Chapter 70

10.5K 255 2
                                    

~Chapter 70~

Freya POV

Tahimik kaming kumakain sa harapan ng mahabang mesa

Napakahaba ng mesa na ito na kasyang kasya kaming lahat

Naririndi na nga ako sa kakareklamo ng prinsipe ng mga nyebe na kesyo ang dami dami na daw na naandito sa palasyo. Nagiging bahay ampunan na daw

Pero mas ikinatutuwa ko ngang marami kami rito

Napakunot noo ako ng makitang wala si Kazarina. Kanina lamang umaga ay nagsanay pa kami

Napansin ko rin na kanina pa tulala si Adreana

Kanina lang ay basta basta na lang siya may nasaging vase malapit sa hagdan. Mula noon ganyan na siya

Natigilan kami sa pagkain ng pumasok ang isa sa mga kawal

"Mahal na prinsipe. Na-naandito po ang isa sa mga knights ng mahal na reyna"

Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay siya namang pagpasok ni Lucas na duguan

Halos lahat kami ay napatayo sa aming kinauupuan

Maliban na lamang kay Kyran, Dion, Saxon at Luan

"Gosh! Anong nangyari saiyo Lucas?"

Agad na nilapitan ni Adreana ang nghihinang si Lucas

"Nasaan ang reyna Lucas?" - Priam

Lahat kami ay naghihintay sa sagot ni Lucas

Pero hindi maganda ang kutob ko

Sa katayuan ngayon ni Lucas na umaagos pa ang dugo mula sa papahilom pa lamang niyang sugat sa tagiliran

Hindi na talaga maganda ito. Ano ba ang ngyari?

"Sumagot ka Lucas!" - pag uulit ni Priam

Iniluhod ni Lucas ang kanyang kanang tuhod at saka bahagyang yumuko

"Nilusob po ni Haden ang palasyo"

Bigla ata akong nanghina. Naramdaman ko na lamang ang mga bisig ni Luan sa aking bewang at inalalayang makaupo

"Patawad. Pero w-wala na ang mahal na reyna"

Agad na napahagulhol si Adreana habang nakaupo sa sahig

Agad siyang dinaluhan nila Rosh

Samantalang nakatulalang nanatiling nakatayo si Priam

Napatingin ako sa gawi ni Kyran ng ibaba nito ang kanyang kopita

"Nagsisimula na. Nagsisimula ng kumilos si Haden"

Adreana POV

Yumuko saakin ang mga tagasilbi ng palasyo matapos nilang ayusin ang mga damit na aking dadalhin bago lumabas ng aking kwarto

Napapikit ako ng mariin

Dapat ay hindi ko na talaga siya hinayaang umalis noon

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon