Chapter 12 ✔

13.6K 237 18
                                    




**


Napasugod agad si Saiyuki sa ospital ng marinig ang sinabi ni Kevin.

"Hime!" Sigaw nya noong nakapasok sya.

"Ang OA mo Onii-san." Sabi ni Hazelle sakanya pagsigaw nya.

Nagulat si Saiyuki sa narinig nya, Tinitigan nya ng matagal ang kapatid.

Bumaik sya? Bumalik ang kapatid ko?


Lumapit sya dito at niyakap nya ng mahigpit.

"Ano ba kuya!" Sigaw nya. "Nasasakal ako." Reklamo ulit nya.

"Hime--"

"Problema mo ba?! Para kang timang! Ngayon mo lang ba ko nakita?! Psh!~" Sigaw naman ni Hazelle sa kuya nya, pero sa loob-loob nya, natutuwa sya, Kasi nawala lahat ng awkwardness na nararamdaman nya nung magising sya noon, at higit sa lahat, parang pakiramdam nya..Bumalik sya sa dating sarili nya.




"Ay sht! Sana ganyan ka na lang palagi Hazelle." Sabi naman ni Kekel sa kaibigan tsaka nagtawanan ang iba.

Hindi na nila napansin na umalis si Kath ng kwarto, Nakatingin sya kay Hazelle habang nakangiti.

"Welcome back Hazelle." Pagbulong nya nun umalis na sya.

Gaya ng sabi ni Tita Beth, Ilayo ang mga alala ni Vincent, At alam kong hangga't nakikita mo ko, Maalala mo si Vincent. Dahil hindi mawawala sa isip mo na isa ako sa mga naging karibal mo kay Kevin kaya mo minahal si Vincent at pinasok ang Fixed Marriage na naging dahilan ng lahat, I'm so sorry.. Goodbye.. Hazelle. I'll miss you.

**




~Hazelle's POV!~




"Nasan si Kath?!" Tanong ni Jill sa barkada, Tumingin naman ako sakanila.

Nasaan nga ba si Kath? Ang tagal na ring hindi nagpaparamdam.

"Wala bang tinawagan sainyo?" Tanong ni Seb sakanila habang sinusubukan paring tawagan yung cellphone number ni Kath.

"Wala, tinanong ko rin si Ivy, Hindi nya daw alam, bigla daw umalis." sabi pa ni Jill.

(Ivy : Younger sister ni Kath, Ampon sya pero mahal na mahal naman nila)

"Kyou, tinawagan ka ba nya?" Tanong ni Kevin sakin, umiling naman ako, Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan.

"Kahit text wala."

"GUYS! Napasearch ko na si Kath, Umalis daw ng Pilipinas, ang sabi nasa Paris daw, nung pinacheck ko yung airport sa Paris, Wala daw na Katherine Alejandro dun." Biglang sabat ni Raphael na halata mong hinihingal.

"Wala bang--"

"Guys, malaki na si Kath." Sabi ko sakanila. "Hindi nakakatulong yang pagpapanic nyo, Kung may nangyaring masama sakanya, tatawagan agad isa satin." Sabi ko pa sakanila.

"Pero Haze.. Iba si Kath ngayon, Sobra syang depressed." Sabi ni Ybel.

"Hindi naman nya binabalak na magsuicide diba? Nagaalala din ako, Pero pabayaan muna natin sila, tatawag yun kapag kailangan tayo, And I'm sure, gusto nya muna magisip ngayon." Sabi ko pa sakanila.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon