Aminin naman natin na may ganito talaga na isang upuan tapos ang isang season ng anime.
Ang disadvantage lang talaga ng Complete lalong lalo na kung ikaw ay isa sa mga mas prefer ang complete ^ base dun sa sinabi ko na hindi ka talaga nanunuod ng ongoing ay yung NAGKALAT sa NEWS FEED mo ang mga SPOILER (it depends) or SCENE ng dapat na anime na papanuodin mo, ASAN ANG THRILL DUN????!!!!!! hahahaha aba kung major SPOILER yung nabasa o nakita mo for example: o.O hindi ko ineexpect na magkapatid pala sila or T^T Ohh my gawd namatay si ganun si ganyan.. oh diba nakakatamad ng panuodin nawawala yung pinaka pasabog nong anime. (well depende tong disadvantage na eto, kung marami kang anime page na ni like sa FB at active lalo na sa mga ongoing that time aba talagang hindi maiiwasan yan)
So i guess mas prefer ko ang Complete bakit? ayaw kong nabibitin :D and i have my own reason :D
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
once again thank you for reading this topic, pwede po kayong mag request hindi po ako nangangain ng tao tska gustohin ko man imposible ang layo mo kaya alangan naman na lumabas ako sa screen ng laptop, computer or cellphone mo para kainin kita diba :D uy natawa s'ya hahahaha. Pag pasensyahan n'yo na po ako ^.^
BINABASA MO ANG
♣Usapang Anime♣
AcakDito puro Usapang Anime lang ^.^ Makaka tulong ito para mas lalo mong maindindihan ang mga taong nanunuod ng Anime. P.S. Pag nagkaroon po ako ng time baka magkaroon ng Anime Review dito :D