Chapter 29 ✔

10.7K 208 34
                                    

­


"Kyou ayos ka lang?" Tanong agad sakin ni Kevin nung napa-atras ako.

Tinignan ko ang mga kamay ko. Bakit ganito?

Bakit ako nanginginig? Bakit lumalabo yung paningin ko?

"Kyou..." Pinikit ko ang mga mata ko, pinakinggan ko yung naririnig ko.

Kanino bang boses yun?

"Hazelle tara na! Kevin, Darwin, umalis na muna kayo, tatawagan na lang kita Kevin." Sabi ni Raphael kay Kevin, agad na umakbay sakin si Raphael at itinalikod ako sa dalawang lalaki kanina.

"Raph.." Tawag ni Kevin, lilingon sana ko pero pinigilan ng kaliwang kamay ni Raphael ang ulo ko.

"Tatawagan na lang kita." Si Raphael na lang yung lumingon, "Tara na Hazelle." Sabi nya, tumango na lang ako.

Naglakad kami hanggang sa coffee shop kanina, pumunta kami sa Parking lot at sumakay sa sasakyan nyang kulay itim.

I..tim?

"Lick it!"

"Madali lang pala e- Ano?! Didilaan ko 'yan!? ASA!"

"Kakasabi ko lang kanina na, be strong, hindi mo tinupad." Sabi nya sakin nung nakaupo na sya sa Driver's seat.

"H-ha? A-ano ba yun? Teka.."

"Nevermind. Alam mo ba na sa tuwing humihingi ako ng pabor sayo, hindi mo tinutupad, napakaduya mo!" Sigaw nya tsaka nya pinisil yung ilong ko.

"Itai!" (It hurts!) Hinawakan ko yung ilong ko na pinisil nya tsaka ko sya tinignan ng masama.

Nakangiti sya, isang malapad na ngiti, pero hindi ko malaman kung totoo ba yun o hindi. Dahil yung mga mata nya, blanko lang. Hindi ko mabasa yung mga mata nya.

"May girlfriend ka ba?" Tanong ko sakanya, nagulat sya sa tanong ko tsaka tumawa ng malakas.

"Maayos tanong ko! Wag mo kong tawanan!" Sigaw ko.

"Bakit kung wala ba magaapply ka?" Tanong nya, at hindi ko napigilan yung sarili ko dahil hinampas ko sya ng malakas.

"Araaay naman Hazelle! Nagmamaneho ako, gusto mong mamatay?" Tanong nya.

"Hindi, pero gusto kong pumatay." Sabi ko sakanya.

"Wahahahaha! High blood nito!" Sabi nya habang nagpipigil ng tawa. "I'm glad." Biglang nagbago yung tono ng boses nya.

"Ehh?" Tumingin ako sakanya na may malaking question mark sa dalawa kong mata.

"Because that's the Hazelle I know." Sabi nya, this time, nabasa ko yung mga mata nya, masaya pero malungkot.

"Ano ba ko dati?" Tanong ko.

"Isang brutal na parang lalaki kung manakit akala mo may megaphone na nalunok kung makasigaw, para ring manika na akala mo walang emosyon, pero parang bata kung umiyak." Sabi nya.

"Hindi ko ba alam kung totoo yang mga pinagsasabi mo o pinagtitripan mo ko-"

"Isang babae na minsan lang magmahal, pero kung magmahal, wagas. Isang babae na masama sa paningin ng iba pero napakabait sa mga malalapit sakanya, mahal na mahal ang mga kaibigan to the point na kaya nyang magparaya." Biglang sumeryoso yung boses nya, parang iniimagine nya kung ano ako dati.

"Yun yung Hazelle na kilala ko." Inihinto nya yung sasakyan at tumingin sakin. "Yun yung Hazelle na miss na miss ko na." Sabi nya.

Nanlaki yung mga mata ko nang may makita akong makikinang na tumulo galing sa mga mata nya.

"I want that Hazelle to come back, minsan kong minahal ang Hazelle na yun, minsan ko syang pinrotektahan at ang lungkot isipin na wala na sya." Sabi nya, gumalaw yung mga kamay nya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"I want her to come back, pero ang daming hadlang, ang daming tutol." Sabi nya, nakayuko na sya pero kita ko parin na nangingig yung mga braso nya, nanginginig ang mga boses nya, wala ring humpay ang pagtulo ng mga luha nya.

"Raph." Tawag ko sakanya, iniangat nya yung muka nya at tinignan ako ng diretso.

"Help me Hazelle, Help me to get her back. I really really miss her."

Bigla na lang na may tumulo rin galing sa mga mata ko.

"Help me, Hazelle. Please come back. Please.."

**



Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon