<khalil>
khalil: kumain ka nga ng kumain, tawa ka naman ng tawa eh
jc: nakakatawa hahahaha kaya sila,
glen: jeremy, baby eto pa oh.. ahhh na dali...
jeremy: ahhh... glen baby naman eh, masyado mong sinusubo pati kutsara, hindi ko madidigest yan
jc: hahahaha... mukha kayong mga bakla...
khalil: tigilan niyo na nga yan, hindi na siya makakain katatawa sa inyo...
tok...tok....tok...
khalil: pasok...
jake: ah, sir.. may naghahanap po sa inyo, si
mica: hi babe... miss me? i miss you a lot
wait teka! anong ginagawa nito dito? si mica lang naman ang babaeng minahal ko pero niloko ako, paglingon ko sa mga kasama ko sila glen at jeremy naka tingin lang kay mica na gulat na gulat si jc naman parang nagtataka.. biglang lumapit si mica sakin at pinulupot yung kamay niya sa braso ko.. ewan ko pero parang may konting saya sa puso ko ng makita ko siya, siguro nga namiss ko lang siya, kahit papano minahal ko din naman siya
kring....kring...
jeremy: ah, hello mike..... babalik na kayo? sige, see you tonight at 7 pm... madami pa kasi tayong paguusapan
mike? yun yung banda ah...
kring...kring...
jc: ah, hello... ah ganon ba? sige babasahin ko na lang..
bakit parang sobrang tahimik..
jc: ah, guys... excuse me may gagawin pa kasi ako, and jeremy sa resto na ko magrereport ah..
jeremy: ah, sige..
khalil: ah, jc sandali..
jc: yes, sir..
khalil: sir? kailangan mo pa ko tinawag ng sir?
mica: ano naman masama dun babe kung tawagin ka niya ng sir? ikaw ang may ari nito kaya tama lang na sir itawag sayo...
ewan ko pero parang may mali, bakit parang ang sakit na aalis siya ngayon pero dun lang naman siya sa room niya.. ewan pero talagang may mali..
jeremy:sige na jc, kita na lang tayo sa resto
glen: tara jeremy, may gagawin pa tayo sa resto di ba?
jeremy: oo nga, tara na..
khalil: teka lang, hindi pa kayo tapos kumain ah
aba! ang mga loko hindi ako pinansin! may mali talaga, bakit ba sila ganyan? pati ba naman yung dalawa
mica: haay naku babe, hayaan mo na sila, kain na lang tayo... ahh ka na subuan kita
khalil: bakit ka nga pala nandito?
mica : namiss kita!
<JC>
bakit ganon? parang may masakit sa bandang puso ko? dahil ba sa nakita ko? pero ano naman sakin yun, wala naman dapat di ba?...
haay naku jc, hindi naman kayo, hindi din naman siya nanliligaw sayo, boss mo siya, boss mo! kaya tigilan mo na kung ano man yang nararamdaman ng puso mo, tsaka baka nakakalimutan mo, may hinahanap ka pa...
tandaan mo nandito ka for work, after two days aalis ka na din jan, hindi na ulit kayo magkikita pa kaya mas mabuting kalimutan mo na lahat ng to, kalokohan lang yan..