Chapter 6:BESTFRIENDS

4 2 0
                                    

Zack's POV

Napansin ko iba ang saya ni Xander ngayon mula ng makilala niya si Catherine,kaso pakiramdam ko itinatago ni Xander yung nararamdaman niya para kay Catherine.Kung ako sa kanya dapat sabihin na niya habang maaga pa yung nararamdaman niya baka sa huli mauna pa siya,"Uy Zack ang lalim ata ng iniisip mo?"tanong sa akin ni Kurt..Naglalakad kami ngayon papunta sa Canteen,kasama ko itong tatlong to na abot langit ang ngiti dahil sa pera na binigay ni Xander sa kanila.

"Mga ugok talaga kayo lakas niyo mamburaot kay Xander."

"Ehh..hahaha...ayaw mo yun kasama ka naman na dito sa binigay niya" sagot ni Kurt sa akin habang tila hindi na maalis ang ngiti na nasa mukha niya.

"Oo nga Zack kasama ka naman na dito kaya kalma kalang diba Zedd?" Sagot naman ni Charles.Si Zedd naman tumango lang dahil nagbabasa ng pocket book niya.

"Nice ngayon lang ata kita nakitang ganyan Zedd?Di kaya inspired kaden?" Pang aasar ko sa kaniya.

Maya maya pa narating na namin ang canteen.sumalubong nanaman sa amin ang kalitwat kanang bulungan tungkol sa amin.

"Nandiyan na sila ang badboy" narinig kong sabi ng isang babae.

"Grabe ang gwapo talaga nila,"wag niyong aagawin si Zack baby ko sa akin"sabi ng isang babae sa kaniyang kaibigan,

"Sayo nayang Zack mo kay Zedrick ako," sabi naman ng isang babae "mas gwapo si Charles"kontra naman ng isa" Bat wala ata si papa Xander ko"nagtatakang tanong naman ng isa."Si babe Kurt ang sa akin"sabi naman ng isang babae.

"Aba letche mga dude para tayong mga pagkain pinaghahatihatian tayo!" Inis na sabi ni kurt...kunwari pato gusto naman..

"Hay naku mga dude masanay na kayo.hahaha.." Pabirong sabi ko nalang sa kanila dahil bakas sa kanila ang irita dahil sa ingay.

Pagkatapos nun bumi na kami ng mga pagkain namin at umupo na sa bakanteng upuan para kumain."Nice Zack hindi ka ata nag potato chips ngayon?"pang aasar na tanong ni Kurt sa akin.

"Ugok ngayon lang baka kasi magkasakit na ako sa bato nito"sagot ko sa kaniya sabay batok.

"Aray!!" Daing ni Kurt habang hinahagod ang batok niya.

Nagtataka kami bat wala pa si Xander at si Catherin dito ilang minuto na nakalipas mula ng sinundan niya si Catherine para tanungin kung pwede sumabay sa pagkain.Habang nagkukwentuhan kami bigla nalang dumating si Kristine.

"Zack,Kurt,Zedrick,Charles si Xander ayaw magpapigil nagsuntukan sila ni Jake pero kahit hindi na makalaban si Jake tuloy tuloy parin siya sa pagsuntok nandun sila ngayon sa garden." Natatarantang sabi samin ni Kristine.

Agad agad na kaming tumayo at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila Xander pero bago yun itong Kurt nakuha pang kindatan si Kristine bago umalis."Gag* ka Kurt hindi oras ng landian ngayon!!"pasigaw na sabi ko sa kaniya."kindat lang naman Zack..hehe pasensiya na"pagpapaliwanag nito at paghingi ng pasensiya.."Tara na guys!!!salamat Kristine"wika ko bago kami umalis.

***********

Pagkarating namin agad akong napatingin kay Catherine na tila tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata dahil hindi niya mapigilan si Xander kahit anong pakiusap niya ay ayaw parin tumigil ni Xander sa pagsuntok kay Jake.Dahil doon agad akong naglakad papalapit kila Xander.

"Teka Zack anong gagawin mo!!??" Nauutal utal na tanong nila Kurt dahil nakita nilang inamba ko ang paa ko kay Xander para sipain ito.

"Huwag niyo akong pipigilan!!" Sigaw ko sa kanila at itinuloy ko ang pagsipa ko kay Xander dahilan para tumalsik siya.Agad agad naman itinayo nila Kurt si Xander at pinadala ko na sa ospital kasama si Jake.

"Zack bakit mo ginawa yun kay Xander!!!??" Sigaw ni Catherine sa akin.

"Catherine pasensiya na may ugali kasi si Xander na hindi mo mapipigilan kapag nawawala siya sa sarili dahil sa sobrang galit niya.Pero buti nalang ngayon hindi na gaano kalala yun.Dahil noon muntik na siyang makapatay dahil sa galit niya sa taong yun,kaya pasensiya na sa nagawa ko kay Xander Catherine mauunawaan naman ni Xander ito." Pagpapaliwanag ko kay Catherine at tumalikod na sakaniya upang umalis.

"Zack?" Pagtawag ni Catherine sa akin."Pasensiya na sa kung tumaas boses ko,Salamat"tanging sambit niya sa akin bago ako umalis.Nababakas ko parin sa kaniya ang kalungkutan.

"Puntahan mo si Xander" tanging sambit ko bago ako tuluyang umalis.

***********

Xander's POV

"Ang sakit ng katawan ko bat hindi ko maigalaw teka nasaan ba ako ngayon?"tanong ko sa aking sarili.Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko unti unti may naaninag akong isang mukha ng babae." Cath?"tanging tanong ko.

"Buti naman at gising kana" natutuwang sambit nito sa akin habang nakayakap. "Kasalanan ko ito!!" Pagsisisi nitohabang tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha niya sa kaniyang mukha.

"Cath wala kang kasalanan dito,kung meron man ay ako dahil napag alala kita"pagyakap ko din sa kaniya upang gumaan ang kaniyang kalooban.

" Salamat Xander dahil dumating ka dahil pinagtanggol mo ako kay Jake"

"Jake!!?" Pagkagulat ko.

"Oo Xander siya yung ex ko na kaaway mo kanina si Jake."tanging sagot niya

Hindi ako makapaniwala na si Jake pala ang nakaaway ko kanina.Dapat lang sa kaniya yun dahil hindi siya marunong magtrato ng maayos sa babae.tanging sabi ko nalang sa aking sarili.

Maya maya pa ay dumating na ang apat kong kaibigan at nanghingi nadin ng pasensiya sa akong si Zack..naiintindihan ko naman yung ginawa niya.ginawa niya lang naman yung upang mapigilan ako.

" Xander!!! Naku dude buti ok kalang" masayang pagsalubong nila sa akin.

"Good news dude makakalabas kana mamaya kaya pwede kana ulit makipag suntukan.joke" pabirong sabi ni Kurt.

"Loko to!!ikaw ulit ang nagbibigay ng masamang impluwensiya kay Xander ehh.."sigaw ni Zack.

" huwag nga kayong maingay!!"sigaw ni Zedd dahil ayaw maistorbo sa pagbabasa niya ng pocketbook.

" hahahha...Catherine pagpasensiyahan mo nalang yang dalawang yan ganiyan talaga yan masanay kana"pagpapaliwanag ni Charles kay Catherine.

"Oo nga..haha"pagsang ayon naman ni Zedd kay Charles.

" magkamukha kayo ni Zedd magkapatid ba kayo?"tanong ni Catherine dito.

"Hinde kami magkapatid hahaha..mas gwapo kaya ako.hehe.." pagmamalaki naman ni Charles.

"Hahahahhahahahah..." Napuno ng tawanan ang kuwarto ko dahil sa mga ito.Itong mga to talaga ang nagpapasaya sa akin dahil kahit isa sa amin hindi iniiwan kahit ano pang mga problemang dumadating.

************

Thank you very mats mats for reading po..........godbless po guys.😊😊😊















HIGH SCHOOL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon