Chapter 8 ✔

13.7K 284 43
                                    


**

"Kevin! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITAA!!"

"Hoy! Katherine! Ano ba yang ginagawa mo!"

"Pinagsisigawan sa buong mundo na mahal kita."

"Mahiya ka nga! Kulang na lang sabihin mo sakanila na meron akong nakakahawang sakit para di na ko malapitan!"

"Magandang Suggestion yan! WAHAHA! Isigaw ko din para di kana lapitan ng mga babae!"

"Adik ka talaga!"



"Dahil naman sayo kaya ko nagkakaganito."

"Oo na, haha! Mahal din kita."

Pinunasan ko yung luha ko, talaga? Mahal mo ko? Ahahaha! Bakit hindi ko naman naramdaman yun Kevin.

Tumingala ako tsaka ko tinignan yung langit.

"Umulan ka naman o, gusto kong umiyak ng umiyak." Sigaw ko.

Pag sigaw ko napaupo ako sa damuhan, Ang sakit na.. Sobrang sakit na, ayoko na.

"Tama na Kath, Wala ka ng mapapala, Tama na." Sabi ko sa sarili ko.

"Kung gusto mong umiyak, bakit hindi ka tumawag ng isa sa mga kaibigan mo?"

Iniangat ko yung ulo ko, pero nagulat ako sa nakita ko.

"Raphael?"

"Need a hand?" Tanong nya ulit.

"What are you doing here?" Tanong ko.

He just smiled back tapos inalalayan nya kong tumayo.

~Hazelle's POV!~




"Are you okay?" Tanong ko.

Kanina pa kasi sya walang imik simula nung umalis kami sa Cafe.

"Sorry, Oo ayos lang ako, Bakit nga pala umiiyak kanina si Kath?" Tanong nya.

Umupo muna ko bago ko sya sinagot.

Bakit parang gusto kong mag-sorry sakanila?

Bakit parang pakiramdam ko may nagagawa akong malaking kasalanan?

Bakit parang..

Yung mga sinasabi ni Kath kanina, may gusto syang iparating sakin.

"Pwede ko bang malaman?" Tanong nya. Habang umuupo sya sa tabi ko.

Ngumiti ako tapos tinignan ko yung view.

"Sinabi nya sakin kung gaano nya kamahal yung lalaki na Fiancee nya." Sabi ko. "Pero habang nagke-kwento sya, bigla syang umiyak. Kevin, Bakit ganun? Nung narinig ko yung iyak kanina ni Kath, parang.. parang.. ang sakit sakit." Sabi ko.

"Anong sabi nya?" Tanong ni Kevin.

"Sobra nyang mahal yung lalaki, kaso wala naman daw syang magawa. Kevin. Sa tingin mo, bakit ginawa nung lalaki kay Kath yun?" Tanong ko kay Kevin tapos tinignan ko sya, Habang sya naman nakatingin sa harapan nya, tapos medyo nakangiti.

Nitong mga nakaraang araw, meron akong naiisip, merong mga bagay na gumugulo sa isipan ko.

Bakit kapag kasama ko si Kevin at Kath, merong ibang atmosphere.

Bakit parang merong iba sa mga titigan nila.

Sa mga binibitawan nilang salita, parang may gusto silang iparating.

"May malalim na dahilan yun." Sagot nya sa tanong ko.

"Gaano kalalim?" Tanong ko. Feeling ko para akong bata na nagtatanong! (>__<)!!

"Malalim na dahilan, na kahit yung mismong lalaki, nahihirapan na umahon." Sagot nya.

Ang lalalim ng mga sinasabi nila. Bakit ganun? Napahawak ako sa dibdib ko.

"Sa tingin mo ba mahal sya nung lalaki?" tanong ko.

"Sa tingin ko? Sobrang mahal na mahal sya, Kaya pinili nung lalaki na bitawan sya, dahil ayaw nyang masaktan pa yun lalo." sagot nya ulit.

"Pero! Pero hindi ba nya alam na mas masakit yung ginagawa nya!?" Tanong ko ulit.

"Alam nya, alam na alam nya kaya nga nahihirapan sya, dahil mahal na mahal nya si Kath, Pero wala syang ibang choice, meron din kasi syang kailangang protektahan na isang tao." Sagot ni Kevin.

"Gaano ba kaimportante yung babaeng yun para sa lalaking yun? na kailangan nyang saktan yung babaeng mahal nya ng lubos?" Tanong ko.

Sobrang importante ba nung babaeng yun?

Sobrang importante ba na kailangan nyang sumira ng isang relasyon?

"but because of her innocent face, you can't condemn her."

Ibig sabihin?

Walang alam yung babae sa mga nangyayari?

"Alam mo kasi Kyou, merong mga pagkakataon na kailangan mong pakawalan yung taong minamahal mo, hindi dahil gusto mong masaktan, kundi dahil, gusto mo syang maging masaya sa piling nang iba, kahit na alam mong mas masakit." Sabi ni Kevin. "Tara na? Padilim na o! Sa tantya ko, baka umulan ng malakas, kaya tara na."

Sabi nya sakin tsaka nya ko inalalayan patayo.

"Kailangan pakawalan yung taong minamahal mo para maging masaya sa piling ng iba?" Tanong ko ulit.

Maging masaya sa piling ng iba?

Masaya?

Sa piling ng iba?

Tumingin ako kay Kevin.

"Bakit ba ayaw mong sabihin kay Sopphie?!"





"Bakit? Kapag ba sinabi ko! Pipiliin ako ni Johnny?! Hindi naman eh! Magiging kontrabida lang ako!"




"Hazelle naman eh!"




"Mas pinili nya si Sopphie kesa sakin. Edi tapos na."






Yung lalaking sinasabi ba ni Kath..

"Wag kang umepal dito! Doon ka kay Kath!"

"Ayaw!"

"Ayos nga lang kasi ako! Doon ka na kay Kath! Magselos pa yun!"

"Ano naman?"

"Tadyak abot mo sakin!"


Ikaw ba yun Kevin?

**


Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon