<KHALIL>
jeremy: khalil..pare, okey ka lang?
glen: tama na yan bro, hindi malulutas ng alak yang problema mo
jeremy: oo nga naman pare
khalil: HUWAG NGA KAYO MAKIALAM!!!
jeremy: PUCHA PARE!! BAKIT KA BA GANYAN HA?!
khalil:PESTENG PUSTAHAN YAN!!
renz: bakit, natamaan ka ba kay JC?
napalingon ako sa nagsalita... anong ginagawa niya dito?!
khalil: OO NA!! ALAM KONG SAYO SIYA, MASAYA KA NA BA?! LETCHE!! OO NA TANGA NA KO! MASAYA NA KAYO?!
renz: buti alam mong tanga ka, at lalo kang magiging tanga kung hindi mo siya ipaglalaban..
khalil:ni hindi nga siya nakinig sakin paano ko pa siya ipaglalaban?
renz: sa saturday ang birthday party niya kasabay ng merging ng company namin sa company nila justine, pare alam kong alam mo kung anong mangyayari, tanga ka na talaga kung di ka pa gagawa ng paraan.
khalil: anong sabi mo?! anong kinalaman ng birthday ni jc sa company niyo?!
glen: pare, di ba Mercado ka?
jeremy: teka khalil di ba mercado yung hinahanap mo...
Mercado?! pucha! bakit ngayon ko lang naisip yun?!
renz: kapatid ko si jc, alam kong matagal mo na siyang hinahanap.. at napaka tanga mo na pare kung palalagpasin mo pa ang pagkakataon na to.. bahala ka na tol, tandaan mo huwebes na ngayon at sa sabado na birthday niya, irerespeto namin decision niya bago iannounce yung engagement nila..
all this time, nasa tabi ko lang pala siya, nakasama ko na at hindi ko na hahayaang mawala pa ulit!
khalil: kailan uuwi sila tito?
renz: saturday morning pa ang dating nila. i guess you received an invitation.. this is the only help i can give you, bahala ka na tol. una na ko. at kayong dalawa naman iayos niyo tong kaibigan niyo
jeremy: sige kami na bahala.
glen: sige bro, salamat
renz: oo nga pala pupunta si JC bukas sa mall, magsusukat ng dress, sa pagkakaalam ko pareho kayo ng designer, binigay ko na lahat ng info bro bahala ka na sa move mo.
glen: pare, anong balak mo?
jeremy: tara kidnapin natin,
glen: sira ulo ka talaga jeremy! seryoso tayo ano ba?!
napaisip ako sa sinabi ni jeremy, tama! kung ayaw niya ko kausapin, yun na lang gagawin ko!
khalil: alamin niyo kung anong oras siya pupunta dun, kikidnapin natin siya..
glen: ano?! nababaliw ka na ba?!
khalil: hindi niya tayo kinausap nung hinarang natin siya baka sakali ngayon kausapin na tayo
glen: pero pare! nasisiraan ka na ba talaga?!
khalil: oo pare! at lalo ako masisiraan ng ulo kapag nawala pa siya sakin!
renz: tutulong ako.
napalingon ako sa nagsalita
khalil: akala ko umalis ka na?
renz: gusto ko malaman plano mo, mukhang maganda naman kaya tutulungan kita. iayos niyo yung gagamitin niyong sasakyan, tatawagan ko siya bukas, tsaka mo siya sunduin pagkasakay niya sa sasakyan mo bahala ka na, wag mo lang sasaktan kapatid ko dahil ako ang makakalaban mo.