Chapter 16

12.7K 305 10
                                    

~Chapter 16~

DALAWANG araw na. Dalawang araw na akong nakakulong dito sa kwartong ito. Kwartong tanging ang laman lamang ay ako, ako na may kadena sa kanang paa at nakasalampak sa malamig na sahig. Dalawang araw na rin akong walang kain. Tanging tubig lamang na lihim na ibinibigay saakin ni Gretel ang syang nakukunan ko ng lakas.

Simula ng pangyayaring iyon si Gretel lamang ang nakikita ko. Sya lamang ang bumibisita saakin

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit sila galit na galit sa light empire. Sa pamilya ko

Hinahanap kaya ako nila Zane? Miya at Zeyton? Bakit tila ang tagal nilang dumating? Gusto ko ng makaalis dito. Ramdam ko na anumang oras papatayin nila ako

Gusto kong tumakas pero mukhang imposibleng mangyari iyon. Naka lock ang pinto at ang tanging nag-iisang bintana na narito ay sadyang mataas at maliit lamang iyon na mukhang tama lang na makalabas ang aking mga kamay sa bakal na rehas

Isang silid, isang silid na para sa isang bilanggong katulad ko

Natigilan ako sa aking pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. At tulad ng dati, mukha pa rin ni Gretel ang tumambad saakin


"Uminom ka muna. Dinalhan na rin kita ng prutas saktong wala sila at tayo lamang ang naiwan" - Gretel at saka inilapag sa sahig ang platong may laman ng prutas at baso na may laman ng tubig


Hanggang ngayon ay di ko pa rin mawari na ang tahimik na bihira lamang magsalita, ang babaeng palaging nakatalukbong, ang bampirang parang walang pakialam sa kanyang paligid na si Gretel ay ang syang bampirang nasa harapan ko ngayon na nagmamalasakit saakin


"S-salamat Gretel" - sabi ko rito bago ko kainin ang dala nyang prutas



Kailangan ko ng lakas. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. May mga naghihintay saakin. May prinsipe pang naghihintay saakin

Aalis na sana si Gretel ng tawagin ko ito


"Gretel, maaari bang magtanong?"



Muli syang humarap saakin



"Ano iyon?"



"Maaari ko bang malaman kung bakit kayo galit sa amin? Sa Light Empire?"



Alam kong matagal ng magkagalit ang dalawang emperyo ngunit ramdam ko na may mga personal silang dahilan



"Dahil sa naganap na digmaan ng Dark Empire at Light Empire namatay ang nag-iisang babaeng pinakamamahal ni Keisler maging ang nag-iisang babae sa buhay ni Finn, ang kanyang nakababatang kapatid"


Kung ganun ay tama nga ako. May mas malalim na pinaghuhugutan ang kanilang galit

Saglit syang tumigil bago nagpatuloy



"Si Keena, bata pa lamang ay sinasaktan na sya ng kanyang mga magulang, naglayas sya at nakilala nya ang inakala nyang kanyang prinsipe. Pero ipinagpalit sya nito, sa isang taga Light Empire. Mas ninais nitong piliin ang bawal na pag-ibig. Ipinagpalit sya nito sa isang babaylan"



Kaya pala. Kaya pala ganun na lamang ang kanyang ugali saakin. Napakasakit ng mga pinagdaanan nya. She has a trust issue and I can't blame her that

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon