[Chapter 3 - Angel from Above.]

899 26 7
                                    

 ALMIRA'S POV

Kakaalis lang ni Iris, pupuntahan nya pa daw yung barkada. Grabe, ilang taon na rin ang nakakalipas. Namiss ko talaga siya. Wait, sino nga ba siya ulit?

Sa susunod ko na lang muna iisipin yon. Sa ngayon, kailangan kong magconcentrate sa school na 'to, kailangan mag-aral ako ng mabuti para matulungan ko na ang pamilya ko. 17 years old na ako, matanda na ako. Second year ko na ‘to ng college.

Nabalik ako sa realidad nang napansin kong may humila kay CK, mukhang galit.

"CK! Saan ka pupunta? Teka-", hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis syang sumagot bago pa sila makalayo.

"Teka lang Almira! Babalik ako! Hintayin mo na lang ako sa may swimming pool, magtanong ka na lang kung saan! Tsaka mag-ingat ka sa tatlong mal-", hindi ko na narinig yung sunod pero malinaw na kailangan kong pumunta sa pool.

Nako, nakakahiya naman. Susundin ko na lang si CK, magtatanong na lang ako.

"Excuse me Miss, saan po yung swimming pool dito?"

"Nasa likod ng campus malapit sa gym. Dumaan ka na lang dun, dere-derecho lang tapos kumanan ka sa dulo. Malapit na yun dun.", tapos umalis sya agad. Parang nairita.

SHUNGET. (_ _)

Pero syempre, susundin ko na lang yung sabi niya. Naglakad na ako papunta dun sa tinuro nya hanggang sa kumanan na ako dun sa dulo. May naaaninag na akong tubig, yun na ata yun!

Huwaaaaaaaw! Ang ganda naman tsaka ang laki! Ang linaw ng tubig tsaka ang professional ng dating!

Maraming tao sa paligid, pero wala nang nagsiswimming. Yung iba nagbibihis na, malapit na magsimula yung orientation eh.

Di ko napansing hindi pa pala ako gumagalaw mula sa pwesto ko kanina. Nakakahiya naman. Kaya sinubukan kong umupo dun sa gitnang bleacher, pero hinarangan ako nung isang babae na may kasamang isa pang babae, magkaibigan ata sila. Ang ganda nila tsaka maputi! Kakatapos lang ata nila magswimming kasi basa pa yung buhok nila. Pero parang may napansin ako, may isa pang magandang babaeng sa likod nya na naghagis ng tsinelas dun sa pool.

Haha. Littering sa pool? LOL. Medyo bad girl. XD

"Uhm, excuse me Miss.", tinuro nya ako ng nakataas pa yung yung hinliliit nya. Ang ganda ng nail polish nya! Yung kasama nya nasa left nya lang.

"Bakit?", malumanay kong sagot.

"You see kase, my slippers fell on the pool eh. And I am tired na to get it because I just finished swimming. Can you help me to kuha it? Pretty please?", sinabi niya with matching beautiful eyes. Ang pagkakakita ko hinagis yung tsinelas eh, pero oh well vowel mas mabuti nang tulungan ko sila.

"Sige okay lang! Tutulungan ko kayo. Teka lang umisod lang kayo, tatalon na ako sa pool", at sinunod naman nila ako, pero kanina pa hindi matanggal ang ngiti nila. Bakit kaya?

Speak Right NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon