meet khalil

15 0 0
                                    

khalil's POV

umpisahan natin ng maayos, sa pagkakaalam ko kasi nagmukha akong kabute sa storyang na bigla na lang sumulpot na hindi man lang pinapakilala ni miss author..(grabe ka naman khalil, nakalimutan ko lang naman)

akalain niyo yun? sa gwapo kong to, nakalimutan akong ipakilala ni miss author..(pwede bang magsorry? ha? pwede?..) maibabalik pa ba ng sorry mo yung nasayang na oras para makilala ako ng readers? (grabe ka na ah, eh kung tuluyan na kaya kitang tanggalin dito?) miss. author naman nagddrama lang naman ako, joke lang yun, kaw naman.. (aist! magpakilala ka na nga)

magpakilala na daw ako..

im khalil christopher.. i thank you.... bow!.......

joke lang, eto na talaga.. seryoso na talaga to! magpapakilala na talaga ako... eto na talaga...

k- stands for kite pero di ko pangalan yun, (tutcha khalil! iayos mo!) oo na miss author, atat..

fine!... kainit lang ng ulo.... by the way highway, im khalil christopher yuan Lazaro, only child, 18 pa lang ako pero ako na nagpapatakbo ng resort ko, oo akin yun, sarili kong business, pero pangarap ko din magkaroon ng mall kaso inaayos ko muna tong resort..

gwapo ako, at kaibigan ako si glenn, pareho kaming habulin ng babae pero ako lang talaga playboy.. hahaha... si glenn kasi hanggang ngiti at hi lang yan sa mga babae, hahaha..

okey, alam kong nagiisip kayo kung bakit ako playboy? tama kayo lahat ng playboy may dahilan... oo na, may nakilala akong babae dati pa, naging kami pero takte lang iniwan ako para sa iba, at ang masakit pa dun pinagpustahan lang pala ako ng totoong boyfriend niya, oh di ba ang saya lang ng buhay ko pero kahit ganon minahal ko siya ng totoo kaya eto kung sino sino na ang dinedate ko basta gusto, wala akong paki alam, bahala sila masaktan tutal sinaktan din naman niya ko..

akala ko kasi talaga siya na yung papalit sa unang babaeng minahal ko pero mali pa.. oo na aamin na ko may isang babae o sabihin na nating bata (child abuse ka khalil!) sandali! patapusin mo muna ko.. ganito kasi yun bata pa ko nun, may pinuntahan kaming party, tapos may batang babae akong nakita, ang ganda ganda niya, lalo na kapag nakangiti siya, napaka bait niya, halos lahat ng batang lalake nun crush siya..

minsan nagpunta kami nila mama sa bahay nila, hanggang naging kalaro ko siya, lagi ko siyang inaasar kasi yun lang ang way ko para mapalapit sa kanya, nahihiya talaga ako sa kanya.. hanggang isang araw nagkita kami sa isang party tapos may batang babae na humabol sakin at sinabing boyfriend niya ko, at dahil ayaw ko sa kanya sinabing kong may girlfriend na ko, nung ayaw niyang maniwala hinatak ko yung batang crush ko tapos hinalikan ko sa pisngi, tapos nagtatakbong umiiyak yung bata, pagtingin ko sa crush ko gulat pa din reaksyon niya tapos tumakbo siya papunta sa kuya niya, natapos yung party na hindi ko man lang siya nakausap, hanggang nalaman ko na farewell party pala nila yun dahil lilipat na sila sa canada..

mula nun hanggang ngayon hinihintay ko pa din siya, hindi ko alam kung sino siya ang alam ko lang princess name niya kasi yun ang tawag sa kanya ng kuya niya at magulang niya, basta alam ko isa siyang mercado,

pusa ano ba to?! ang drama ko!... well, back to present tayo..

so ayun nga,sino na nga ulit usapan natin? ahmm.. ah, si jc, pakiramdam ko may nagbago sakin mula nung nakita ko si jc sa mall.. oo nakita ko sila nung kaibigan niya na sumusunod sa amin nung dalawang batang kasama ko.. tanda niyo pa ba? dun ko siya unang nakita pakiramdam ko nakita ko na siya dati pa, tipong nakausap ko na pero di ko alam kung saan at kailan..

lumabas ako ng cottage at naglakad lakad sa tabing dagat hanggang may narinig akong kakaiba...

JC's POV

okey, spell bored!!!...

J-C... oh di ako na! ako na talaga ang bored!... anong ginagawa kapag bored?!!

eh di yun, naglalakad lakad sa labas... so, lumabas ang lola niyo at naglakad sa tabing dagat, nilagay ko headset ko sa isang tenga ko tapos yung isa wala, syempre kapag may biglang lumapit maririnig ko kaagad.. nakinig na lang ako ng music habang nakaupo sa buhangin...

at sa hindi inaaasahang pagkakataon nadala ako sa aking pinapakinggan at napakanta ang lola niyo....

There I was an empty piece of a shell,

Just mindin' my own world;

Without even knowin' what love and life were all about.

Then you came,

You brought me out of the shell;

You gave the world to me

And before I knew,

There I was so in love with you.

You gave me a reason for my being

And I love what I'm feelin'

You gave me a meaning to my life,

Yes, I've gone beyond existing

And it all began when I met you.

khalil: ang ganda pala ng boses mo...^__^

jc: ay kabute!

walangjo!.. pakiramdam ko nahulog ang puso ko sa sobrang gulat! bakit ba kasi bigla bigla na lang sumusulpot tong lalakeng to!..

khalil: hahahaha... gwapo ko namang kabute..whahaha...

jc: tawa mo dinig hanggang kabilang isla..

khalil: grabe ka naman... magugulatin ka pala?

jc: sinong ba kasing hindi magugulat sa ginawa mo?..

khalil: sorry naman, ganda pala ng boses mo..

jc: salamat pero wala akong panlibre sayo..

pagkasabi ko nun biglang may dumaan na tatlong babae..

girl1/2/3: hi!(kaway kay khalil)*___*

khalil: oh hi!^___^

girl1: wanna join us? sa bar lang...

habang kinakausap siya nung tatlo dahan dahan akong tumayo at nag exit.. naku, mahirap na noh, baka makahanap ako ng kaaway dito..

Khalil's POV

khalil: oh girls, i want to kaso baka magalit kasi tong girl... (haharap kay jc)

nak ng tokneneng! asan na yun?!

girl1: iniwan ka na kaya sumama ka na lang samin...

khalil: ha? eh? sige girls puntahan ko muna siya...

pagkasabi ko nun bigla na lang akong tumayo at hinanap si jc, baka nagalit yun ah, kasi naman tong mga babaeng to bigla bigla na lang sumusulpot.. asan na ba kasi yun?!

jeremy:(akbay kay khalil) oops! teka bro, sinong hinahanap mo?

glenn: pumasok na siya sa loob bro, teka, care to explain anong nangyayari sa isang khalil christopher at hindi mo yata pinansin yung tatlong babae kanina?!

khalil: nakakairita sila..

jeremy: woah! may lagnat ka bro?! hindi ikaw yan!..

glenn: ikaw ba talaga yan?!!!

khalil: aist! tigilan niyo nga ko!

bwusit na mga to! kung ano anong pinagsasabi!...

glenn: mukhang nawawala na yata yung charms mo bro ah...

jeremy: hindi naman tol, hindi lang talaga tumatalab kay jc.. hahahaha...

khalil: tigilan niyo nga ko!

glenn: i'll bet my ferrari tol, in a month make her your girl...

jeremy: ill bet my big bike with that...

khalil: call! make sure na maayos yang mga makina ng mga wheels niyo... ill bet my mazda...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

past =present, may future kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon