~Chapter 78~
Devon POV
Nagpaulan ako ng mga itim na apoy na ngayon ay patuloy sa pagbagsak sa lupa.. Agad na namamatay ang mga natatamaan nito
"Arghh!!"
Bigla akong napahawak sa tagiliran ko ng may sumaksak saakin mula sa aking likuran
Napamura ako ng sunod sunod ng walang pasabing hinugot niya uli ito
Kakaiba ang pakiramdam ng nagawang hiwa nito sa aking tagiliran
Nakakapanghina
Napahiga ako sa lupa at ng imulat ko ang mata ko ay nakita ko ang may kagagawan niyon na nakatayo sa aking harapan
"Warrior of the dead?" - gulat ba sambit ko
Nakita kong iniangat nito ang espada sa taas ng kanyang ulo
"Fuck! I am not an enemy!" - sigaw ko pero parang wala itong narinig ng ibinaba na nito ang espada papunta saakin
Pero ilang distansya na lamang nito sa aking dibdib ay bigla na lamang itong naging kapa na inililipad ng hangin habang ang espada nito ay unti unting naaagnas
Napalingon ako sa kanan ko
"They are not here to help any side" - Malvolia na itinatakip na ulit ang tela sa kanyang kaliwang mata
"Here! We need help!"
Tinawag ni Sullivan ang isa sa mga nilalang na may mga matatalas na tenga
"Heal him" - Sullivan
Agad na itinapat ng nilalang na babae na mayroong matalas na tenga ang kanyang dalawang palad at agad na may lumabas roon na kulay berdeng liwanag na unti unting nagsasara sa aking sugat na nasa aking tagiliran
I can heal by myself cause I am a vampire and I have a royal blood. But those fucking warrior's sword has a very different effect when it comes in contact
Iniabot ni Sullivan ang kamay niya saakin ng matapos akong mapagaling ng nilalang
Tumingin muna ako sakanya bago sa kamay niya at iniabot iyon saka niya ako tinulungan makatayo
"Wag kang mag alala pansin na rin iyon nila Dike kanina ng atakihin rin sila ng mga alagad ni Hades" - Sullivan
"Ipinadala sila ni Hades hindi upang tumulong. Kundi upang magdala pa ng maraming kaluluwa sa kanyang realm" - Malvolia
"S-salamat" - sambit ko
tumingin naman sila saakin
"Ikaw pa rin ang dating Devon na nakilala namin. Hindi pa huli ang lahat" - Sullivan at saka ako tinapik sa balikat
Oo hindi pa huli ang lahat
Luan POV
Agad na nagyelo ang pasilyong aking dinadaanan at kada labas ng mga kalaban ay agad namang lumalabas ang matatalim kong yelo at namamatay na sila bago pa man nila mapagmasdan ang mapupula kong mga mata
Huminto ako sa gitna ng malaking hall na pinasukan ko matapos dumaan sa hindi ko na alam kung pang ilang pasilyo na
Pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa nagsilabasan ang mga ligaw na kaluluwa maging ang mga warrior of the dead at mga alagad na bampira ni Haden
"Luan. Luan. Luan"
Paulit ulit na rinig ko mula sa mga alagad ni Hades
Marunong din pala silang magsalita
BINABASA MO ANG
Resurrecting The King Of The Dark
VampireResurrecting the King of the Dark : The beginning (Book 1 of Dark Series) Sya ang huling tagapagmana ng Elafry Vasileio. Ang natitirang Glasiever at ang nag-iisang buhay na may dugong Aurius at ang napiling maging susunod na vessel ng Legendary Phoe...