Chapter 9:Catherine

5 1 0
                                    

Cath's POV

Nahahalata na kaya ni Xander na may gusto ako sa kaniya?sana naman hindi, kasi natatakot ako,natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan namin.

*Earlier*

"Syempre ganun talaga kapag mahal mo"narinig kaya ni Xander itong binulong ko kanina habang kasama ko siya?

*now*

Ito ang mga salitang tumatakbo sa isip ko habang naglalakad ako pauwi.katatapos lang namin kumain sa seafood restaurant kasama sila Xander.Hindi na ako nakasabay sa kanila dahil may pupuntahan pa silang isang kaibigan nila.Hindi nila nakukwento sakin na meron pa pala silang isang kaibigan.alas otso na pala kami natapos kumain hindi ko namalayan ang oras.Dahil sa pagiisip muntik na akong lumagpas sa bahay namin.

"Nandito napo ako" wika ko pagpasok ng bahay.agad kong tinunton ang sala para magmano kila mama at papa."godblesss anak"wika naman nila.

"Bat ginabi ka ata ngayon?" Tanong nila sa akin.

"Ano po kase ehh..nagyaya po na kumain sa labas ang mga kaibigan ko" sagot ko sa kanila at nagpaalam na ako para pumasok sa kuwarto ko.

*past*(3 year's)

"Catherine!?"

"B-baket Kim?" Natatakang tanong ko na tila nataranta pa ako dahil sa nagulat ako.

"Samahan mo naman ako maglunch ohh.."tila nagmamakaawang sambit nito.Si Kim kasi ang unang kaibigan ko noong first day of class namen nitong first year.Maganda si Kim,maputi,friendly,masayahin,lagi siyang naka ponytail na tali,at minsan ay may pagkakalog.

Oo nga pala nakaenroll ako ngayon dito sa Martinez National High School dahil malapit lang naman ang bahay namin dito.

"Oo naman wala din naman akong kasabay maglunch ngayon ehh.." Sagot ko habang inililigpit ko ang gamit ko.

"Sabi na ngaba di moko matitiis bes ehh.." Natutuwang sambit nito na tila tumalon na sa tuwa.Si Kim kasi ay medyo may pagka isip bata pa..pero i think it's normal dahil first year palang naman kami fresh from elementery ang mind namin.

"Tama na yang pang aamo mo sakin bes tara na baka lalong humaba pa yung pila" sagot ko sa kaniya na habang nagpipigil ng tawa dahil para talaga siyang bata kanina.

Naglakad na kami papuntang foodcourt para kumain.pagdating namin dun ay wala namang masyadong taong nakapila kaya nakabili kami agad."Cathy dun na tayo sa garden kumain"excited na paanyaya ni Kim sa aken.

"Ahm.sige" natataka kong sagot dahil nakaupo.na ako para kumain.

Naglakad na kami papuntang garden pagdating namin sa garden ay may nakita kaming mga estudyante na nagkukumpulan.Maya maya pa ay may isang lalaking tumatakbo"habulin moko panot!!"sigaw nito habang may hawak hawak na itim na bagay.dahil sa bilis ng takbo niya at dahil nakatingin siya sa likod di niya napansin si Kim dahilan kaya nabunggo niya ito at natumba silang dalawa.

"Aray ano ba hindi mo ba tinitingnan dinadaanan mo!!" Galit na sigaw ni Kim sa lalake dahil natapon din ang pagkain niya at nakadagan pa ito sa kaniya.

"Sorry miss" tanging sambit ng lalake at agad na tumayo para itayo si Kim.Tila nawala ang galit ni Kim ng makita niya ang mukha ng lalake dahil ang gwapo nito ang ganda din ng pangangatawan niya at matangkad ito.

"Ahm miss eto ohh sorry ulet ahh.." May inabot ang lalake bago  umalis.Agad na tumakbo ang lalake dahil malapit na siyang mahuli ng principal namin.

"Ahm Kim halika na" nagaalangang yaya ko sa kaniya dahil hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"Kim?" Bungad ko sa harapa niya sa wakas natauhan nadin.

"Bes." Tipid nitong tawag.

"Ano yun bes nasaktan kaba tara punta tayo sa clinic." Anyaya ko dahil baka nasugatan siya sa pagbagsak niga kanina.

"Hindi bes."

"Ano pala bes?" Nagaalangang tanong ko.

"Ampogi niya!!!!" Kinikilig na sambit nito habang yakap yakap ang binigay ng lalake kanina.sandwich na napitpit na dahil siguro sa pagkakabagsak kanina.

"Ampogi ni Kurt Santiago!!" Sigaw nito at ako naman nagtataka ako kung pano niya nalaman ang pangalan nito dahil hindi ko naman narinig na nagpakilala ito sa kaniya.

"Pano mo naman nalaman pangalan niya bes?" Natatakang tanong ko kay Kim.

"Oh my gosh bes dahil sa pagkakabagsak namin kanina habang tinutulungan niya akong tumayo napatingin ako sa ID niya." Kinikilig na wika nito sa akin.Ngayon ko lang nalaman na may pagka ano din pala to si Kim.hehhe..

"Bes pwede share nalang tayo diyan sa foods mo ayaw ko kainin tong binigay ni prince Kurt ko ehh" wika nito habang nagpapacute pa.

"Sige na nga bes" sambit ko.Pasalamat ka kaibigan kita..XD sabay na kaming kumain sa iisang pagkain.

Habang kumakain nagkwento si Kim kung ano ang pakiramdam niya nung natumba sila nung Kurt at sinabi niya din sa akin yung nakita kong hawak na itim na bagay ni kurt kanina.Yun pala ang wig ng principal namin.Nakawig lang pala ang principal namin.Dahil doon nagtatawanan tuloy kami ni Kim habang kumakain.

Lumipas ang oras at natapos na ang lunchbreak namin agad na kaming naglakad papuntang class room pero bago yun nagpaalam muna sa akin si Kim na mag ccr siya kaya pinauna na niya ako maglakad papuntang room.habang naglalakad ako ay ginagamit ko ang phone ko,hindi ko napansin ang dalawang lalakeng naglalakad.Ang isa ay kumakain ng chitchirya ang isa naman ay nagbabasa ng manga.Dahil parehas kaming busy nakabangga ko ang lalakeng nagbabasa ng manga.

"Ayy sorry miss" paghingi nito ng paumanhin.

"Sorry din kasi busy ako sa pagtetext ehh.." Pahingi ko naman ng paumanhin.

"Huwag kana mag sorry miss ako may kasalanan di kita nakita"May itsura itong lalakeng to pati yung kasama.niya, mabait siya maamo ang mukha niya at parang tahimik siyang klase ng tao.

"Zedd tara na nagugutom nako" narinig kong tawag ng kasama niya kaya nagpaalam na ito sa akin.

"Sige pala miss mauna na kami at nagugutom nanaman tong kasama ko." Pagbibiro nito bago magpaalam.

Ambait niya tsaka Zedd?yun yung pangalan niya antipid naman.Pagkatapos ng pangyayaring iyon nagulat akk dahil may biglang kumalabjt sa akin.

"Bes andiyan kapa rin kala ko nauna kana?" Si Kim pala na naabutan pa akong naglalakad palang papuntang class room.

"May dinaanan pa kase ako ehh" palusot ko nalang.Patuloy na kaming naglakad.

Pagkarating namin sa classroom 10 mins pa before next subject namin ng panghapon kaya naririnig pa naming nagkukwentuhan ang mga kaklase namin.

"Uyy alam niyo ba yung isang member ng Badboys yung makulit,kinuha daw  yung wig ng principal natin.?"

"Oo nga ehh..hahaha...nakawig lang pala si Sir.Martin" natatawang sagot ng mga kaklase namin.

Nagtataka ako sa narinig ko"bad boys?"may grupo dito sa school?binaling ko ang tingin ko kay Kim para sana tanungin kung may naririnig siya tungkol sa grupo na iyon,kaso busy siyang yakapin ang sandwich na binigay nung Kurt kanina.

Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin kaya inayos na namin ang mga sarili namin.Habang nagtuturo ang teacher namin iniisip mo parjn ang grupong badboys dito sa school."sino kaya sila?"tanong ko sa aking sarili.

*****************
Sino pa kaya ang sunod na mababangga ni Cath?just wait sa part 2.XD

Yes update nanaman!!sinipag is me.😂

Thank you for reading po.












HIGH SCHOOL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon