**
"Dali na kasi!" Sigaw ko sa lalaking nakahiga sa kama at nakapikit.
"Kyou! I'm tired!" Reklamo nya.
"KEVIN MAX SANDERS!" Sigaw ko tsaka ko sya hinampas ng malakas gamit ang unan, napabalikwas naman sya ng upo at tumingin sakin.
"What now?" Tanong nya.
"Sabi ko samahan mo ko sa puntod ni Daddy." Sabi ko habang naka-crossed arms ako.
"Tss! Sa ibang araw na--" I glared at him, talagang tinitigan ko sya ng masama, pero humiga ulit sya.
Sa sobrang pagkabadtrip ko, hinampas ko ulit sya at tinalikuran sya, aalis na lang ako sa condo ng kumag na 'to! Wala akong napala! Fck it!
"Kyaaaah!" Sigaw ko, dahil hinatak nya ko palapit sakanya na naging dahilan para mapahiga ako sa dibdib nya habang nakayakap sya sakin.
"My girlfriend is mad at me." Sabi nya, idinikit nya ang baba nya sa ulunan ko kaya medyo nararamdaman ko ang paghinga nya.
"Because you don't want to--"
"Gusto mo ba talaga bumisita dun?" Tanong nya na may paga-assurance sa tono.
"Obvious? tsk! Just tell me if you don't want to! I can go there by myself!" Sigaw ko, kumalas ako sa pagkakayakap nya, tumayo ako at inayos ang nagulo kong damit.
Tumingin sya sakin na parang hindi alam kung ano ang gagawin, pero nagtagumpay ako dahil tumayo sya.
"Wait me here, Magpapalit lang ako." Utos nya. "Pssh! Bossy as ever." Bulong pa nya pero narinig ko.
"May sinasabi ka pa ba?" Tanong ko at tinaasan ng kilay.
"Wala po! Wait me here! Okay?" Sabi nya, hinalikan nya ko sa noo bago sya pumasok sa Bathroom.
Umupo ako sa kama, hinaplos ito at inamoy ang comforter.
Amoy Kevin, lalaking-lalaki ang amoy, Kulay itim na pagka-gray ito, ganun din ang unan nya.
Umupo ako sa may bandang gitna at hinaplos pa 'to, hindi sya malambot, sakto lang para sa lalaking katulad nya, matigas na lumambot dahil sa bed sheet.
Tinignan ko ang side table nya, may dalawang picture frame.
Kinuha ko yung isa at tinitigan.
Kaming dalawa ni Katherine..
Sobrang bata pa kami nito, sa tingin ko Highschool pa, Grabe..
Magkamuka kami ni Kath..
Hinawakan ko 'to at tinitigan mabuti.. Kamuka nya si Daddy.
Ngumiti ako sa mga pinagsasabi ko, nababaliw nanaman ako. Meron naman talagang magkamuka na mga tao.
Katulad na lang nung apo ni Kuya Jude. (Driver namin.) at ni Jewel.
Magkamuka yung dalawang bata na yun, si Jewel at Jobelle.
Ganun lang din siguro kami ni Kath, pero there's a part of her na may resemblance kay Daddy, upper part of the face?
Inilapag ko na ulit 'to sa desk at kinuha ang isa pang frame.
Napakunot ang noo ko sa nakita ko.
Lahat sila naka-toga, ako lang ang hindi.
Buo ang tropa, wala lang si Jill. Pero..May isang lalaking nakaakbay sakin, tinitigan ko sya. Sa picture na 'yun, nakaakbay sakin yung lalaki na may masayang ngiti, Ngiti na parang pag nakita mo, gagaan ang pakiramdam mo. Nakita ko si Kevin sa may bandang taas ko at nakapat yung kamay nya sa ulo ko, while si Kath nakakapit sa mga braso nya na may masasayang ngiti.
BINABASA MO ANG
Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]
Teen Fiction"Loving him was never that easy, forgetting him was like trying to bury myself in darkness, but I want the pain to go away." -Kyou **