Chapter 20

13K 322 3
                                    

~Chapter 20~

Freya POV

Iminulat ko ang aking mata ng maramdaman ko ng sinag ng araw na tumatama sa aking mukha

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto

Hindi pamilyar ang kwartong ito

Ilang beses ba akong mawawalan ng malay at magigising sa hindi pamilyar na lugar?

At bakit tila nakahiligan ko na atang mawalan ng malay

Nasapo ko ang aking ulo ng bigla itong sumakit sa biglaan kong pagbangon

"Salamat naman at gising ka na sakto may dala akong pagkain. Kain ka muna"

Nilingon ko si Zane na kakapasok lang

Inilapag nya sa side table ang dala nyang tray na may mga pagkain

"Mahaba ba ang naging tulog ko Zane?"

"Hmm? Medyo? Hapon na Freya"

Ahh kaya pala ganun nalang ang sakit ng ulo ko. Nasobrahan ako sa tulog.

"Nasaan ang iba? Si Sky kasama nyo ba? At nasaan ba tayo? S-si Tita? kasama nyo sya hindi ba?" - sunod sunod kong tanong

Kita ko naman ang paglandas ng sakit sa mata ni Zane

"Kumain ka muna at pagkatapos mo sasagutin ko lahat iyan"







Kyran POV

Pinagmamasdan ko ang buong paligid ng mansyon ng mga Gregory dito sa labas

Kitang kita ko ang proteksyong nakapalibot sa mansyon. Mula sa mga kakahuyan na dinaanan namin hanggang dito sa mismong loob.

Protektado ang mansyon ng mga Gregory

Hindi na ko magtataka kung bakit ganun na lamang ang proteksyong nakapalibot sa mansyon ng mga Gregory

Marami sa matataas na konseho ng Dark Empire ang pinahahanap sila dahil malakas rin silang pananggala ng mga Light Empire laban sa Dark Empire

iniangat ko ang hawak kong rosas at pinagmasdan ito habang nagiging abo na sumasama sa hangin

Hnintay kong lumapit sya saakin. Alam kong kanina nya pa ako pinagmamasdan

"Natutuwa akong may nakilalang katulad mo si Louella"

ibinaling ko ang paningin ko sakanya

"Hindi ko masiguro kung mabuti ba ang hatid mo sakanya o panganib"

Nakakunot ang noo nya habang pinamamasdan ako na tila binabasa ang pinaka nasa kaloob-looban ko

"Nakakapagtaka, hindi ko maramdamn ang intensyon mo maging ang nararamdamn mo ay hindi ko magawang malaman"

Tama nga ako. She has an ability to detect feelings and intentions

"Isa lang ang nasisiguro ko, hindi ka basta bastang bampira"

"Hindi ko sya sasaktan, hindi ko magagawang saktan sya. Pero.... maaari akong magdala ng panganib sakanya"

Nanatili lamang syang nakatingin saakin

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon