Ilang araw na ang lumipas. Mahina pa rin katawan ni Sir Samuel but at least, safe na siya sa effect nang poison. Hindi na siya sa classroom kundi sa kanyang kwarto nagpapahinga. Nakakausap na rin namin siya kapag binibisita namin and as usual, hindi pa rin nawawala ang pagiging sarcastic niya.
Habang nagpapagaling siya, si Orielle naman ang umako nang pagtuturo sa amin. This time, tinuturuan na niya kami nang pag-extract nang poison na nasa field, habang ang iba ay busy sa pakikipaglaban sa iba pang dwellers.
Sabi niya, ang HQ ay para lang mga recruits on training. Once we become fully pledged rangers, we have to use what is available to do our job and survive on the field.
"When you graduate, each of you will have your own role on the team. A captain, taga extract nang poison, case holder, fighters at iba pa. However, tinuturo namin lahat nang gawain for each role so you can see for yourself kung saan ka talaga magaling at kung saan ka mahina for you to know which role best suits you", she explained as she let all of us try to extract poison from the dwellers.
"Tingnan mo si Brick, excited na excited maging taga extract nang poison pero maabutan tayo nang isang century bago niya mapuno ang vial", tumawa kami sa sinabi niya. Nakapuno na kasi si Aloutte nang tatlong vial samantalang hindi pa nangangalahati ang kay Brick.
"You are given a specific role hindi dahil gusto mo lang kundi dahil dun ka magaling. That way, each and everyone of you can trust na magagawa niyo ang dapat niyong gawin", pagpapatuloy niya. "Kung ako ang fighter at si Brick and poison extractor, napatay ko na lahat nang dwellers pero si Brick kalahating vial pa lang ang napuno. Ang ending, isang vial lang nakuha kasi nagdisintegrate na ang iba".
"Grabe ka Orielle ha", sabi ni Brick na tumatawa rin. "Ako pa talaga ginawa mong example, napuno ko na nga o!
" At si Aloutte, may napuno na namang tatlo", kompara ni Orielle.
Everything goes smoothly habang nagpapalakas si Sir Samuel. Everything, maliban sa supply nang pagkain na kulang na kulang na.
Tahimik kaming lahat sa mesa. Few more days bago pa kami makabalik sa dome and we have just eaten the last supply of our food.
"Hindi tayo mamamatay sa mga dwellers kundi sa gutom", sabi ni Cassius.
"Sorry guys", sabi ni Holden na lungkot na lungkot. "I failed you".
"It's not your fault, Holden. Don't blame yourself", I told him.
Bumukas ang pinto sa kwarto ni Orielle. May dala siyang maliit bag. Inilapag niya ito sa mesa. "O! Makakasurvive na kayo niyan".
"Ano to", tanong ni Cassius. Binuksan niya ang bag at kumuha nang laman. "Food Bar?"
"Yan yung magiging pagkain niyo during missions when you graduate. One bar is already equivalent to a complete healthy meal", sabi niya.
"Thank you, Orielle", sabi ni Holden.
Nakahinga kami ng maluwag. We can still survive without starving after all.
"Don't thank me", sabi ni Orielle naglakad pabalik sa kwarto.
"Why not? You saved us, again", sabi ko.
"You'll see", she said before she closed the door.
We learned why the next day.
"Aaarghh, ano ba to", sabi ni Cassius na kakakagat pa lang sa Food Bar.
Walang lasa. Hindi ko alam kung bakit pero wala talaga akong nalalasahan sa Food Bar. Para akong kumakain nang biscuit na walang lasa. Nginuya ko nang nginuya ang Food Bar pero wala talaga. Mahirap lunukin.
BINABASA MO ANG
Cayden's Crusade
Science FictionI have always longed for freedom. Freedom from the consequences of being my father's son and his high expectations. Freedom from the fears and worries that I might not reach them. And so, I choose the only path to this freedom, even though it is f...