"Haze! I'm here!" Agad akong napatingin sa tumawag sakin.
Nakita ko si Kath na nakaupo sa isang bandang corner ng Cafe na pinasukan ko tsaka ko lumapit sakanya.
Busy kasi lahat ng kaibigan ko, Ayoko naman sa bahay, kasi nabo-boring ako, and when I called Katherine ^_^ sinabi nya na Free sya kaya agad kaming nag-decide na magkita kami.
It's been a week pagtapos kong umiyak ng dahil sa Jacket na yun. Sabi sakin ni Kevin, wag ko daw pansinin yung mga naiisip ko kasi baka daw Side Effect lang yun ng mga gamot ko.
Grabeng Side Effect naman, kailangan ko pa talagang umiyak?
"Sorry I'm late, naligaw pa kasi ako." Sabi ko kay Kath.
"Ayos lang, Dapat nga ako yung mag-sorry. -_- Nakalimutan ko na hindi ka na pala familiar sa mga lugar dito. Haaays." Sabi ni Kath tsaka nya tinawag yung waiter.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Kath. Tumingin naman ako sa Menu.
"Isang Strawberry Shake. Sayo Haze?" Tanong ni Kath.
Strawberry?
"Yung sayo na lang din." Sagot ko sakanya, at saka ko sinara yung Menu.
"Ha? Strawberry ka din? Bawal sayo yun, Allergic ka dun diba?" Tanong ni Kath.
"Ay, Ganun ba? Sorry.." Sabi ko tapos binuksan ko ulit yung Menu.
"Coffee na lang sakin,yung Brewed." Sabi ko sa Waiter.
"One Strawberry shake and one Brewed Coffee?Is that all ma'am?" Tanong nung waiter samin, tumango naman si Kath kaya umalis na yung waiter.
"Now, Tell me, May problema ba?" Tanong ni Kath.
Umiling ako.
"I'm just bored, And I want some fresh air." Sabi ko kay Kath.
"That's good." Sabi nya.
Napatingin ako sa kamay nya.
"You're engaged?" Tanong ko.
Nanlaki mata nya sa tanong ko kaya tumingin sya sa kamay nya at nagmamadaling inalis yung singsing.
"No, I'm not." Sabi ni Kath. Nilagay nya sa wallet nya yung singsing tapos itinago nya ulit yun.
"Hmm, Actually, wala pa kong alam tungkol sayo, ayaw mo mag-kwento?" Tanong ko kay Kath.
"Ahahaha! Oo nga no, Hmm. I joined your group when I was in my 1st yr HS." Sabi nya.
"Ehh! Alam ko na yan, other than that, Do you have any boyfriend?" Tanong ko sakanya. "Of course meron ka! Sa ganda mong yan?" Tanong ko pa sakanya.
Tumawa sya pero mahinang tawa lang, tapos tumingin sya sakin.
"I have my fiancee." Sabi nya, pero hindi, malungkot yung boses nya.
"Fiancee? So you're getting married?!" Excited kong tanong, pero ngumiti ulit sya tsaka marahan na umiling.
"Hindi." Sagot nya. Tapos tumingin sya sa may bintana.
"You're not getting married? But you're en--"
"We broke up Last month." Sabi nya na cracked yung boses.
"Aw, I'm sorry to hear that." Sabi ko tapos napayuko ako, Na-excite ako sa wala.
Gusto ko man tanungin kung bakit hindi natuloy, pero mukang sariwa pa sakanya.
"Unfortunately, May nangyareng hindi inaasahan nang lahat." Bigla syang nagsalita. "Pero syempre, hindi naman ako selfish para sarili ko lang yung intindihin ko." Sabi nya, tumingin sya sakin tsaka sya ngumiti pero may nangingilid na luha sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]
Teen Fiction"Loving him was never that easy, forgetting him was like trying to bury myself in darkness, but I want the pain to go away." -Kyou **