[Chapter 2 - Long-lost Friend.]

1K 18 4
                                    

IRIS'S POV

Oh great, school again. At ngayon na ang second year ng pagiging college ko. Second year college na ko, pero that doesn't mean na kailangan ko na magmature?

I hate school! Assignments, projects, seatworks, groupworks, boring teachers. Oo, recess at lunch lang din ang favorite kong subject sa school. Pero I need to struggle na magkaroon ng high grades dahil kami ang may-ari ng university na to. Oo, San Jose University to, at San Jose ako. Medyo katulad lang rin naman kami ng Ateneo, but much bigger and better.

Ang gusto ko lang naman sa pagiging second year college ay bukod sa gusto kong professor si Ms. Buenavista, makakasama ko na ulit si Paolo. Oo, magkabarkada lang kami, pero hindi sinasadyang nadevelop na ako sakanya. Kasalanan ko ba yun? Well duh, kahit tinitingala ako, hindi ko rin maiiwasang magkagusto sa heartthrob ng school. And he's not your ordinary heartthrob, hindi siya bad boy and he's actually super kind. Tumutulong siya sa charity at hindi puro pambababae ang inaatupag nya. Nagsisimula na rin siyang mag-aral para sakanya na lang ibigay ng dad nya ang business nila.

Hindi nga playboy, manhid naman. Nakakainis na nga eh! Ang tagal ko na siyang binibigyan ng hint pero he still doesn't realize! Ayokong maging straightforward dahil nakakaturn-off daw yun pero seriously, wala siyang kaalam-alam na gusto ko siya! Since naging magkabarkada kami wala parin siyang alam! Like hello?

Pumasok ako ng maaga sa school kasi, trip ko lang. Atleast on the first day I'm punctual and I serve as a role model. Kahit kami ang may-ari ng university, kailangan ko pa rin sumunod sa mga rules and regulations ng university or else mga parents ko pa mismo ang magsususpend sa akin. And I don't want that, dahil may inaalagaan akong pangalan.

Dahil maaga pa, konti pa lang ang tao, kaya tinake advantage ko na ito at naglibot-libot sa buong campus para makita ang mga renovations na ginawa nila nitong summer. And I must say, nag-improve nga.

Narealize ko, ang sarap din pala magpakanormal minsan. Yung hindi ka napapaligiran ng fanboys at fangirls, walang nagchichismisan kapag dadaan ka, walang trying hard at feeling close sayo, wala ka ring limitations na ginagawa. Just, being yourself.

But I know hindi ito tatagal, dahil mamaya-maya lang, darating na ang ibang mga students, at magsisimula na ang hell. Kaya lulubus-lubusin ko na muna habang may time pa.

Ang canteen. Wow, very clean and fresh. Inayos na ang mga sirang table at pinaexpand pa ang canteen dahil sa umaakyat na population ng school. Great.

Speak Right NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon