Chapter 10:Catherine(part 2)

5 1 0
                                    

Cath's POV

Mabilis ang paglipas ng oras natapos na ang klase namin.Agad ko ng niligpit ang gamit ko,habang nagaayos ng gamit lumapit sa akin si Kim.

"Bes pwede ba ako sumabay sayo?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman baket hindi tsaka lagi naman tayong magkasabay diba?" Nakangiti kong sagot.Lagi kaming magkasabay umuwi dahil ilang kanto lang naman ang pagitan ng bahay nila sa amin.Pero mas nauuna siyang humiwalay sa dahil mas una ang kanto papunta sa kanilang bahay.

Pagkatapos kong iligpit ang gamit ko agad na kaming lumabas ng classroom at naglakad.Habang naglalakad naalala kong itanong kay Kim kung alam niya ba ang tungkol sa grupo dito sa school namin.

"Ahm..kim?"

"Baket bes?"

"May alam kaba o naririnig about sa grupo dito sa school?"

Napahinto si Kim saglit para alalahanin kung may narinig ba siya tungkol sa grupo na badboys dito sa school."Ang pagkakaalala ko narinig ko yun noong nagpunta ako sa library para magbasa,tapos narinig kong nagbubulungan yung mga ibang estudyante.Ang pagkakaalala ko grupo daw yun ng anim na lalake na laging naghahatid ng gulo dito sa school."

"Yun lang naalala ko bes ehh"

Napaisip ako sa sinabi na iyon ni Kim dahil baka nakakasalubong na namin ang grupong iyon di pa namin napapansin.

"Teka lang bes bat parang interesado kang malaman ang grupong iyon?" Tanong ni Kim.

"Ahm wala bes nacurious lang ako" sagot ko nalang.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad namin hanggang sa maghiwalay na kami."bye bes ingat" paalam namin sa isa't isa.

Pagkarating ko sa bahay pumunta na ako sa kwarto para gumawa ng mga assignments,wala pa sila mama at papa dahil nasa trabaho pa sila.Busy sila sa pag aasikaso sa flower shop namin.Pagkatapos kong gumawa ng assignment kumain nalang ako ng tinapay dahil busog pa naman ako.habang kumakain ng tinapay nagrereview ako para sa quiz namin bukas.Nang makaramdam ng antok natulog na ako dahil maaga pa akong gigising bukas para sa paghahanda sa pagpasok.

*krinnnnggggg*

Agad na akong bumangon para maghanda sa pagpasok ko sa school.Pagkatapos ay nag paalam na ako kila mama at papa.

"Ma,Pa alis napo ako"

"Sige anak magiingat ka"

Pagkalabas ko ng bahay agad na akong naglakad papalabas ng street namin.Pagkalabas ng street namin nagtric na ako para maaga ako makapasok sa school para nakapaghanda para sa quiz.Pagdating sa school inabot kona ang bayad ko kay manong driver pagkababa.

Pagpasok ko sa gate nabaling ang tingin ko sa isang lalakeng nakaupo sa waiting area parang familiar ang mukha niya sa akin."Si Zedd"pagkaka alala ko.Agad akong lumapit upang batiin siya ng goodmorning.

"Goodmorning Zedd" bati ko sa kaniya.nagtataka ako dahil parang nakatingin ito sa akin na parang nagtataka din.

"Ahm..miss mali po ata kayo ng binati hindi po ako si Zedd pero kaibigan kopo si Zedd." Pag papaliwanag nito.

"Ahh..ehh sorry po." Nahihiyang sabi ko dahil sa pagaakalang si Zedd yun.Buti nalang magkaibigan sila kaya di masyadong nakakahiya.

"Ok lang miss madami ding nalilito sa amin ni Zedd kala nga nila kambal kami kasi magkamukhang magkamukha kami.Kahit kaibigan namin minsan nalilito din" pagkukwento nito.Kamukha niya talaga si Zedd para silang magkapatid ang napansin kolang may nunal si Zedd sa baba ng kaliwang mata.

"By the way miss Charles nga po pala nice to meet you" Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay para makipagkamay.

"Im Catherine nice to meet you din" nakangiti ko namang sagot kahit na nahihiya parin ako dahil kala ko si Zedd yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIGH SCHOOL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon