~Chapter 9~
Freya POV
Naririto nanaman ako sa pamilyar na silid.. nananaginip nanaman ako..
Bukas ang malaking pintuan na papunta sa veranda nitong silid at mula roon ay mayroong isang bulto ng lalaki..
"Ano ba talaga ang kailangan mo saakin? ba't kita palaging napapanaginipan??"
Nayakap ko ang aking sarili ng biglang lumamig ang buong kwarto at kitang kita ko ang pagyelo ng ibang kagamitan dito sa loob ng silid..
Hindi ko maaninag ang kanyang mkha dahil walang buwan ngayon sa labas at kakarampot lamang na liwanag ang makikita
"We will meet... SOON"A-anong ibig nyang sabihin??
"S-sino kaba talaga??" - nanginginig kong tanong
pero hindi nya ako sinagot bagkus ay iba ang kanyang sinabi
"I can't wait to taste your sweet blood"
nanlaki ang mata ko ng makita ang unti unting paglabas ng kanyang pangil at ang pagpula ng kanyang mga mata..
A-anong klaseng nilalang siya??
H-hindi.. hindi ito totoo.. oo panaginip lang nga ito hindi ba??
Unti unti syang naglakad papunta saakin kasabay ng paglabas ng buwan na hugis crescent na unti unti nagbibigay liwanag sa kanyang mukha.. pero bago ko pa man makita ang kanyang mukha ay nagising na ako mula sa aking panaginip
Hinihingal akong napabalikwas sa aking kama
A-ano iyon?? ba't ko na naman iyon napanaginipan??
A-at b-bakit parang totoo??
Nahinto ako bigla sa aking pag iisip ng makarinig ako ng kalabog at mga pagkabasag mula sa baba
Pagtingin ko naman sa orasan ay sakto alas dose na ng umaga.. kaarawan ko na pala!
Muli kong narinig ang mga kalabog sa babaAno ba ang mga iyon??
hinawi ko ang aking kumot at inayos ang suot kong manipis na kamiseta bago naglakad papuntang pintuan.. pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay napahinto ako ng makarinig ako ng kung ano mula sa aking bintana.. unti-unti akong naglakad papunta roon habang pabilis ng pabilis ang kabog ng aking dibdib
Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang bintana ng aking kwarto"Maligayang kaarawan, mahal na prinsesa"
Nanlaki ang aking mata ng makita ko roon sa labas ng aking bintana ung maladyosang babaeng nakita ko noon sa daan
Pero ang mas nakapagpakilabot sa akin ay ang pangil nya at ang kanyang mapupulang mata!!
BINABASA MO ANG
Resurrecting The King Of The Dark
VampireResurrecting the King of the Dark : The beginning (Book 1 of Dark Series) Sya ang huling tagapagmana ng Elafry Vasileio. Ang natitirang Glasiever at ang nag-iisang buhay na may dugong Aurius at ang napiling maging susunod na vessel ng Legendary Phoe...