***
"Let me love you within 28 days."
**
I was about to open the door when I heard his sobs.
Sumilip ako at nakita kong nakaluhod sya sa harapan ni Hazelle.
Kitang-kita sa mga mata nila ang sakit. Kelan ba matatapos 'to?
Huminga ako ng malalim bago ako tumalikod.
Stupid Kath, what were you thinking?
Akala ko hindi alam ni Hazelle ang lugar na'to, bakit alam nya kung saan matatagpuan si Kevin?
Shut up Katherine! At anong nakain mo at naisip mo na ikaw ang hinihintay ni Kevin?
Napailing ako tsaka ako naglakad palayo, pero nakita ko si Darwin sa harapan ko.
"Expecting something?" Tanong nya. Tumingin ako sakanya at sinalubong yung mga tingin.
"I was wondering, bakit pareho kami ni Vincent?" Tanong ko tsaka ko sya nilagpasan.
"Kath.."
"Bakit ka bumalik?"
"I thought I'd already answer tha--"
"Stop making things more complicated." Sabi ko.
"Ako ba Kath? Ako ba ang nagpapagulo o kayo?" Tanong nya. Hinarap ko sya at tinignan ng matalim.
"Go away, we don't need you! She doesn't need you!" Gigil kong sabi sakanya, pero ngumiti lang sya sakin.
"Hanggang kelan ako lalayo Kath?" Tanong nya na nagpatigil ng mundo ko.
Nakita ko sa mga mata nya na nahihirapan sya. Umiling ako. Hindi sya si Vincent! Hindi sya si Vincent!
"Hangga't mahanap mo yung babaeng para say--"
"Don't decide for my life Kath, nandito ang babaeng mahal ko." Nakangiti parin syang nagsasalita, naglakad sya at tumapat dun sa pintuan. "Babaeng hawak ng iba." Sabi pa nya.
"Darwin, you can't have her." Sabi ko.
"I know, I know, pero gusto ko syang protektahan." Sabi pa nya. Napasara yung kamao ko sa narinig ko, lumapit ako sakanya at sinampal ng malakas.
"Alam mo ba ang salitang protekta Darwin? Protektahan?! Paano mo sya mapoprotektahan!" Gigil kong tanong sakanya. Naiinis ako! Nagagalit ako!
"May kanya-kanya tayong paraan sa pag poprotekta Katherine, nasa sayo kung tama ba ang paraan mo o hindi, may I ask you?" Humarap sya sakin.
"Tama ba ang paraan nyo?" Tanong nya, diretso syang nakatingin sakin.
"Minsan sa sobra nyong pagpapahalaga, nakakagawa kayo ng malaking kasalanan." Dugtong pa nya bago sya umalis.
Pinanood ko syang umalis, tumingin ulit ako sa loob, nakita ko na pinupunasan ni Hazelle si Kevin. Wala ng malay si Kevin, pero kinakausap sya ni Hazelle.
Hindi tama ang paraan namin, dahil kung tama, walang mahihirapan, walang maiipit.
Pero ito lang ang paraan na dapat gawin, we don't want to lose her. We can't.
Huminga ako ng malalim tsaka ako umalis.
**
~Hazelle's POV!~
"Kevin.." Tatayo kasi ako pero pinigilan nya ko. Lasing na lasing talaga sya.
"Don't leave me." Sabi nya, umupo ulit ako sa tabi nya.
BINABASA MO ANG
Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]
Teen Fiction"Loving him was never that easy, forgetting him was like trying to bury myself in darkness, but I want the pain to go away." -Kyou **