Chapter 8:True feelings??

4 2 0
                                    

Zack's POV

"Hindi ako makapaniwala sa napanood kong laban ng dalawang ito,ganito pala ang lakas na binibigay nila sa paglalaro ng basketball."

Ito ang mga salitang tumatakbo sa isip ko habang sinasariwa ang laban nina Xander at Kurt na napanood ko.Dali dali akong pumunta sa knila upang batiin sila dahil sa isang maganda laban na nagawa nila.

"Xander,Kurt congrats sa magandang laban niyo" pagbati ko sa kanila.

"Salamat Zack" nakangiting tugon ni Xander sa akin.

"Kurt di ka manlang magpapasa lamat kay Zack sa pag bati niya?" Natatakang tanong ni Xander dahil tila sinasariwa parin ni Kurt ang pagkatalo niya.

"Uhhh......sa....salamat Zack" pautal utal na sagot nito.

Inakbayan ko nalang siya upang bigyan ng lakas ng loob "Hahaha.....ayusin mo nga yang mukha mo" pang aasar ko nalang sa kaniya upang hindi na maging malungkot sa pagkatalo niya.

"Alam niyo kahit natalo ang isa sa inyo dapat maging masaya parin kayo.Dahil ang importante lumaban kayo.Parang pagibig yan na kahit hindi maging kayo ang importante ipinaglaban mo ang nararamdaman mo para sa kaniya.hahaha.."pagbibiro ko sa kanila.(dami alam humugot pa XD).

"Oo nga pala saan na si Cath?" Tanong ni Xander.

"Sabi niya pupunta lang siya sa swing para magpahangin muna" sagot ni zedd habang nagbabasa.

"Aba aba nagiging book worm na siya,baka naman mas matalino kana kay Zack niyan?singit naman ni Charles.

"Sige pala guys sundan kona muna si Cath" pag papa alam ni Xander.

***************
Xander's POV

Agad akong pumunta sa tabi ng court kung nasaan meron swing at doon ko nakita si Cath na tila sinasariwa ang paghaplos.ng hangin sa kaniyang balat.Agad akong lumapit sa kaniyang likod at tinakpan ng aking dalawang kamay ang kaniyang mata.Imbis na kumawala sa pagkakatakip ng kaniyang mata sinabi niya agad ang aking pangalan."Xander ikaw yan"naggulat ako dahil kilala na niya ako na parang antagal na naming magkasama."anggaling mo naman Cath pano mo nalaman na ako yun?"natatakang tanong ko.

"Syempre naman ganun talaga kapag.......(.....pabulong....)"nakaiwas na tingin na sambit niya.

"Ano hindi ko narinig yung sinabi mo?"

"Sabi ko ganun talaga kapag basketball player amoy rubber pa kaya yung kamay mo dahil sa bola"

Nagtataka ako sa sinabi niyang yun dahil hindi lang naman ako ang naglaro ng basketball ngayon pwedeng si Kurt..

"Pwede ba akong tumabi sayo?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mata.

"Oo naman"nakangiti niyang sabi.

Umupo na ako sa kabilang swing upang tabihan siya.Pansamantalang nabalot ng katahimikan ang paligid ng bigla kaming nagkatinginan."Cath?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Baket Xander?"

"Ano kase........"(Xander)

"Ano ba Xander baka masira pagkakaibigan niyo ni Cath!!"tila.nagugulo ako kung sasabihin koba o hindi muna.

" Uhmmm Xander...ano yun?" natataka ng tanong nito sa akin.

"Cath salamat nga pala sa pagsuporta sa laban namin kanina" pag iba ko nalang sa aking sasabihin.

"Your welcome" sabay ngiti sa akin.Bat ganun parang huminto ang ikot ng mundo at tila bumilis ang tibok ng puso ko dahilsa ngiti niya nayun.Inlove naba ako sa kaniya?nararamdaman din kaya ni Cath yung feelings ko.?

"Wag mo nga akong ngitian ng ganiyan,sige ka mainlove ako sayo niyan" pabirong sabi ko sa kaniya.dahilan ng pagtawa niya.

"Loko ka talaga Xander" natatawang sambit niya.

Habang nagtatawanan kaming dalawa nabaling ang tingin namin sa dalawang batang umiiyak.Agad kaming lumapit upang tanungin kung anong nangyari."Mga bata bat kayo umiiyak?" Maamong tanong ni Cath sa kanila.Mas ayos na na si cath ang magtanong sa kanila baka kase mas lalong umiyak kapag ako ang nagtanong sa mga bata.

"Y-un-g lar-uan po na-min at-e"putol putol sa sabi ng bata sabay turo sa puno.

" yung saranggola ba?"(cath)

"Opo ate." Sagot ng bata.

"Ako ng kukuha kaya wag na kayong umiyak" nakangiting sabi ko.

Agad na akong umakyat ng puno para kunin yung sarrangola.Medyo mahirap alisin dahil sa pagkabuhol buhol ng mga sinulid sa mga sanga.Hindi ko na din naririnig na umiiyak ang mga bata dahil pinapatahan na ito ni Cath.Makalipas ang ilang minuto natanggal ko na sa pag kakabuhol ang sinulid at agad na bumaba sa puno.

"O mga bata" inabot ko na sa kanila ang kanilang laruan.Hindi mapinta ang saya sa kanila dahil dito.

"Salamat po kuyang cute at ateng maganda" sabi ng isang bata..

"Aba nambola pa kayo ahh..?" Pabirong sabi ni Cath.

"Cath,mga bata gusto niyong ice cream?" Pag aalok ko sa kanila..

"Opo kuya" masayang sigaw ng dalawang bata..Agad na kaming pumunta kay manong upang bumili ng ice cream.Pagkabili namin naupo muna kami sa ilalim ng puno ulang kumain at magkwentuhan.

"Ivan,Romeo dito ko lang pala kayo mahahanap jusko kaykng bata kayo pinapakaba niyo ako." Sigaw ng nag aalala nilang nanay.
Agad itong lumapit para yakapin ang dalawang anak.

"Huwag na ulit kayo aalis ng bahay ng walang paalam" naluluhang wika ng nanay sa kaniyang anak.

"Nay tinulungan po kami nila ate ganda at kuyang cute na kunin yung laruan namin na sumabit sa puno" wika ng dalawa.

"Naku salamat sa inyong dalawa ahh..pasensiya nadin kung naabala kayo ng dalawang to"pagpapasalamat ng kanilang nanay.

"Wala po yun nay binigyan naman po nila kami ng saya"nakangiting wika ko sa kanila.

"O sige na pala mauna na kami at palubog na ang araw" pagpapaalam na ng nanay.

"Sige po nay mag ingat po kayo." (Cath)

"Bye po ate kuya" pag papa alam na ng dalawang bata.

Umalis na ang magiina dahil palubog na ang araw.Sabay nadin ang pagdating nila Zack.

"Uyy...ano yun Xander para kayong mag asawa ni Cath kanina ahh??" Tanong ni Kurt na parang nang aasar nanaman.Si Cath naman napa yuko nalang dahil parang nahihiya sa tanong ni Kurt

"Siraulo ka talaga Kurt nakakahiya kay Cath ohh" nabatukan ko siya dahil sa nasabi niya.

Loko na Kurt to tsimoso pala nakita pala kami kanina.

"Nagugutom na kami" reklamo nila Charles at Zedd.

"Kayo talaga...ohh sige dahil natuwa ako sa game nila Xander at Kurt sagot ko kayo tara kain na tayo"pang aalok ni Zack

Agad na kaming naglakad sa malapit na kainan para kumain.hindi ko makakalimutan tong araw nato dahil nakasama ko si Cath ng matagal.<3

*****************

Hi sobrang sorry dahil tagal ko bago nakapag update bukod sa busy sa school tinatamad pa si author minsan.XD.

Thank you for reading po.

HIGH SCHOOL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon