Chapter 74

10.4K 286 15
                                    

~Chapter 74~

Veronica POV

Ikinurap ko ang aking mga mata matapos kong makita kung ano ang kasalukuyan nilang ginagawa

Nasabi na ni Tamara ang aking lihim

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa aking kama bago pumunta sa harapan ng kabinet na naririto sa aking kwarto

Binuksan ko ang isang drawer at kinuha ang isang litrato roon

Isang lumang litrato. Litrato ng isang babae at lalaki... at ng isang batang babae

Ang aking ina ay isang orakulo, orakulo ni haring Magnus. Na nakilala ng aking amang bampira. Ang aking ama ay isa sa mga magagaling na warrior ng hari

Tulad ng mga magulang ng dalawang gabay. Si ina ay dinalaw ng phoenix sa kanyang panaginip, upang sabihing ang dinadala niyang sanggol sa kanyang sinapupunan ay magkakaroon ng malaking parte sa hinaharap

Kaya't ninais nila na sa isang kabundukan tumira hanggang sa lumabas ako at magdalaga

Ipinaliwanag nila saakin ang aking tungkulin. Iminulat nila ako sa mga pagsasanay at paghahanda

Hindi sila masyadong nabahala sa aking seguridad ng dahil sa aking kakayahan. Kaya kong ibalik ang anumang kapangyarihan na ipalalabas ng kalaban sa anumang paraang gusto ko

Pero wala akong nagawa ng paslangin ang aking mga magulang ng lumusob ang mga kawal ni haring magnus

Dahil ang aking ama ay tinuturing na isang taksil matapos niyang ilayo si ina sa kaharian upang mamuhay ng payapa

Wala akong nagawa noon. Dahil mismong hari ang aming kaharap. Iniwan kami ng hari at ng kanyang mga kawal na duguan sa sahig sa loob ng mumunting kubo

Wala akong magawa kundi pagmasdan ang pagka abo ni ama habang nasa tabi nito si Ina na hindi ako inalisan ng tingin. Bago pa man ito namatay ay nagawa niya pang mag usal ng isang orasyon.

Orasyon na maitago ang aking marka para sa aking proteksyon

Ng mga oras na iyon ay akala ko ay susunod na ako sa aking mga magulang. Hanggang sa nakaramdam ako ng kakaibang presensya. Gamit ang konting lakas ko noon ay nagawa ko siyang tignan. Isang bampirang may pilak na mga matang nakatingin ng diretso saakin. Ang bampirang nakatakda para saakin. My mate

He saved me. He saved me by giving his blood on me. At sa araw rin na iyon ko ginawa ang malaking desisyon sa aking buhay. Parehong araw kung kailan nawala ang sarili kong kakayahan

I love him. That's why I go with him

But he never treat me as his mate. Sa kanyang paningin isa lamang akong bampirang nakakapagbigay sakanya ng dugo para sa kanyang pag kauhaw

I am just his second mate

It is not impossible to have two mates. Lalo na kung hindi mo maaaring makatuluyan ang una mong mate

Ako ang ikalawa niyang mate. Ang mate na ayaw niya. Dahil ang gusto niya ay ang babaeng unang itinakda para sakanya

Mahal ko siya kaya't nanatili ako sa tabi. Mahal na mahal

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon