Chapter 5:SHE's MY CLASSMATE!

7 1 0
                                    

Xander's POV

Napasarap ang pagiisip ko nakalimutan ko na may pasok pala ako.Agad agad akong bumangon para magluto at kumain ng almusal,pagkatapos kumain naligo ng mabilis at nagbihis agad agad.agad agad akong bumaba para mahanda ang motor na gagamitin ko sa pagpasok,sumakay na ako agad agad baka sakaling makaabot pa ako.Pinaandar ko na agad agad at ginamit ko na din ang mga alam kong shortcut papuntang school ara makatipid sa oras.Pagkarating ko sa school naghanap muna ako ng pagpaparkan ng motor ko.Nang makahanap ako agad agad na akong naglakad ng mabilis papunta sa building kung nasaan ang room namin.Habang naglalakad ako may tumawag sa akin.

"Xander!!"malakas na sigaw galing sa malayo.lumingon ako at nakita ko si Zack na kumakain nanaman ng chitchiryang mahal na mahal niya.

" Baket Zack?hindi kapa papasok malalate na tayo"tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

"Hahah...wala si Sir.ngayon may pinuntahan siya,wala naman siyang iniwan na ipapagawa niya kaya tumambay nalang ako dito sa silong ng puno." Nakangiting sambit nito sa akin.

"Ganun ba?nga pala yung tatlo nasaan?

"Nasa room lang sila nakukwentuhan" sagot naman ulit sakin ni Zack.

"Sige Zack mauna na ako sayo" pag papaalam ko sa kanya.Dahil nalaman ko na wala kaming first subject chillax na akong naglakad papunta sa room.Habang naglalakad nagtext sa akin si Ben,dahil sa pagtetext hindi ko napansin ang babaeng pasalubong sa akin na madaming bitbit at nabangga ko ito.

"Sorry miss" paghingi ko ng paumanhin habang tinutulungan ko siya sa pagdampot ng mga bit bit niya.

"Ok lang" malumanay na sagot nito sa akin.

Habang tinutulungan ko siyang damputin yung mga gamit na nahulog hindi sinasadyang napatingin ako sa kanya,nakatingin din pala siya sa akin.

"Catherine,ikaw bayan?" Hindi ko siguradong tanong sa kaniya.

"Oo Xander ako to si Catherine" sagot niya sakin habang nakangiti ng napakaganda sa harap ko.

Ang ganda niya pala may maputing balat,hanggang balikat ang buhok,at mas lalong pinaganda siya ng kanyang mala anghel na ngiti.Natulala nalang ako ng makita ko siya dahil hindi ko inaasahan na ganun siya kaganda,hindi ko kasi masyadong napansin ang mukha niya noong una ko siyang nakita sa banteng room dahil nakayuko lang siya tanging napansin ko lang ang mga pasa sa mukha niya na ngayon ay wala na.

"Xander,huy?"paggising nito ng atensiyon ko dahil natulala ako sa kaniyang mukha.

" Sorry hehe.."nahihiya kong sabi sa kaniya.dahil pinagtitinginan na din kami ng ibang mga istudyante.

Pagkatapos namin madampot lahat ng gamit na laglag ko tinanong ko siya"Uhm san nga pala punta mo?" tanong ko sa kanya.

"Inutusan kasi ako na dalahin ang mga gamit na ito sa office" tanging sagot niya.

"Ano!itong mga gamit na ito pinadala nila sayo diba dapat lalake gumagawa niyan!?"nagulat siya dahil sa Pagtaas ng boses ko dahil sa narinig ko,dahilan na din ng pagtingin ulit ng tao sa akin(famous na akoXD).

" ahm sorry Catherine."paghingi ko ng paumanhin dahil sa pagtaas ng boses ko.

"Ayos lang.hehe.tsaka Cath nalang itawag mo sa akin para hindi masyadong mahaba"masayang sabi nito sa akin.

Ako na nagbitbit ng mga dala dala niya papunta sa office.pagkatapos namin ihatid ang mga gamit........" Cath ano nga pala section mo ngayon?"tanong ko sa kaniya.

"Section 2 ako ngayon" nagulat ako sa sinabi niya dahil kaklase ko pala siya.

"Parehas tayo ng section Cath haha..akalain mo nga naman." Natutuwang sabi ko sa kaniya.

HIGH SCHOOL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon